Chapter 3:

14 3 0
                                    


SELENE'S POV

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko. Dahan-dahan akong dumilat at inobserbahan ang piligid ko. Instead makakita ako ng pader parang mga upuan yung nakikita ko. Saka tinig ng mga hayop ang naririnig ko.

Tinignan kong maigi kung nasaan ako at ngayon ko lang na alalang nakatulog pala ako kagabi sa taxi kaya malamang nasa loob ako ng taxi ngayon.

Pinagmasdan ko ang paligid sa labas ng bintana ng taxi na kanina pang nakabukas. Mga baka,manok,itik saka mga maliliit na ibon ang nakikita ko. Nasaan Kaya ako? Tapos wala naman sila Dashmoon at Casper. Iniwan kaya nila ako?

"WAAAAAAAHHHHHH!!"

sigaw ko ng may kamay na tumambad galing sa baba at may itlog itong hawak.

"WAAAAAAAHHHHHH TULONG PO!!!!"

pinipihit ko yung bottom para bumukas ang pinto pero sobrang tigas at siguro dahil sa takot hindi ko na alam ang ginagawa ko.

"Selene shhh ako lang to shh." Lumitaw galing sa baba si Casper habang ako naghahabol ng hininga dahil sa takot.

"Tangama naman kasi eh. Ano ginagawa mo Jan sa baba?" Ako.

Feeling ko talaga humiwalay kaluluwa ko sa katawan dahil sa takot.

"Surprise Sana kita ng itlog Kasi baka nagugutom ka." Casper.

Hindi naman pang surprise yung itlog eh. Buti Sana Kung sa tao este kung itlog ng Dinasaur baka interesado pa ako.

"Hindi ako nagugutom ang akin lang bakit ako nandito? Eh diba dapat hinatid mo na ako sa boarding house ko?" Ako.

Akala ko kasi Totoo yun. Parang dinala pa nga ako sa poultry farm eh. Ano naman gagawin ko dito eh sobrang tahimik. Tanging ingay lang ng hayop ang maririnig mo.

Wait......

"Don't say gagahasain niyo ako dito? Tatawag ako ng pulis." Agad kong kinuha ang phone ko to dial police ng inagaw niya sakin ang phone ko.

"Hindi ka namin gagahasain. Inuwi ka namin sa Boarding House mo pero tulog ka. Bubuhatin ka nalang sana kaso baka magalit ka  saka wala naman kaming susi ng Boarding House mo." Pagpapaliwanag niya.

Kung ganun nga eh bakit paren?

"Bakit nga ako nandito? Bakit dito sa liblib?" Naiiyak kong tanong ulit.

"Dinaanan lang namin yung balot na order ng costumer ni Dashmoon mamayang gabi. Pagkatapos iuuwi kana namin." Casper.

Balot yun yata yung itlog na galing sa bebe o yung itik abay ewan Basta itlog siya na may maliit na nilalang sa loob. Kumakain si Night nun kaya alam ko yun.

"Saglit lang to-- oh heto na pala si Dashmoon." Casper.

Lumabas si Dashmoon sa may kubo dala-dala ang ice candy box na may nakalagay na balot. Seryoso talaga silang nagtitinda sila ng ganun?

"155 pcs tulungan moko magbinta nito mamaya ha." Sabi niya Kay Casper tapos nilagay sa tabi ko ang medyo mainit na box na tela hindi niya ako nakikita.

Pumasok uli sila sa taxi na sa bintana paren dumadaan. I'm wondering tuloy kung sira ba yung pinto sa harap.

"Eh Dashmoon nakalabas kana pala ng hospital." Saad ko ng umandar ang kotse at sobrang tahimik namin.

"Yes because I have to and beside I don't feel any pain so maybe it's safe." Saad niya.

"Pero diba dapat sa doctor natin I confirm yun?" Ako.

"Stop acting like you care. You even pushed me yesterday right?" Dashmoon.

Naramdaman ko ang pagtitig sakin ni Casper mula sa salamin sa harap.

When I Met The Two Weird GentleManiacsWhere stories live. Discover now