Chapter 11: A Foe

125 23 1
                                    

Dedicated to Anomaself

Unknown's POV

"Any update?" bungad ko sa kanya ng masagot nito ang tawag.

"Nakuha ko na ang mga loob nila kaya madali na lamang ang pinapagawa mo." seryosong tugon nito sakin na aking ikinahalakhak.

"Magaling! Magaling! Hindi talaga ako nagkamaling ikaw ang pinili kong mag espiya diyan." puri ko sa kanya.

"Hindi ko naman gagawin to kung hindi mo lang ako ginigipit!" sigaw nito sakin. Mabilis ko namang inilayo ang telepono sa aking tenga ko dahil sa pagsigaw niya.

Lukot ang mukhang muli kong itinapat ang telepono sa aking tenga.

"Magdahan dahan ka sa pananalita mo! Baka nakakalimutan mong hawak ko ang pamilya mo." mahina ngunit puno ng diin kong sagot sa kanya.

Ang pinaka ayaw ko pa naman sa lahat ay 'yong sinisigawan ako.

"Isang pitik lang ng daliri ko, gutay-gutay na ang mga katawan ng pamilya mo. Mabubusog lalo ang alaga ko." nakangisi kong sabi sa kanya.

Ilang segundong hindi ito nakaimik.

Ha! Mahihinang nilalang, kaya nga kailangan silang mawala dito sa mundong aking lilikhain.

Naiisip ko pa lang iyon ay nabubuhay na ang dugo ko dahil sa sobrang antisipasyon sa mangyayari.

"I-I'm sorry just p-please 'wag mong s-sasaktan ang p-pamilya ko." humihikbing sagot nito nagpabalik sa akin sa huwisyo.

"Oh, don't cry dear." malambing kong saad dito.

"Basta gawin mo lamang ang ipinagagawa ko, walang mangyayaring masama sa pamilya mo." I evilly laugh and cut off the call.

Maghanda ka na Project Zero dahil hindi ko palalampasin ang ginawa mo sa akin.

Ano kaya ang gagawin mo ngayong nanganganib ang mga buhay ng pinahahalagahan mong mga survivor na hindi nila nalalaman?

I'm so excited of your downfall.

"Nagsisimula pa lang ako at kapag wala na ang mga balakid sa mga plano ko, ikaw naman ang pagtutuonan ko ng pansin. Pasasaan ba't babalik karin ng kusa sa akin."

Hindi mawala-wala ang ngisi ko sa labi at napapahalakhak na lang bigla. Iisipin mong nababaliw na ako, siguro nga!

I'm crazy to finally see the outcome of my brilliant plan.

Ngayon pa lang ay naa-amoy ko na ang tagumpay!

Someone's POV

Umiiyak akong napadaosdos ng upo sa malamig na sahig ng kwarto ko. Hindi ko maatim na pumatay ng tao ngunit para sa pamilya ko ay gagawin ko ito ng walang pag-aalinlangan.

Hindi ko pa man nagagawa ay nginangatngat na nang konsensya ang buo kong pagkatao. Ngayon palang ay humihingi na ako ng kapatawaran sa mga kasamahan ko na nandidito.

Dahil ako ang nakatoka na maghanda ng mesa ay nilagyan ko ng pampatulog ang tubig na iinumin ng dalawang matanda.

Eepekto ito makalipas ang apat na oras kaya tamang tama pag tulog na ang lahat hindi sila magigising sa gagawin kong karumaldumal.

Hating gabi na kaya alam kong tulog na ang lahat. Mabilis kong nilipat ang katawan nina manang Rosa at mang Pedring sa isang bakanteng kwarto at dito na inumpisan ang pagpatay sa kanila.

Ilang beses kong pinagsasasaksak si manang Rosa. Sa mukha, sa dibdib, at iba't ibang parte ng katawan hanggang sa malagutan ito ng hininga.

Hindi ko akalaing magigising si mang Pedring at masaksihan ang pangyayaring iyon. Nanlaban pa ito kaya nasugatan ako ng kutsilyo sa balikat ngunit dahil sa panlalambot nito ay madali ko itong nagilitan sa leeg.

World Apocalypse: One of ThemWhere stories live. Discover now