Chapter 30

133 5 0
                                    


SPORTS FEST (03)

__________

 Saella's POV 


"Congrats, I must say, nakahanap na ako ng totoong kalaban." Annaliese whispered with a bit of bitterness to me after we congratulated each other.


"Nice game." I answered, genuinely.


"Goodluck sa game mamaya, sana magkaharap ulit tayo bukas." she said, smirking before turning her back against me and walked away. Goodluck to you also, Annaliese.


"Bes!!!" tawag sa akin ni Amy mula sa likuran ko. Humarap ako sa kan'ya at nakita ko silang kumakaway sa akin habang malalawak ang mga ngiti. I walked towards them while smiling.


"Hey guys." bati ko sa kanila.


"Grabe ka girl! Ang astig mo!!!" salubong sa akin ni Maris.


"Paano mo natutunan 'yon? Grabe, nag-aral ka ba nun?" masayang tanong ni Eliza. Napatingin kaagad ako kay Janris pero ngiti lang ang isinagot niya sa akin.


"Yeah." sagot ko kay Eliza habang nakangiti.


"Talaga?! Madali lang ba? Gusto ko kasi talaga matutunan 'yun!!!" masayang tanong niya ulit sa akin.


"Walang madali sa pag-aaral, pero pag natutunan mo at mahal mo, makakaya mo." I answered.


"Grabe!! Ang astig mo bakla!" sigaw ni Aj sa akin.


"Ah, 'di naman. Tara, labas tayo." I said, smiling.


"Teka, hindi ka magpapalit?" tanong bigla sa akin ni Amy.


"Hindi na, may laro pa ako mamaya." I said.


"Talaga? Oh sige tara na, manood na tayo ng game nila Collin, nauna na sila roon." sabat ni Aj sa amin.


"Ah, una na kayong tatlo, pa-reserve nalang kami ng upuan." sagot ni Amy kanila Aj.


"Ah, sige sige. Doon ulit kami sa puwesto natin kahapon. Sunod na lang kayo." nakangiting sabi ni Aj bago sila kumaway at naglakad paalis.


Nang makalayo sa amin ang tatlo ay agad kaming liningunan at tinitigan ni Amy ng masama. Magtatanong na sana ako pero agad n'ya kaming hinatak ni Janris sa braso at hinila palabas, papunta sa lilim at walang taong bahagi ng LMU, malapit sa gymnasium.


"What's wrong with you?" Janris asked habang tumatawa sa kan'ya.


Indefinitely Part of You (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon