26

1.3K 39 9
                                    

Nag-aayos pa ako dito sa bahay. I wear a dress. It covers my torso and hangs down over my legs. It’s a longsleeve with many paints of flowers and has a long slit on my right legs. Wala si Alistair dahil nag-aayos pa ito. Sabi niya sakin kanina ay susunduin niya ako.


I put some conceler on my neck para hindi makita ng parents ko yung mga love bites. I might give them a heart attack.

Nauna na sa restaurant ang parents ko. Si Neon lang ang naiwan para samahan ako. Hindi na sasama mga kaibigan ko dahil tutulong sila kay heart para sa welcome back party ko mamaya. I asked them na sumama sa dinner because they are also a part of family pero sila na ang umayaw. They will just wait for me sa gilid ng waterfalls kung saan gaganapin ang mini party.

“Ate? Are you done…ang tagal naman!” nayayamot na sabi ng kapatid ko. Sa labas lang naman ito ng kwarto pero kung makasigaw akala mo naman nasa kabilang bundok ako.


“Magtwo-two hours kana diyan andito na si Kuya Ali.” Dagdag nito.

I apply some lipstick bago buksan ang kapatid ko. “Ito na nga tapos na…. grabe ka naman two hours lang eh.”

Napakamot na lang ito ng batok. “Nasa labas na si Kuya Ali.”

“Makakuya to akala mo naman hindi sinabihan na kikidnapin.”
Nauna itong bumaba sa akin.

Sumunod naman ako. “Close na kami eh…”

“Good evening.” Bati ni Ali and he kiss my cheeks. Nakatayo ito sa labas at may dalang flowers.

“Good evening too handsome.”

“Thank you ate.” Sabi nang kapatid ko. I just glare at Neon hindi naman ito sinabihan eh.

Bigla akong kinakabahan ng nasa harap na kami ng restaurant. Tinignan ko naman si Ali. He looks calm and serious hindi nababakasan ng kaba ang mukha. Hinawakan ko naman si Ali sa kamay ganun din ang ginawa ni Neon parang nakakatulong iyon sa binata. Nagmumukha kaming tanga na tatlo dahil sa magkahawak kamay. Parang ang legal atang kabit.


Nagmumukha pang may relasyon si Neon at Ali eh, napakakulit ng kapatid ko sarap itapon sa switcherland. Itatapon ko to bukas, kinukuha nito ang atensyon ni Ali. Kaya imbes na mag-usap kami tahimik lang ako sa tabi.

Pagpasok namin ay kaunti lang ang tao.  Napatingin naman ang ilan sa crew sa kamay ni Ali at Neon. Tahimik na natutuwa sa nakikita. “Good evening Lady Fern, Master Neon and Sir Alistair… this way your parents are waiting.” Bati nang babaeng crew at inihatid kami kina mommy.

Pagdating namin ay maraming handa sa lamesa. Parang may date pa ang parents ko dahil nakabukas na ang wine at naghagikgikan na ang dalawa. Tumayo sila ng mapansin ako.

“Daddy… hindi niyo to date ni mommy.” Sabi ko dito pero humalik lang ako sa pisngi niya.

“I know darling… ang ganda kasi ng mommy mo.” He reply and kiss me on my forehead.

Ngumiti naman si mommy at niyakap ako.

Nagkatinginan naman kaming tatlo dahil hindi pa binibitawan ni Neon si Ali. Tumingin sakin si Neon pati sa mga magulang namin. “Mom, meet my boyfriend…Alistair.”

Tumawa naman sina mommy at daddy dahil pinatunog babae ni Neon ang boses. Hindi ako natawa dahil nakakasuka. Pwe ang pangit. Hindi ko nilalait nagsasabi lang ako ng totoo.


Ngumiti naman si Ali na parang naaliw sa pamilya ko. Hay naku, wala na ang pangit na ng image ko.

Tumawa naman si Mommy at binati si Alistair. “Tama na yan Neon hindi na natutuwa ang ate mo.” Pinigilan pa ni Daddy si mommy na halikan si Alistair. Imbes si mommy humalik ay si Daddy na ang may gawa. Napangiwi naman si Ali.

High Society Club Series 2: Taming The GroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon