KWENTUHAN

61 4 1
                                    

KWENTUHAN

"Ma'am, lagay ko lang po muna yung ibang mga gamit sa kotse." paalam ni Kuya Mark.

"Sige po.." ani ko.

Bigla kong nakita na sinenyasan niya si Shaina at agad naman sinundan ni Shaina si Kuya Mark. Strange.

Nawala ang tingin ko sa kanilang dalawa nang kalabitin ako ni Steph.

"Sis, kausapin mo naman yung volunteer mo doon." Asar niya at tinuro si Felix na nakaupo sa isang bench habang kausap si JP.

"Para kang ewan." Inis kong sabi.

Ngunit parang may kakaibang ihip ng hangin at kusa akong lumapit sa kaniya.

"Kuya Felix, makikita ko kaya Mama ko?" rinig kong tanong ni JP habang papalapit ako sa kanilang dalawa.

"Oo naman JP, mahahanap mo rin siya. Sigurado naman din ako na hinahanap ka ng mommy mo." Sagot niya sa bata.

"Sana bilisan ni Mama, kasi diba kapag tumagal ako ditto, ipapamigay na ulit ako?" malungkot na tanong muli ni JP.

"Huwag kang mag-alala, kung hindi ka man mahanap ng mama mo, may ibang mama kang makakasama, aalagaan ka din." Sagot ni Felix.

"Ganoon din ba nangyari sa'yo Kuya?" tanong ni JP.

Bago pa makasagot si Felix ay natanaw na ako ni JP at agad akong binati.

"Ate Liv! Halika, upo ka dito." Turo niya sa kabilang dulo ng bench, sinunod ko naman siya.

"Sige Kuya, tuloy mo yung kwento mo." Aniya kay Felix.

Tinignan ako ni Felix upang ipaalam na may sinasabi siya bago ako dumating, tumango ako at hinayaan siya magsalita.

"Oo, hindi ako nahanap ng tunay kong Mama, pero may nag-alaga naman sa akin na Papa. Minahal niya ako, na parang totoo niyang anak." Sagot niya kay JP.

I can't believe it. Felix is adopted. Just like me.

Well technically, these kids in the orphanage are ought to be adopted to soon. I'm not the only one suffering from this kind of situation.

Should I even call it suffering? I mean, my adoptive parents never made me feel adopted, they treated me like their own. They love me even though my flesh and blood isn't from them.

I shouldn't call it suffering, in fact it's a blessing. A blessing for the Lord gave me a chance to live my life to the fullest. He gave me a second chance. I don't know what I'd be right now if it weren't for Him and my parents.

"Papa lang? Wala kang Mama?" tanong ni JP. Nawala ako sa aking mga iniisip.

"HAHAHAHA! Oo, mag-isa lang siya na inalagaan ako. Pero pareho ko siyang mama at papa dahil sobra siya kung magmahal. Kahit na hindi niya ka ano ano lagi niyang kinakamusta. Sobrang bait ni Papa." Ani ni Felix.

Tumatango si JP sa mga sinabi ni Felix. Habang ako ay binigyan siya ng maliit na ngiti. Mangha sa kanyang katapangan.

"JP? Nasaan ka na naman? Pumasok ka na dito.." utos ni Sis Mara upang pumasok na si JP sa kaniyang kwarto.

"Salamat Kuya Felix ah, thank you din Ate Liv. Happy birthday ulit!" bati niya at niyakap kaming dalawa.

"HAHAHAHA! You're welcome, JP! See you again ah?" ani ko.

"Babalik ka ulit ate?" tanong niya.

"Syempre naman!" ani ko.

"YEHEEEEEY!!" Sigaw niya at tuluyan ng sumama kay Sis Mara.

Hindi Tayo Pwede (Broken Heart Series #1)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin