NANIWALA

18 1 0
                                    

NANIWALA

A week passed since our heated argument na muntik pang umabot sa hiwalayan. The air is clear now between me and Felix. We just said some things that weren't right that night. We were clouded by our emotions that's why we said those things.

After that we remained close and happy. We were back to how things were, well at least for me that's how I feel. I tell about my day, ask about his, just the normal couple and it was all enough.

I was happy with Felix and I think he is too. That's all I need. Lalo na ngayon na medyo hectic na sa work. The past few days hindi agad ako nakakauwi dahil mas pinipilit kong tapusin lahat ng trabaho within the day or night para tulog nalang pag-uwi.

I don't know I think habit ko na yung hindi magwowork once na nasa bahay na. Pag work, sa office lang dapat, huwag na paabutin sa kama.

Buti nalang at napagdesisyunan namin ni Felix magkita after work, since it's a weekend I think it's right naman for us to distress a little.

Hindi na ako nagpasundo sa kanya, we decided to meet nalang sa mall kaysa mastuck pa kami both sa traffic.

"Nandito na ako, malapit ka na ba?" text niya sa akin saktong kakababa ko lang ng taxi.

"Yep, papasok na ako sa entrance. Saan ka?" reply ko.

"Sige, puntahan nalang kita." Reply niya at binaba ko na ang cellphone ko at agad namataan ang aking nobyo na naglalakad palapit sa entrance ng mall.

Damn. Am I dreaming? This man is really mine. He looks good in his outfit tonight. Just a plain black v-neck shirt with dark blue pants and white Nikes.

Pagkalapit ko ay agad niya ako niyakap at hinalikan sa noo.

"How was your week?" tanong niya habang yakap pa rin ako.

"Tiring, but productive. You?" tanong ko pabalik ngayon ay hawak na din ang kanyang baywang.

"Nah, same old same old." Matipid niyang sagot at kumawala sa yakap upang kunin ang kamay ko at simulan na maglakad.

"Gutom ka na? Saan mo gusto kumain?" tanong niya habang hawak ang aking kamay.

"Kahit saan.." sagot ko at bigla siyang napatigil.

"Ayan ka nanaman ha, baka mamaya magreklamo ka pag mag-oorder na. Liv, final answer na ba yan?" asar niya.

"Eh saan ba?" tawa ko.

"Ikaw nga magdesisyon.." sagot niya.

"Fine, something with pizza?" sagot ko at tinignan ang paligid ng food court kung saan meron.

"Okay, Shakey's it is!" sabi niya at agad ako tinangay papunta sa nasabing resto.

Pagkatapos kumain ay nag-aya ako pumunta sa bookstore para tignan kung may bago ba akong librong maiuuwi ngayon.

Habang naglilibot ay nakita ko si Felix sa may theology section.

"Hey, you okay?" tanong ko at nagulat siya.

"Yeah, I'm good. May nakita ka ba?" tanong niya.

"Wala pa, siguro huwag nalang muna this week." Sabi ko at biglang binalot ng antok.

"You tired? Uwi na tayo?" tanong niya nang nakita ang pag hikab ko.

"Yeah, sure." Sabi ko at hinawakan na ang kanyang braso para alalayan ako.

Pagkasakay namin sa kotse ay agad ako pumwesto para makakuha ng tulog.

"Eto naman tutulugan agad ako.." nagtatampong sinabi ni Felix.

Hindi Tayo Pwede (Broken Heart Series #1)Where stories live. Discover now