Chapter 07

178 5 3
                                    


 Danrix's POV 


After what happened last Tuesday, hindi ko na ulit nakasalubong, o nakita man lang 'yung masungit na 'yun. Hindi na rin ako nagkwento kay Collin dahil baka asarin lang niya ulit ako at napansin naman niya 'yun kaya hindi na kami nag-usap pa tungkol doon.


Dumaan ang Biyernes na dalawa lang ang klase namin, kaya tanghali na ang pasok namin at nang maghapon naman ay nagyaya sila Paul na mag-mall habang papunta kami sa parking lot ng school. Kaya naman wala na rin akong nagawa kung hindi sumama sa kanila. Habang naglalakad kami sa mall, hindi pa rin magka-mayaw sa pagbubulungan ang mga babaeng nakakasalubong namin, ngiti lang naman ang sinusukli namin ni Collin, habang sila Paul at Winston ay nakikipag-kamayan pa. Mga mahaharot!


Pumasok lang kami sa isang coffee shop na pagmamay-ari nila Paul at doon kami nag-merienda habang nagkwe-kwentuhan.


"Pre, si Gwen 'yun diba?" biglang sabat ni Winston sa kalagitnaan ng pagkwe-kwento ko. Awtomatiko naman akong napalingon sa tinitingnan niya, at nakita ko nga si Gwen na naglalakad palabas kasama ang mga kaibigan niya.


Si Gwen 'yung pangalawa at huling babaeng nalandi ko. Ang pangit ng term pero wala eh, 'yun nagawa ko eh, ayaw kong i-deny. Siya 'yung babaeng nakasama ko last year. Siya 'yung babaeng nagparamdam ng saya sa akin kahit panandalian lang. May past kami pero kinalimutan ko na dahil pareho naman naming ginusto.


"Nag-uusap pa kayo nun pare?" tanong sa akin ni Paul.


"Hindi na, wala na akong pake." sagot ko sabay kain ng cheese cake ko.


"Don't get me wrong pare ah, pero, minahal mo ba talaga siya?" tanong ni Winston.


"Ewan ko, siguro, baka?" kibit-balikat ko.


"Nasaktan ka?" tanong bigla ni Collin na ikinagulat ko.


"Masakit kasi binigay ko oras ko sa kaniya, pero other than that? I think wala ng reason kung bakit, landian lang naman gusto nun, naming pareho." sabi ko.


"Pre, alam ko namang nasaktan ka sa kaniya kahit pa hindi seryosohan 'yun. Pero sa susunod, 'wag ka na magpapahulog ulit sa sarili mong bitay, ako na nagsasabi sa iyo, masasaktan ka lang." seryosong payo ni Collin. Seryoso na pala siya?


"Kung may gusto ka sa isang babae, totohanin mo pre. 'Wag mo idaan sa landian." kibit-balikat ni Winston at tumawa naman ako.


"Hoy, seryoso sinabi ko ah! Tinawanan lang ako ang p*ta!" sabi niya pa.


"Alam ko naman, kaso 'di bagay sa iyo pre! Mukha kang manloloko eh. Hindi bagay term." sagot ko habang tumatawa pero sa loob-loob ko, naiintindihan ko sinasabi niya.


"Kumain na lang tayo!" singhal niya at nagtawanan na naman kami.


Indefinitely Part of You (Season 1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant