Chapter 24

143 5 0
                                    


 Saella's POV  


We spend the third day of our event at school just roaming around the entire LMU. I arrived at my condo later than the usual kasi kumain pa kami sa labas ni Amy and since Friday naman at weekends bukas, it means walang pasok, we just spend our night time together. After I took a bath and prepared, I just went to my room and slept.


Tomorrow.

I woke up around 9 am so I just went outside to jog and workout kahit medyo late na. After I jog, pumunta ako sa gym area para mag workout saglit. I just do some workout routines of mine bago nagdesisyon na bumalik sa unit ko ulit para maligo at kumain.


After I took a bath, I went straight to my fridge to look for some food to cook. Pero naalala ko na wala na nga pala akong stocks so instead, I just toasted bread and decided to go outside and buy some groceries.


I prepared and changed my clothes into a white t-shirt and a maong shorts before I got my wallet, phone and my car keys. I was about to enter the elevator when I saw Danrix, he's the only inside it kaya nagulat ako pero pumasok pa rin sa loob.


"Saan ka pupunta?" nakangiting tanong niya sa akin.


"Sa grocery, ikaw?" I asked, smiling.


"Wala, d'yan lang maglalakad-lakad." sagot niya.


"Ah okay, gusto mo sumama?" I asked him again, maybe gusto niya lang sumama.


"Sa 'yo? Bakit?" natatawang tanong niya kaya nainis na naman ako but before I even talk again, bumukas na ang elevator kaya lumabas na kami at naglakad papunta sa exit ng lobby.


"Kailangan ko kasi ng tulong." masungit na sabi ko.


"Sus, gusto mo lang ako kasama eh." natatawa na naman niyang sabi. So feeler!


"What? Hindi ah! Kailangan ko lang ng kasama kasi baka maligaw ako or 'di kaya mahirapan akong magdala ng mga bibilhin ko. Since wala ka naman atang gagawin, edi isasama sana kita." irap ko sa kan'ya.


"Sus, gagawin mo pala akong alalay eh, gaano ba karami ang bibilhin mo at bakit kailangan mo pa ng kasama?" pang-aasar niya sa akin.


"Bibilhin ko buong grocery store, ano? Sama ka?" irap ko sa kan'ya bago naglakad at iniwan siya pero humabol siya sa akin.


"Eto naman! Sasama na nga eh. Kawawa ka naman. Eh ang kaso, hindi ko dala susi ko eh." he said, scratching his head while smiling.


"Okay lang 'yan, sumabay ka na lang sa akin. Alalay naman kita eh, joke!" sabi ko bago na unang nag-lakad.


Pumunta kami ng parking lot kung saan nakapark ang mga sasakyan namin. I called him nang mabuksan ko ang sasakyan ko kaya naglakad s'ya papalapit at sinenyasan ko naman siyang pumasok na, I just searched for the directions on my phone before I went inside, hindi pa rin kasi ako masyadong sanay sa daan although medyo kabisado ko na.

Indefinitely Part of You (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon