Chapter 41

123 4 0
                                    

 

 Saella's POV  


"Hay buti na lang wala ang mga batugang lalaki! Makakauwi ako ng hindi napipikon, makakauwi ako ng payapa kasi wala 'yung kurimaw na Collin na 'yun!" Amy said, laughing.


"Sus, kunwari ka pa eh! Bet mo naman 'yun!" Aj said, teasing her habang sinusundot pa ang tagiliran n'ya.


"Hell no! Over my SEXY body!" mataray na tanggi niya.


"Basta ako namimiss ko sila!" malungkot na sabi ni Eliza kaya napalingon kaming apat sa kan'ya.


"Sus, ang sabihin mo lang, si Winston talaga namimiss mo, damay mo pa 'yung tatlo eh!" asar sa kan'ya ni Maris.


"Eh bakit? Kayo ba hindi n'yo sila namimiss? Kung hindi pa natin malalaman kay Ate Elaine na aalis sila, hindi tayo aware ngayon eh." malungkot na sabi niya.


"Sus, sagutin mo na kasi para hindi na mahiwalay sa 'yo!" asar sa kan'ya ni Aj at nakita ko namang mamula ang pisngi ni Eliza. Aww, in love.


"I'm not yet ready, studies muna ngayon and besides, aware naman s'ya dun. We both chose our priorities first." nakangiti biglang sagot niya. Sudden change of mood! Wow.


"Una na kayo sa parking, may dadaanan pa ako." paalam ko sa kanila nang makalabas na kami sa building.


"Saan ka pupunta?" habol na tanong sa akin ni Amy habang nakakunot ang noo.


"Kay Janris, may ibibigay lang ako." I said, smiling.


"Ayie, so ano na ba? Tandem ko talaga kayo eh! Kayo na ba ni Prince Janris?" pabulong na tanong niya sa akin habang nakangiti.


"What? Shut up Amelia." I said, rolling my eyes before waving at them and walking away.


I'm going to Janris' building dahil free time raw nila ngayong hapon, I'm going to give him the summarized informations para sa event next year na ibinigay sa akin ni Abuela nang utusan ko si Aridele. Labag sa batas namin ang pagkuha ng ibang mahahalagang impormasyon tungkol sa mga nakatalang pagdiriwang kapag na sa labas ng Zephilia ang tao pero dahil pinilit ko si Abuela, ibinigay niya ito sa akin. Kailangan naming mapaghandaan ni Janris ito lalo na at malaki ang magiging parte namin dito, lalo na siya.


"Hey Jan!" bati ko sa kan'ya nang makasalubong sa stairs.


"Uy, I was about to fetch you!" gulat na sabi niya habang nakangiti.


"Naunahan ata kita." natatawang sagot ko.


"Whatever, tara cafeteria muna tayo. Nagugutom na ako eh." yaya niya sa akin bago ako lapitan at akbayan kaya kaagad naman akong napatitig sa braso niya na nakapatong sa balikat ko habang naglalakad kami.

Indefinitely Part of You (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon