Chapter 1: Alone

458 86 33
                                    

Naglalakad lang ako bitbit ang isang duffle bag na naglalaman ng iilang damit at pagkain. Nakasukbit naman sa likuran ko ang dalawang katana at may dalawang baril sa magkabilang binti ko naman. Habang ang isang kamay ko naman ay hawak hawak parin ang palakol na nakuha ko sa boutique.

Nagtataka siguro kayo kung bakit palakad lakad lang ako na para bang namamasyal lang.

Hindi naman kasi ako sinusugod ng mga zombie dahil isa rin ako sa kanila.

Palakad lakad lang ako dahil hindi ko naman alam saan ako pupunta. Siguro maghahanap nalang ako ng isang lugar na gagawin kong safe house.

Sa gilid ng maruming kalsada may nakita akong bisikleta. Para hindi ako masyadong mapagod sa kakalakad though hindi ako nakakaramdam ng pagod na siya kung ikinataka, kinuha ko ito at nagsimulang mag pedal. Mabuti rin namang gamitin to para hindi maka attract sa mga zombie at madali pang bitbitin kung kinakailangan.

Nanlulumo nalang akong napapatingin sa paligid ko dahil sa magulo at wasak na mga establisyimento na nadadaanan ko. Hindi ko aakalaing mangyayari to.

Habang nagiikot ikot ako baka sakaling may makita akong pwedeng gawing safehouse at survivors narin kung papalarin. May nakita akong gusali na akma sa panlasa kong mainam na gawing safehouse. May matitibay na bakod ngunit hindi gaanong mataas.

Nakapadlock ang front door kaya humanap ako ng ibang way na mapapasukan though pwde ko namang sirain kaya lang magdudulot lang ito ng ingay at baka magsisulputan nalang bigla ang mga zombie dito.

Sa gilid ay may nakita akong hagdan na kaya kung talunin at mabuti nalang may hagdan dito at medyo tago pa. Diretso sa rooftop ang hagdan kaya doon ko napiling ilagay ang mga gamit ko. Mula dito kitang kita ko ang nasa paligid ko.

"Ggggrrrrrkkkk" oppss nagaalburuto na pala ang tiyan ko. Kumuha ako sa duffle bag ko ng isang delata, tinapay at kinain to. Oh baka sabihin niyo pati lata kinain ko? Siyempre binuksan ko 'yong lata tsaka kinuha ang laman at 'yon ang kinain ko.

Matapos kumain ay napagpasyahan kung maglinis sa labas. Hindi 'yong magwalis ha! Kundi magligpit ng mga zombie. May iba't ibang uri ng zombie akong nakasalamuha.

Walker- sila 'yong mga zombie na naglalakad Lang. Kaya nga walker ang tawag sa kanila diba?

Sprinter- sila naman 'yong agresibong zombie. Mabilis tumakbo na parang naka rapid boots sa mga ML player jan alam niyo na 'yon

Ghoul- ito naman ang dapat na iwasan. Napaka agresibo at malaking zombie. Parang nag evolve like Pokemon though nakakita na ako pero iniwasan ko nalang tinatamad akong kalabanin eh. May pag iisip sila kung tungkol sa pagkain ang pag uusapan dahil nakikipag away sila sa kapwa nila ghoul. Masasabi kong isa rin akong ghoul kaya lang may matino pa akong pag-iisip. Hindi ko lang alam hanggang kailan dahil minsan sumasakit ang ulo ko at may naririnig akong boses na di ko maalala.

Matapos kung matulala ng ilang saglit. Naghanda na ako para sa aking PAGLILINIS. Napagpasyahan kong palakol nalang ang gagamitin ko sa pagpatay ng mga zombie sa baba.

Gamit ang hagdan, dahan dahan akong bumaba at nagready na para sumabak sa madugong medyo kadiring digmaan.

Paglabas ko palang sa gate ng gusali, I easily grab the first zombie I saw and hit it directly to its head para mamatay agad. The head is their weakest point so diyan dapat na puntirahin.

Naliligo ako sa dugo matapos ang ginawa kong killing spree. Isa isa kung hinila ang mga napatay ko sa isang sulok upang tipunin at sunugin. Ayaw ko namang mangamoy bangkay ang paligid ng tinitirhan ko ngayon kaya dapat sunugin kaagad ito.

Bumalik na ako sa rooftop at kumuha ng pamalit. May cr naman doon kaya doon na ako naligo upang maalis ang mga dugo na dumikit sa balat ko. Itatapon ko nalang ang pinaghubaran ko dahil hindi na kaya pang labhan.
Isinama ko nalang sa sinunog ko ang damit na maraming dugo. Tiningnan ko ang wrist watch ko at nakitang alas nwebe na pala ng gabi. Mga pitong oras din pala akong naglinis at di ko man lang namalayan ang oras.

In this cold floor where I'm lying, I feel the familiar feeling of being alone. It seems that I'm already used to it but sometimes it makes me sad.
I don't want to be alone but what I can do? It seems I'm the only survivor left in this place, but I do hope I can still found one in this impossible situation.

After a few minutes of thinking, I finally succumb from the darkness and drifted to sleep.

A/n:
Mag a update ako ulit kahit na walang nagbabasa ng story ko😂😂😂

This story is inspired from Resident Evil Movie and other zombie stories I've already read. So just bare with my grammatical errors and such.

Don't forget to VOTE, COMMENT and SHARE😊😊😘😘😘

Thank you

~zeicky~

World Apocalypse: One of ThemNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ