Chapter 7

30 5 0
                                        

(Thank you so much for the amazing book cover @pinkiikyen lovelots!❤️)

Jane and Evie ⬆️⬆️⬆️

Chapter 7: ARTCAFE

"I just wanna keep you..."

Idinilat ko ang mga mata ko at tumingin sa mga mata niyang seryoso ring naka titig saakin.

"And throw you to the sea!" nanliit ang mga mata ko habang pinagmamasdan ang nakakaasar niyang tawa at pagmumuka. Tinulak ko siya at muntikan na akong malaglag buti nalang ay naalalayan niya akong muli at tuluyan na akong nakatulog.

Kinabukasan ng magising ako ay dumiretso agad ako sa cr dahil ramdam ko ang sakit. Sa sobrang sakit ay gusto ko ng maiyak, wala si jane kaya hindi ko alam kung kanino ko sasabihin ang nararamdaman ko.

"Evie?" pinunasan ko yung mga luha ko at binuksan ko ng kaunti yung pintuan ng cr at sumilip duon. "Andito ka lang pala! Tara na pupunta na tayong big lagoon." Mas lalong gusto kong maiyak.

Damn! This period of mine will gonna ruin my vocation. Baka pa kasi sa hinaba-haba ng buwan ay ngayong araw pa talaga?!

"Ayos ka lang ba?" tanong niya at tumango lang ako.

"Wait lang drake ah. Shower lang muna ako, aalis na ba?" tanong ko. Kinuha ko yung twalya sa loob ng cr at tinakip ko sa shirt ko dahil sa tagos at kumuha nalang ako ng kahit anong nasa ibabaw ng maleta ko at pumasok ng muli sa loob ng cr. Buti nalang talaga ay may mga stock ng napkins dito sa loop nitong comfort room ng hotel room namin.

"Drake still there?" sigaw ko mula sa loob ng cr.

"Yup. Need anything?" sigaw niya pabalik.

"Hindi. If you're bored you can wait for me downstair, susunod nalang ako." Hindi ko siyang narinig sumagot kaya nagmadali nalang ako sa pagligo at nagbihis na agad. Hindi ko alam kung umalis na ba siya or hindi fahil hindi ko rin naman narinig na bumukas at sumara yung pintuan ng kwarto.

"Double time evie yung kuya mo inaantay ka na." bungad niya saakin pagkalabas ko. Kumuha nalang ako ng suklay at nag slippers tapos sling bag para lalagyanan ng lipgloss, cheektint at face powder para makapag ayos ako habang nasa byahe kami or what tsaka syempre spare napkins duh!

"Tara na!" hinila ko na palabas si drake at buti nalang ay saktong bumukas na yung elevator kaya nakababa na agad kami at sinalubong ako ng nakasibangot na muka ng mga pinsan ko.

"Aba grand entrance ka nanaman evie!" tinawanan ko nalang sila. Ayoko na dapat sumama dahil maiinggit ako sakanila. Sila mag swi-swimming doon sa lagoon at magsasaya tapos ako nakaupo lang at mamimilipit sa sakit ng puson ko.

"Wait stop muna. Can I talk in private? Tatlong tao sana. Yung willing to run some errands." Agad akong nagtaas ng kamay. Jackpot chriss! Buti nalang nag utos ka at hindi ako maiinggit sainyo sa lagoon.

"Wow first time na nagkusang loob si evie!" Tinarayan ko si allen. Sige pagkalat mo pa, kung gusto mo pa tarpaulin mo pa eh!

"Two more please? Yung lalaki sana." Tiningnan ko ang mga pinsan kong lalaki at ni isa ay walang tumaas ng kamay. Wow just wow!

"kala nyo makakalibre pa kayo saakin!" sabi ko at tinarayan sila.

"Ako na." lumingon ako duon sa nagsalita at mas gusto ko nalang atang bawiin yung pag vo-volunteer kay chriss at mainggit nalang sakanila habang pinapanuod silang nagsasaya sa lagoon.

"Sama ko tita evie!" singit ni jaymer na nakakarga sa daddy niya.

"Son, your still a baby. Kailangan ni tita evie yung may muscle para pag may bad guys siya nakasalamuha may magtatanggol sakanya." Sabi sakanya ni jay. Kala mo naman sasabak ako sa digmaan or may pupuntahan akong mapanaganib na lugar.

MY ONCE UPON A TIMEWhere stories live. Discover now