Chapter 08

168 5 2
                                    


 Danrix's POV 


Weekends past by so quickly. I am driving on my way to LMU kasi may quiz pa kami para sa first subject ko with Ms. Mobles sa chemistry. 10 am ang class ko ngayon and 9:30 na so kailangan ko na magmadali.


Pagka-park ko ay dumiretso na ako sa building namin at hindi na pinansin pa ang mga babaeng bumabati sa akin.


"Pre! Kala ko late ka na eh." salubong ni Paul nang maka upo ako sa aking upuan.


"Hindi na ako pwede magpa-late pre, baka tumuloy-tuloy." tawa ko.


"Buti naisip mo na agad 'yan!" He replied. Nagtawanan na lang kami.


"Mali-late raw si Miss ng slight guys." Eva, our blockmate announced.


"Lintek na 'yan, nagmadali pa naman ako!" singhal ko.


"Nag-review ba kayo?" tanong ni Winston at lahat naman kami tumango.


"Great, usap na lang tayo!" yaya niya. Nagreview naman kaya siya?


"Tungkol saan na naman?" tanong ko.


"Mga pare, favor naman oh?" malawak na ngiting bulong niya bigla sa amin. Ayan na nga.


"Tungkol kay Eliza 'yan ano?" Collin asked, nakangiting pang-asar.


"Oo eh, hehe gusto ko sana siyang maka-close, pwede ba natin sila samahan sa lunch mamaya?" Winston asked still smiling. 


"Baka naman masipa lang tayo ni Aj bading niyan?!" natatawang tapik ko sa kaniya.


"Hindi 'yan, nagsabi na nga ako sa kaniya eh, pumayag naman siya." Winston explained, malawak pa rin ang ngiti na akala mo naman nanalo a lotto.


"Eh kay Eliza? Nagpaalam ka ba? Mamaya ayaw ka pala nun kasama." I said habang tumatawa pa rin sa kaniya.


"Napaka mo! Support na lang oy! Nagtitino na nga ako eh." sabi ni Winston habang naka-simangot.


"Oo na! Sasama na kami mamaya umiyak ka eh." I said, teasing him.


Ilang minuto pa ang nakalipas at wala pa rin si Miss. Kaya nang dumating siya ay 'di na namin natapos ang kuwentuhan. Ilang minuto pa ang paalala ni Miss bago magsimula ang quiz namin.


"Okay, class, kailangan pag sinabi ko na ipasa na finish or not kailangan ipasa na, maliwanag?" tanong niya.


"Yes, Miss." sagot naming lahat.


Indefinitely Part of You (Season 1)Where stories live. Discover now