Chapter 7: Thankful

186 50 6
                                    

Stacy's POV

Nagising ako sa ingay ni baby Carly. Siguro puno na ang diaper nito. I check it and I'm right puno na nga ito ng ihi niya. Agad kong pinalitan ang diaper nito at pinagtimpla narin ng gatas.

Lumabas ako sa kwarto at bumungad sakin ang tahimik na paligid. Siguro lumabas muna si Xyrine kaya napagpasyahan kong magluto nalang ng agahan.

Medyo nakakasawa narin ang kumain ng instant food pero no choice ito lang ang makakain namin dito.

Busy ako sa pagpreprepare ng breakfast ng may marinig akong kalampag sa baba.

"Naku! Baka infected pa ang nag-iingay na yan."

Kinuha ko ang isang sniper gun sa gilid ng rooftop. Napasinghap ako sa gulat at tuwa ng mula sa lenti ay nakita ko kung sino ang nasa labas ng gate.

Bitbit ang isang espada ay pumunta ako sa ground floor. Mabilisan kong binuksan ang gate at tinulungan silang makipaglaban sa mga zombie na nasa paligid.

"Ate!" Dali-daling tumakbo ang kapatid ko sa akin at niyakap ako sa beywang.

"Kurt, papasukin mo na silang lahat sa loob at doon na tayo mag-usap." utos ko sa kanya na agad naman niyang sinunod.

"Mga kasama, pumasok na kayo sa gate ngayon din!"

Agad naman silang nagsipag sunod habang ako ay prinoprotektan sila sa mga infected na gustong makalapit sa kanila.

Mabilis kong tinapos ang mga infected na nasa paligid at pumasok na rin sa loob.

"Ate, nasaan ang susi?"

"Hindi tayo diyan dadaan Kurt." sagot ko sa kanya.

Iginiya ko sila sa hagdan na nasa gilid ng gusali at sinabing dito kami dadaan.

Sampo silang lahat na kasama ng kapatid ko at inalalayan ang dalawang mag-asawang matanda sa pag-akyat sa hagdan.

"Ate nagugutom na po kami." iyan kaagad ang sabi sa akin ng kapatid ko ng makarating kami sa rooftop.

"Tamang tama may inihanda ako diyan na almusal. Halina muna kayo at ng makakain narin."

Agad naman silang nagsiupo sa lapag dahil wala namang mesa dito.

Nagluto pa ako dahil alam kong kulang ang inihanda kong pagkain sa kanila. Hanggang ngayon hindi parin umuuwi si Xyrine.

"Nasaan na kaya ang babaeng 'yon?" natanong ko na lang sa isip ko.

Habang kumakain sila ay naisipan ko ng mag-usisa.

"Ah ako nga po pala si Stacy at ito naman ang kapatid ko na si Kurt." pakilala ko sa kanila.

"Tawagin mo na lang akong Mang Pedring at ito naman ang asawa kong si Rosa o Manang Rosa nalang ang itawag niyo." pakilala naman ng matandang aking inalalayan paakyat dito sa rooftop.

"Nice to meet you po Mang Pedring at Manang Rosa."

"Hi Stacy, I'm Jack and I'm single ready to mingle." preskong saad naman ng isang binata na nakasandal sa gilid ng rooftop.

Unang kita ko pa lang sa kanya masasabi ko nang Playboy siya. Umiinit talaga ang dugo ko sa mga katulad nila!

Isang matinding irap lang ang binigay ko sa kanya. Bahala siya diyan.

"Ako naman si Letty at ito naman ang boyfriend ko na si Mark." pakilala naman ng magkasintahan.

"Hi my name is Lejay and this is my girlfriend Anna."

"Yoh, Ken is the name." kwela namang pakilala ng isang binata na katabi pa ni asungot Jack.

"And this is my twin brother Ren" pakilala pa ni Ken sa kakambal.

"And I'm Ruth." mahinhin namang pakilala nito.

Isang ngiti at tango naman ang binigay ko sa kanila bilang pagbati.

"Paano nga ba kayo nakatakas at tsaka paano niyo nalaman ang lugar na ito?" nag umpisa na akong magtanong sa kanila.

"May tumulong sa aming tao papalabas doon. Hindi namin kilala dahil nakatakip ng facemask ang kalahati ng kanyang mukha kaya hindi namin nakita ang mukha niya." sagot ni Mang Pedring.

"Ate, nagpakilala po siyang kaibigan niyo at siya rin po ang nagbigay ng mapa papunta dito." biglang sabat ng kapatid ko.

Biglang pumasok sa isip ko si Xyrine, pero imposible bakit niya naman gagawin 'yon ng mag-isa. Ngunit wala naman akong iba pang naging kaibigan bukod sa kanya?

"A-ano, nasaan na siya ngayon?" ninenerbyos kong tanong sa kanila. Hindi maalis sa isip ko na baka si Xyrine nga ito dahil siya lang naman ang napagsabihan ko sa mga nangyaring pagdukot sa aming magkapatid.

Mabilis na nagsipag-iwasan sila ng tingin sa akin na kahit si asungot na tinitigan ko ay di makatingin sa akin ng maayos.

Sa mga kilos pa lang nila alam ko ng may mali na.

Malungkot namang tumingin ang kapatid ko sa akin at maya-maya nga'y  umiyak na ito.

"A-ate! N-naiwan po siya doon. N-niligtas niya po kami k-kaso hindi na po siya n-nakalabas pa roon." iyak na sagot sa akin ng kapatid ko.

Nanghina ang mga tuhod ko ng marinig ko ang balitang iyon. Hindi ko sukat akalaing ibubuwis niya ang kanyang buhay para matulungan lamang ang ibang tao.

Xyrine, kung saan ka man ngayon nawa'y nasa mabuti kang kalagayan at maghihintay kami na makabalik ka rito.

Taimtim kong dasal para sa kanya. Ito nalang ang magagawa ko sa lahat ng kabutihang ginawa niya sa amin.

"'Wag tayong mag-alala alam kong makakalabas siya doon." buo ang loob na pahayag ko sa kanilang lahat.

May tiwala ako kay Xyrine na makakauwi siya rito ng ligtas. Alam kong may hindi ordinaryo sa kanya ngunit ipinagsawalang bahala ko lamang iyon. Ang importante ay mabuti siyang tao at handang tumulong sa mga nangangailangan.

I'm so thankful to meet her even in this awful circumstances.  A true friend it is.

A/n:

Here's another update for you mga kazombibe. Sorry natagalan, nakakawala kasi ng ganang magsulat lalo na pag walang nagbabasa 😅 pero salamat sa isang co-writer ko na nag bigay ng advice. Thank you so much. I decided to finish this story with or without a reader.

Don't forget to VOTE, COMMENT and SHARE 😊😘😘😘

~zeicky~

World Apocalypse: One of ThemWhere stories live. Discover now