Chapter 10: Blooming Feelings

149 30 4
                                    

Jack's POV

Alam kong kilala niyo na ako dahil ako lang naman ang maloko sa grupo.
May dahilan naman kung bakit ko ito ginagawa.

Sabihin na nating papansin pero tama kayo nag papapansin ako kay Stacy. Naiisip ko pa lang ang pangalan niya kumakabog na ng mabilis ang puso ko.

Nasisiyahan nga akong makita ang mukha niyang naiirita kapag kinikindatan ko siya.

Pambihira kasi ba't sa kanya pa ako nagkagusto. I don't know if it's good or bad thing specially in this kind of crisis that we're facing. But I can't stop my self to fall harder everyday passing by.

"Good morning Stacy." nakangiti kong bati sa kanya.

"Che! Walang good sa morning tsaka alis nga sa dinadaanan ko!"

Oh kita niyo galit na naman siya. Sa'kin lang naman galit 'yan ngunit sa iba napakalambing.

Hayaan niyo't babait rin 'yan sakin. Baka nga may gusto pa iyan sa'kin dini-deny niya lang.

"Oy babe ba't ba ang sungit mo hindi ka pa naman buntis pero daig mo pa ang taong naglilihi." inaasar kong tugon dito.

"Letche! 'Wag mo nga akong matawag na babe hindi ako baboy at lalong lalo na hindi ako buntis!" nanlilisik sa galit nitong sigaw sa akin.

Aw, nagalit ko pa ata hindi niya naman kasi ako kinakausap kung hindi ko siya aasarin.

Hay!

Tinatanaw ko nalang siyang umalis at bumalik sa kwarto nito.

"Ayan kasi inasar mo pa." nagulat pa ako ng bigla nalang akong inakbayan ni Mark.

"Alam mo pare magtapat ka nalang hindi 'yong palagi mong dinadaan sa pang-aasar." biglang sabat naman ni Lejay.

"Ang sabihin niyo torpe kamo!" pasaring naman ni Ren.

"Tama ka diyan kambal." sabat naman ni Ken at nakipag apir pa sa kakambal. Napahalakhak pa ang damuho.

Hindi na maipinta ang mukha ko sa pagkayamot. Bakit ba nandito ang mga asungot na ito.

"Hoy Mark, Lejay porket may mga jowa kayo gaganyanin niyo na ako. Hala layas doon kayo sa mga jowa niyo 'wag niyo kong pistehin!" taboy ko sa dalawa.

"At kayo namang magkambal umalis kayo sa harapan ko kung ayaw niyong pagbuholin ko kayong dalawa! Mga tsismoso!" asar kong saad naman sa kambal.

Pero ang mga demonyo, ayon tawa ng tawa! Kita na ngala-ngala, mapasukan sana ng langaw mga bunganga nila. Pero hindi ako sinasang-ayunan ng tadhana walang langaw na pumasok sa mga bunganga nila.

Napasimangot nalang ako habang tinitingnan silang tumatawa.

"Oh? Ang saya niyo ha!" nakangisi ngunit puno ng sarkastikong puna ko sa kanila.

"Pero pare kung ako sa iyo magtapat ka na, dahil kung hindi uunahan na kita." seryosong wika ni Ken.

Natahimik naman ang mga damuhong siguro kagaya ko nagulat din sila sa sinabi ni Ren.

"Holy cow! Seryoso ka kambal?" gulat namang bulalas ni Ken.

"Sabihin na nating oo, kaya kung ako sayo pag-isipan mo na ang gagawin mo dahil pagnakita kong wala ka paring gagawin sinisigurado kong wala ka ng pag-asa sa kanya." seryoso paring tugon nito sa kakambal ngunit sa akin naman natuon ang mga mata nito.

"Hinding-hindi mangyayari 'yon!" seryoso kong saad sa kanya. I feel threatened to what he said.

Hindi na ito sumagot at tumalikod na ngunit bago siya umalis ay binigyan niya pa ako ng mapang-asar na ngiti.

World Apocalypse: One of ThemWhere stories live. Discover now