Chapter 5:

12 3 0
                                    


SELENE'S POV

6:30 AM I'm in front of an apartment na sinasabi ni Night. He keeps bugging me to move in kasi hindi nga daw sila satisfied ni Diana at Luna na nasa Boarding house ako.

Kahit sinabi ko ng ayaw ko Kasi nga baka maubusan na naman ako ng Pera at mapalayas ulit. Nakakahiya na kaya yung ganun but they insist. Dapat lang daw kaming magtulungan kasi pamilya nga kami.

"Miss Selene Medina?" Tawag sakin ng babae habang binubuksan ang gate ng apartment.

"Ah may vacant ba kayo?" Tanong ko naman.

"Yes po. Kayo po ba si Miss Selene Medina?" Pagbalik niya namang tanong.

I nod at nginitian niya ako uli.

"Nakahanda napo ang apartment niyo ma'am. Si Sir Night Villafranca na po ang umayos, sumunod nalang po kayo sakin." Saad niya at naunang maglakad.

Ayos ah. Ang daling kausap

Nakarating kami sa second floor saka binuksan niya ang isang kwarto.

"Sabihin niyo lang po kung may kailangan kayo. Nasa opisina lang po ako sa first floor." Sabi niya at ibinigay sakin ang susi.

"Maraming salamat." Saad ko at nag bow. Yun din naman ang ginawa niya. Naks! Lakas maka adapt sa mga singkit ah.

"Anyway ma'am may mga gamit na po kayo sa loob. Pinaayos po Yan ni Sir Night noong nakaraang linggo. Sege po" dagdag niya pa at tuluyan na ngang umalis.

I turn on the light and Tama nga siya. Maayos na ang kabuoan. May mga makulay na na kurtinang nakasabit. Tapos malinis na yung mini sala na may TV pa sa harap.

Nilibot ko ang paligid. May maliit itong kusina na sakto lang sa tatlong tao. May fridge na punong-puno ng Ice creams at chocolates na bet ko galing sa fastfood house ni Night.

May shower saka bathtub. Washing machine,Walk in closet, maliit na mesa sa kwarto na punong-puno ng libro ang ilalim.
I giggled ng Makita ko ang mga paborito kong libro Doon.

*bzzt bzzt bzzt*

From: Night

Hey. Do you like it?

To: Night

I love it! Thanks to you

From: Night

No probs. Basta ingat ka lagi

To: Night

Yes naman. Ikaw din

Ng Hindi na siya mag reply makaraan ang ilang minuto eh nilapag ko nalang ang phone ko sa mesa. Inaayos ko ang mga damit ko sa closet at nagluto na din ng makakain.

I change my clothes since nakaligo na naman ako sa Boarding House kanina. Nagsuot ako ng white sleeveless at black pants. Pinatong ko din yung White blouse na pang Doctor. Feel ko lang maging doctor Ewan ko ba bakit di ko to naisipan noon.

After I ate breakfast kinuha ko Ang bag ko sabay Sara ng pinto para makapunta na ng hospital. Pero biglang tumunog ang phone ko. May message na dumating na nagpabilis ng tibok ng puso ko.

From: Tita Jenny

Pumunta ka dito sa Hacienda ngayon din.

Imbis na way to the hospital. Way to condo yung route ko kahit na balisa ako sa kakaisip kung ano nga ba ang dahilan bakit ako kelangan dun.

It it about my new apartment?
Eh ano naman kung nalaman niya yun?

Is it about late na ako sa Hospital?
Eh ano naman Kung na late ako?

When I Met The Two Weird GentleManiacsWhere stories live. Discover now