PILIT

330 10 4
                                    


PILIT

"Liv, Nasaan ka na?"

"Liv ano ba? Ga-graduate na late ka pa rin?"

"Baka nasa biyahe pa rin."

"On the water pa rin ata HAHAHA!"

Pagbukas ko ng cellular data ko ay agd bumungad ang mga messages ng mga kabigan ko, Agad akong nag-type ng mairereply ngunit bago ko pa masend ay nag video call na si Steph sa group chat.

"OLIVIA ROSE MACALING! ANONG PETSA NA?!?!?!" sigaw agad ni Steph at nakita ko agad ang dalawa ko pang kaibigan na kasama na niya.

"ETO NA!!!!! OVERPASS NA!!!!!!!!!" sigaw ko pabalik habang kumakaripas ng takbo paakyat ng overpass.

"Pati ba naman pagkuha ng toga late ka?" sambit ni Shaina

"Wala namang oras ah!" sagot ko hinihingal pagkatapos umakayat sa huling palapag ng hagdan.

"Aakyat pa tayo ng building tapos baba, tapos babalik sa car park, tapos traffic pa palabas—" bago pa maubos ni Chloe lahat ng dahilan inunahan ko na siya.

"Oo na late na ako, sige na. Malapit naman na ako eh.." suyo ko sa kanilang tatlo.

"Bakit kasi hindi ka pa nagpahatid sa driver niyo?" tanong ni Chloe

"Ayoko mahirapan si Kuya Mark, grabe traffic today no!" depensa ko. Pero mas pinili ko nalang talaga magcommute kaysa kulitin pa yung family driver namin.

"The usual, sige na Liv, dalian mo na ah? Dito lang kami sa may likod ng building, sa may waiting shed." Sabi ni Shaina.

"So sino nanaman naghahanap ng med student?" asar ko sa kanilang tatlo.

At agad nagturuan ang tatlo kung sino nanaman ang naghahanap ng Mr.Right sa labas ng med building.

"Sige na papasok na ako ng campus, see you!" paalam ko at binaba ang video call.

Agad kong inabot ang ID ko sa gilid ng aking bag at sinuot ito bago tuluyang pumasok ng campus.


"Ang tagal mo Liv, nakailan na sina Chloe dito, naplano na pati kasal." Reklamo ni Steph habang tuloy pa rin ang daldalan nina Shaina at Chloe.

"Ang pogi naman kasi talaga Liv! Ayan oh!" agad pinakita sa akin ni Chloe ang larawan ng 2 year crush niya.

"Pogi na, matangkad pa, tapos future doctor! Sis saan ka pa?" ngiti ni Chloe.

"Eh paano naman kayo ikakasal kung ayaw mo magpakilala man lang? Ga-graduate na tayo oh, woman up!" sambit ni Shaina.

"Nahihiya ako.." ngiiting panayam ni Chloe

"2 years? Nahihiya ka pa rin?" tanong ni Steph.

"Gusto ko kasi siya yung unang gumawa ng move." Panayam ni Chloe.

"Ibang klase ka din eh no, hindi ka nga kilala eh, paano ka popormahan?" sabi ni Shaina.

"Eh basta, he'll notice me. One day he will." Confident na sinabi ni Chloe.

"Halika na nga, traffic pa palabas." Sabi ni Steph at sabay sabay na kaming naglakad paakyat ng building para makuha ang toga.


Pagkakuha namin ng toga ay sinukat namin at kumuha ng maraming groufies para i-post nila at irere-story ko lang sa Instagram.

"Ako dito sa pic na 'to ah." Sabi ni Shaina.

Hindi Tayo Pwede (Broken Heart Series #1)Where stories live. Discover now