Chapter 15

24 3 9
                                        

Chapter 15: Home Sweet Home

        "Alas syete na Evie, mag ayos ka na at aalis na tayo maya-maya." Ngumiti lang ako kay kuya habang nakatago sa likod ko yung Wallet niya. He doesn't even have any idea na nakawan ng limang libo yung laman ng bank account niya. Kuripot pa naman ito kaya for sure kahit limang libo lang ang nabawas ko magiging armalite na bunganga niyan.

     Ng makalagpas siya saakin ay patakbo akong umakyat papuntang kwarto ko at ni lock ko agad iyon. Nilagay ko na sa sling bag ko yung Wallet niya at pumasok na ako sa Bathroom para maligo ulit, I feel sticky dahil siguro sa sobrang pawis at pagod dahil sa kalokohan namin nila ashton sa mall. Actually our food bill is only 1,500 dahil sa jollibee lang nila gusto at nag feeling mukbangers kami doon at yung 3,500 naman ay naubos namin sa Arcade kaya pagod na pagod ako ngayon. I'll just sleep in the plane later, I guess?

      Sinuot ko na yung hinanda ko kaninang outfit, medyo hindi ko naman nagustuhan iyon kaya nagpalit ako ng Cargo pants at tube top, ito dapat ang susuotin ko para sa night out namin dapat ngayon pero pwede naman siguro ito suotin pauwi ng Cavite diba?

      I looked at the mirror and smile, perfect! Pinartneran ko nalang iyon ng white shoes dahil heels would looks Like im overdressed kaya white shoes nalang at nag lagay din ako ng Choker saaking leeg. As for my hair itinali ko nalang ito ng mataas na parang kagaya nung kay Arianna Grande and then im so perfect!

      I put some Face powder and red liptint, naglagay din ako ng kaunti sa aking pisngi at medyo inayos ang aking kilay kahit okay na iyon, naglagay din ako ng mascara sa pilik mata and then im all set! Tiningnan ko yung oras sa cellphone ko at alas otso na at may text duon si kuya 3 minutes ago na bumaba na ako.

      I Looked at the mirror for the last time at isinabit na saakin yung sling bag ko, buti nalang bumagay din yung bag ko sa suot ko. Binuksan ko na yung pintuan ng kwarto ko at pinatay na ang ilaw. "See you after 3 days!" Sabi ko bago sinarado iyon.

     Pagbaba ko ay nasa sala silang lahat, ano to meeting kagaya nung trip to Palawan meeting namin? Meron ulit? With the addition of dwight and His friends nga lang.

      "As expected kay Evie laging nahuhuli." Chriss said at tinawanan ko lang. Lahat sila ay napadako ang tingin saakin.

      "Aren't you going to Cavite Evie? Bakit muka kang pupunta ng bar." Si kuya habang naka kunot yung noo. Hinampas naman siya ni lena na nasa tabi niya.

      "Fashionista kase yan, hindi ka na ba nasanay? I even wore something Like that kapag napasok ako ng School." Nag flying kiss ako kay lena at kinindatan niya ako.

      "Evie here!" Hinagis ni Stephen yung pinatago kong jacket ni Jairus kanina at sinarado na yung maleta niya. "Baka paglabas natin kailanganin mo na." Tinarayan ko lang siya at sumabit nalang yung jacket sa braso ko.

          Nagpaalam na ako sa kila mami at papi ganun narin sa mga pinsan ko at pamangkin na si jaymer at ate merlina. I noticed na may dala-dalang malalaking bag ang mga kaibigan ni kuya. Dont tell me?

      "Bestfriends stays together Evie. Wala ka non!" Si leomar habang mapang asar na nakangiti saakin.

       "Ilibot mo kami duon sainyo ah! Ikaw naman ang tour guide namin." Tinawanan ko nalang sila at lumabas na kami. Nakahanda na yung SUV na pag Mamay-ari ni mami at papi. Kasya na siguro kami duon.

     Si kuya ang pumuwesto sa front seat katabi ng driver namin, nasa gilid ako sa likod mismo ng driver para makita ko yung view sa labas habang na byahe papuntang AirPort. Tumabi naman saakin ang pinsan kong si dwight at sa tabi naman niya ay si kenderson, the rest ay pinag kasya na ang mga sarili nila sa likod. May katabi rin si kuya sa front seat dahil hindi na ata sila nagkasya duon sa likod.

MY ONCE UPON A TIMEWhere stories live. Discover now