TUTUNGO

59 3 1
                                    

TUTUNGO

The following days consisted of the same daily routine, Felix and I were still talking every other day just to check up on each other. I don't mind, since the only people that I really talk to are my friends and family.

I enjoy his company, he has this positive vibe that captures you.

I'm preparing to leave the house when my phone rang..

Shaina is calling you on Messenger..

I immediately answered her call.

"What's up?" I asked.

"Sooooo, how are you beautiful Rose?" she teased.

"Ganda naman ng bungad mo sis, bahala ka dyan.." sabi ko at binabaan siya.

Mula noong kinuwento ko sa kanila ang mga late night talks namin ni Felix ay hindi na nila ako tinigilan sa pang-aasar.

She rang me again, I still answered.

"Eto naman, nainis agad?!?!? Pero kapag si Felix nagsabi mamumula?" asar ulit ni Shaina.

"Bakit ka ba napatawag?" tanong ko umaasang titigilan na niya ko.

"Just wondering, if you're cool to hang out later?" tanong niya.

"Saan?" tanong ko pabalik.

"Well, I was thinking maybe sa Metrowalk? You know? Our late night hang outs?" ani niya at bakas sa kanyang tono na gustong gusto niya makabalik sa dating spot.

"Hmmm, tignan ko." Sagot ko sa kanya.

"Bakit? May lakad ka?" duda niya.

"Meron, pero saglit lang.." ani ko.

"Is it a date with Felix?" tukso niya.

"Of course not! And besides the guy is still in Bulacan, kaya in your dreams sis! HAHAHA!" Inasar ko na rin siya.

"Aba, updated! Nako! Anyway, just text me if you're down, okay?" tanong niya.

"Sure, bye!" at binaba ko ang tawag.

Saktong naka abang na si Kuya Mark paglabas ko ng bahay, agad akong sumakay at bumiyahe na kami papunta ng orphanage.

"Good afternoon po, how may I help you po ma'am?" banggit ng isang dalaga na ngayon ko lang nakita sa orphanage.

"Uhm, si Sis Mara po?" tanong ko.

"Ah, wala po siya ngayon eh, baka bukas pa po makabalik, bakit po?" tanong niya din.

"Ah, may ipapahanap sana akong file ng isang bata na inadopt dito.." ani ko.

"Pwede ko naman po kayo matulungan dyan ma'am.. hali po kayo." Aya niya sa akin at nagtungo kami sa isang silid na puno ng mga drawers at folders.

"Ano po ba ang pangalan nung bata ma'am?" ani niya at umupo sa harap ng isang lumang computer.

"Olivia Rose?" ani ko, nagtataka kung yun ba ang binigay na pangalan sa akin ng aking tunay na magulang.

"Ano po last name?" tanong din niya.

"Uhm, di ko sure eh." Batid ko, nag-type pa rin siya ng pangalan.

"Wala pong Olivia Rose dito sa records ma'am.." sabi niya at humarap sa akin.

"Uhm, kung Rose po ba?" tanong ko.

"Sige po ma'am tignan ko po." Humarap ulit siya sa computer.

"Marami pong record na may pangalan na Rose, anong birth year po ba?" ani niya.

Hindi Tayo Pwede (Broken Heart Series #1)Where stories live. Discover now