Chapter 12: Doubt

105 17 4
                                    

Xyrine's POV

I heard everything what Anna said to them. Thanks to my enhanced hearing ability.

I can't believe na pagbibintangan niya ako dahil sa jacket na naiwan ko dito.

Pupunta sana ako dito para makahingi ng tawad kay Kurt ngunit may nangyari namang ganito.

I'm hiding just above them here in an air vent.

"Ano? Sigurado ka bang si Xyrine talaga ang may gawa ng pagpatay o gawa-gawa mo lang iyan para makalusot sa kasalanang ginawa mo?" nang-uuyam na sagot ni Stacy kay Anna.

"Sinabi ko na ngang hindi ako ang pumatay sa kanila! Siya lang naman ang nakita kong may suot na ganoong jacket." galit naring sagot ni Anna kay Stacy.

Naguguluhan ako kung sino nga ba talaga ang pumatay sa dalawang matanda. Sa sobrang pag-iisip ko ay hindi ko namalayang nakita na pala ako ni Kurt dito sa pinagtataguan ko.

"Ate Xyrine?" gulat na sigaw ni Kurt na ikinalingon nilang lahat dito. Natuon naman sa akin ang kanilang paningin kaya wala na akong nagawa kundi ang bumaba mula sa air vent.

Pagkababa ko pa lamang ay tinuonan kaagad ako ng baril ni Anna.

"I told you guiz! Siya ang pumatay kina manang." nanggigigil na wika nito.

"Tumahimik ka nga Anna! Hindi sapat na ebidensya ang sinasabi mo." galit na sigaw ni Stacy dito.

Walang emosyon akong nakatingin sa kanilang lahat. Dinukot ko ang ballpen at notebook na lage kong dala ang mabilis na nagsulat.

"HINDI KO ALAM ANG SINASABI NIYO DAHIL KARARATING KO LANG DITO. HIHINGI LANG AKO NG TAWAD KAY KURT DAHIL NASAKTAN KO SIYA NG HINDI SINASADYA." binasa ni Mark ang sinulat ko at napakunot noo.

"Oh, kita niyo na. Sinaktan niya na nga si Kurt at hindi malabong siya rin ang pumatay kila manang." nanlilisik ang matang sabi ni Anna sa lahat.

"Tanga ka ba Anna? Baka nakakalimutan mong siya ang nagligtas sa buhay nating lahat at kung hindi dahil sa kanya baka hanggang ngayon para ka paring daga na pinag e-ekspirementohan nila!" madiing saad ni Jack dito.

"Oo niligtas niya tayo pero hindi niyo man lang ba inisip kung bakit tayo tinulungan niyan? Isa siyang baliw na isa isahin tayong papatayin!" hiterikal na sigaw ni Anna.

"Hindi naman natin kilala kung sino siya at nakita niyo naman ang kilos niya hindi ba? Hindi siya normal na tao! Kaya kung ako sa inyo magpakalayo-layo na lang tayo para hindi niya tayo mapatay lahat." dugtong pa nito.

"Kung gusto mo, ikaw nalang ang umalis dito." malamig na saad ni Stacy.

Natigilan naman si Anna sa tinuran ni Stacy.

"So kinakampihan niyo pa talaga siya? Fine! Aalis ako at bahala na kayong mamatay lahat dito!" huling sabi ni Anna bago umalis at pumunta sa kanyang kwarto.

"I'm sorry guiz, pero susunod ako kay Anna kahit saan siya magpunta. Ganoon ko siya kamahal." malungkot na wika ni Lejay bago sinundan ang nobya.

"A-ako din, pasensya na sa inyo pero sasama ako kina Anna." mahinang saad ni Ruth.

Tahimik ang lahat ng naiwan dito sa kwarto. Napayuko nalang ako ngunit nangunot ang noo ko ng makaamoy ako ng isang preskong dugo. Medyo nasasanay na ako sa dugo ng tao kaya na kokontrol ko narin ito sa ilang buwan kong pag eensayo.

Papalabas na sana si Ruth para pumunta sa kanyang kwarto ng pigilan ko siya sa kanyang balikat.

Napa-aray pa ito ng hawakan ko ang balikat nito. Tama nga ako, sa kanya na nanggagaling ang dugong na amoy ko.

World Apocalypse: One of ThemWhere stories live. Discover now