Chapter 10:

11 3 0
                                    

SELENE'S POV

nandito na naman kami sa iisang kwarto ng hotel. Sisikan na naman kaming apat dahil balisa na naman si Dashmoon at Casper. Parang takot na takot sila kaya pinabayaan nalang muna namin sila sa gusto nila.

Actually ako din naman natakot kahit Hindi ko alam yung dahilan nila.

"Alam mo Bwan parang may something wrong talaga Jan sa dalawang yan. Parang may naghahabol sa kanila don't you think na kriminal sila or something?" Hindi na din mapakaling Saad ni Charlane. I hissed at tinignan ang pinto making sure na wala sila dun.

"Wag ka ngang ganyan. Talagang weirdo lang sila." Pagpapagaan ko ng loob niya. Feel ko din naman na Mali yung iniisip niya eh. Kahit saglit ko lang nakilala ang dalawang yun ramdam kong may mabuti silang puso.
"Bwan hindi mo maiaalis sakin ang takot. Syempre hindi natin sila lubos na kilala noh" she defend her point.
"Masamang mag isip ng masama sa kapwa mo tao Alam mo ba yun?" Sabi ko na ikinangisi niya.

"Kelan pa yan Selene? Saka hoy anong kapwa tao ka Jan. Kung tratohin mo nga si Dashmoon parang demonyo eh. Buset ka ng buset." Charlane.

Well tama nga naman Siya. Gaspang ugali nung isa eh Kaya oo nga baka kriminal nga yun.
"Baka nga kriminal yun." Bulong ko.
"Kasi ninakaw niya puso ko boom bars shyt." Corny na banat ni Charlane. Ay baliw lang to.

Natigilan kaming dalawa ng may tumunog na phone sa bag ni Dashmoon. Pumunta pa silang dalawa sa baba to take food kaya ako nalang Kaya muna sasagot?

"Sagotin mo nga yun." Utos ni Charlane. Tsss inutusan pa ako eh noh?
"Sabi mo I don't talk to strangers tss." Pambabara ko.
"Ikaw naman kakausap hindi naman ako." Charlane.
Well may point din naman Siya dun.

Gusto Kong damputin yung bag niya para kunin yung phone pero parang ayaw ko na din. Natatakot ako eh Kasi Hindi ko naman gamit Yan.

"Wag nalang. Hayaan nalang natin yan" bumalik ako sa pagkakaupo sa kama.
"Sagotin mo baka importante kasi tas sabihin mo nalang kay Dashmoon." Charlane.
Pwede namang Siya nalang ang kumausap eh.
"Eh ayoko nga. Hindi naman akin yan baka ano pa isipin nun." Tanggi ko pa.
"Baka nga importante edi kung hindi sabihin mo tawag nalang siya ulit." Charlane.

Tama nga naman siya. Baka Kasi importante kargo pa namin pag hindi namin nasagot kaagad.
Nakatatlong missed call na yung caller bago ko mabuksan ang bag niya and lumabas sa caller yung name na

April

Baka girlfriend niya or kapatid Kasi babae eh. Nagdadalawang isip na tuloy akong sumagot. Pero tinuloy ko na din yung pag click ng answer bottom. I was going to open my mouth to say hello ng unang magsalita ang kabilang linya.

"Cal cheese where are you? Buong araw kitang hindi na see eh. Come sa house naman." Malambing nitong saad na ikinagulat ko.

Si April nga.

"Sino yan?" Tanong ni Charlane. Nilayo ko ang phone as I mouthed

"April. Pinsan ko!"

"Hello? Sino yang babae Jan? Hon? Hon answer me." galit na galit na ang boses nito Kaya agad kong ibinaba ang tawag. Ang ingay kasi nitong Charlane na to eh.

"Pinsan mo yun? Yung minsan mo ng nasuntok at na coma?" Charlane. Sinamaan ko siya ng tingin kasi ayaw na ayaw ko ng pag usapan yun.
"Sorry, I mean gf siya ni Dashmoon?" Tanong niya ulit.
"Siguro. Hon tawag eh" ibinagsak ko ang sarili ko sa kama.

"I couldn't believe yung phone ni Dashmoon bakit ganun? Eh diba mahirap sila? Sila nga bumubuhay sa sarili nila." Charlane. Kinunutan ko siya ng noo.
"Don't tell me hindi mo napansin phone niya? It's .Falcon Supernova iPhone 6 Pink Diamond that cost $48.5 million USD." Charlane.

When I Met The Two Weird GentleManiacsOnde as histórias ganham vida. Descobre agora