06

1.6K 92 55
                                    

"Kung hindi para sayo agawin mo pwede yan."Sabi ni Zion. Kakatapos lang nila na sumayaw at pabalik na sila sa kanilang pwesto.

Si Ali naman ay nakaupo sa isang lamesa kasama ang mga kaibigan. Mabuti nalaang at walang mga babae kung hindi ay sigurado siyang gulo ang aabutin.

"Ang lovelife dinadasal yan kay lord, hindi inaagaw." Sabi ko at umupo malapit sa pwesto ni Ali.

Despirado ako kaya lang ay hindi ko magawang mang-agaw nalang basta-basta nakadepende padin yan sa tao o desesyon ng panginoon para sa akin.

Ex na nga mukhang hindi pa nakakamove on dito. Ex na nga pero hindi mo ma deny na naging masaya sila sa piling ng isat-isa.

Sumama ang tingin ko kay kuya Apollo ng makitang may kasama itong lima na babae. Subukan mo lang Ali. Huwag sa harap ko kung ayaw mo ng gulo. Mabuti na lang ay umiling ito at tumigin sa'kin.

"Kuya.. puro kayo mukha at katawan, ayaw niyo sa mga baliw?" sabi ni Zion kay Apollo. Tumawa naman ang iba.

"You're life would be boring." Sabi naman ni Riley at pinuno ang kanyang baso ng alak.

Tumawa ito at ngumisi. Natamaan tuloy ng ilaw ang hikaw nito. "Sakit yan sa ulo...Si Alistair nga ay hindi na makakuha ng babae dahil sa isa diyan." sabi nito at sa akin tumingin.

Suminghap ako. Aba't. "Hoy babae naman ako hindi niya kailangan ng girls. Ako lang sapat na."

Naghiyawan naman sila. "Sapat na sa sakit ng ulo ni Ali." Hindi naman ako ganun kakulit. May pinaglalaban lang.

Tumingin naman ako kay Ali na kaupo lang at napapailing na lang sa amin. "Hoy Ali. Magsalita ka nga diyan, sabihin mo na hindi mo na kailangan yung mga babae."

Yung mga babae naman na kasama ni Apollo ay masama ang tingin sa akin. Lalo na ang isa na ang tingin ko ay may gusto kay Ali. "Hindi mo mafoforce yung isang tao na tumingin lang sayo kung alam niyang may magsasatisfy pa na babae para sa kanya."

"Pwede ba who ever you are. And I don't care. Wag kang bastos miss. Huwag kang sumali sa usapan ng iba. Hindi mo ba natutunan ang GMRC? Good manners and right conduct sabihin ko na para malaman mo. Tinuturo yun sa eskwelahan at sa bahay kinder at grade one alam yun."

Tumawa ito sa kanya at tumingin kay Ali. "Kilala kita Ada your one of the psycho. Kinalbo lang naman ang kaibigan ko. Nagsasabi lang naman. Kapag stick ka sa isa hindi mo matitikman ang iba... sayang yun."

I rolled her eyes. Aakitin pa nito si Ali. "Oh, kilala mo pala ako? Sa palagay mo isa ka sa taong matitikman niya? Sa tono ng salita mo ay sigurado akong marami ka nang natikman. Girl mag pa check-up ka at baka may HIV kana."

"Hindi natin yan alam."Sabi nito at kumindat kay Ali.

"Sige isang salita at kindat mo pa tatadtadin ko ng bala yang fake mong mukha at katawan. Ikaw na may sabi kilala mo ako at alam mo ang kaya kong gawin."

Namutla naman ito at mukhang nasindak. Saan na ang landi mo bitch? Wala talagang sinasanto ang malalandi. Uminon naman ako sa baso ko at inisang lagok iyon. Malakas na ingay nang nilapag niya iyon. Lumayo naman ang kaibigan niya. Nagtitigan sila ng babae. Come on! Sasagot ka pa eh. Akmang tatayo na ito ng dumating ang bodyguards niya. Tumayo naman si Ali at hinawakan ako sa kamay. Hindi naman ako makikipag-away ah. Yung mga kaibigan ko naman ay natatawa lang habang nunuod.

"Sa susunod kilalahanin mo yung aakitin at sasagutin mo."Sabi ni Zion.

"Stay... alam mong iinom pa tayo... Bakit, hindi mo kaya? Saan na yung tapang mo."

Tahimik na bumalik ito sa pagkakaupo. Pumunta naman sa kanya ang isa niyang bodyguard at may ibinulong ito sa akin kaya lalo akong napangisi. Hawak pa din ako ni Ali at umupo ito sa tabi. Hindi naman ako makikipag-away.

High Society Club Series 2: Taming The GroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon