Chapter 6: Saved

242 59 12
                                    

Unkown's POV

"Boss, may nakatakas po na isang bihag." iyan ang bungad sa akin ng isa kong tauhan.

"Hayaan mo na, hanapin niyo nalang ang pinapahanap ko dahil alam kong kahit makatakas pa iyon dito hindi naman siya ligtas sa labas. Siguradong kamatayan lang ang naghihintay sa kanya." nakangising demonyong saad ko.

"Pero boss, matagal na natin siyang hinahanap. Baka ho patay narin siya."

"Gonggong! Hindi siya pwdeng mamatay at lalong lalo na hindi siya namamatay." Galit kong saad dito.

"Any progress?" seryosong tanong ko sa isang scientist na nagmominitor ng mga kaganapan sa loob ng aking  laboratoryo.

"Yes boss. We got a signal from Project Zero but lasted only for a second." balita nito sakin.

"Then, what are you waiting for? Locate her now! Hindi ko kayo binayaran para tumunganga lang!" Nanlilisik sa galit na tinangnan ko ito.

"Y-yes boss." natatarantang saad nito at nag-umpisa ng humarap sa iba't ibang  computer na makikita rin sa laboratoryo ko.

Lumabas ako sa kwartong iyon at pumasok sa isa na namang pintuan. Makikita mo naman dito ang iba't ibang malalaking tube na may taong nakapaloob dito.

"Kumusta ang eksperimento sa kanila?" tanong ko sa isa na namang scientist na nadirito.

"Boss, hindi parin namin na peperpekto ang ekspiremento. Hindi namin alam kung ano ang kulang sa formula para magkapareho sa DNA ni Project Zero."

"Wala na ba talaga kayong maibigay na magandang balita ngayon ha! Mga inutil." Sigaw ko sa mga palpak na mga siyentipiko na mga ito. Mga walang kwenta.

Napaatras naman ito sa sigaw ko.

"P-pero boss nakagawa po kami ng bagong uri ng zombie. Nag e-evolve po ito kapag nakakakain ng mas maraming tao ngunit kailangan nalang naming makontrol ito."

Nagningning ang mata ko sa binalita nito.

"Magaling! Tapusin niyo 'yan at siguraduhing makokontrol natin iyan kung ayaw niyong ipalapa ko kayo sa aking alaga."

"Maghintay ka lang Project Zero o tawagin nalang nating............
........

.............

..........
Xyrine, makukuha rin kita at gagamitin upang mapasaakin narin ang mundong ito."  napapahalakhak nalang ako sa aking isipan habang iniisip ang gagawin pang karumaldumal sa mundong ito.

Xyrine's POV

Ramdam ko ang matinding galit na lumulukob sa katauhan ko. Napansin ko pang nagbago ng kulay ang mga mata ko kaya unti-ubti kung kinakalma ang sarili ko.  Hindi ko lubos maisip na kahit sa gitna na ng pandemic ay may mga taong halang ang kaluluwa na kayang manakit at pumatay ng tao. Imbes na magtulungan sila-sila pa ang nagtratraydoran.

I just tap Stacy's shoulder to soothe her. Ito lang muna ang magagawa ko sa ngayon.

Kung totoo ngang may ganoong lugar, kailangan kung makapasok doon.

I need to plan para makapasok doon at ng mailigtas ko pa ang mga inosenteng tao na ginagamit nila sa kanilang ekspiremento.

Nararamdaman kong may koneksyon ako sa lugar na 'yon, kaya iyon ang kailangan kong alamin.

Matapos mahimasmasan sa kaiiyak ay nakatulog ulit si Stacy.

Habang natutulog sila ay hinanda ko na ang mga gagamitin ko mamayang gabi sa pagpasok sa UH.

World Apocalypse: One of ThemWhere stories live. Discover now