Chapter 38

119 3 0
                                    


 Danrix's POV  


"Bye." nakangiti kong paalam kay Saella nang makababa na siya sa elevator dahil na sa floor na siya ng unit n'ya.


"Yeah, bye." mataray na sagot niya kaya natatawa naman akong sinarado ang pinto habang tinatanaw siyang maglakad palayo hanggang sa tuluyan ng masara ito. Ang sungit pa rin!


Malawak ang ngiti ko habang papunta sa unit ko. Parang ngayon ko lang ulit kasi siya nakasama, ngayon ko lang ulit natitigan ng malapitan. Parang ang dami kong na-miss sa kan'ya kahit saglit na panahon lang naman simula ng magbago ang samahan namin. Pero nawala ang lahat ng ngiti ko nang maalala ang lalaking tinitignan niya kanina. Napansin ko kasi na wala na siya sa likuran namin kaya nang lumingon ako sa kan'ya, nakita ko kung gaano siya katitig at kagulat nang pagmasdan ang lalaking pulos itim ang kasuotan. Namumukhaan ko ang lalaking iyon, hindi ko nga lang alam kung saan ko siya nakita.


"Sino kaya 'yun? At bakit parang kilala siya ni Saella?" tanong ko sa sarili habang papalakad sa banyo ko para maligo. "Imposible namang taga LMU 'yung lalaking 'yun? Paano siya nakapasok sa loob?"


Napabalikwas ako nang marinig ang cellphone ko na tumutunog habang nagbibihis ako.


"Jusko naman!"


[Mom Calling...]

"Mom?" sagot ko sa tawag habang sinusuklay ang basa kong buhok gamit ang kamay ko.


[Baby!] masayang tili n'ya sa kabilang linya.


"Why?Tsk." iiling-iling kong tanong ulit.


[Nothing anak, how are you?] masayang tinig niya pa rin.


"I'm fine Mom. Kakauwi ko lang kani-kanina." nakangiting sagot ko kahit hindi naman niya nakikita.


[Good! Have you ate dinner na ba? What's your ulam anak?] magiliw pa rin niyang tanong.


"I haven't cooked yet Mom, baka magpa-deliver na lang po ako kung tatamarin na akong magluto. I have to finish my school works." sagot ko habang naglalakad papunta sa kitchen ko.


[Aww, basta anak, don't forget to eat nutritious foods and take care of yourself kahit busy ka sa school mo ah? Sakitin ka pa naman. tsk tsk tsk.] pangangaral niya sa akin.


"I know that Mom. I won't forget." paninigurado ko.


[Good, anyways, what's your plan?] tanong niya ulit kaya napakunot ang noo ko sa pagtataka.


"Plan about what Mom?" nagtatakang tanong ko sa kan'ya.


[Duh! About your birthday anak! Next month na ang birthday mo!] sigaw niya sa akin. Oh! My birthday!!!

Indefinitely Part of You (Season 1)Where stories live. Discover now