Chapter 35

17 3 0
                                        

Chapter 35: Laurent Dwight Feelings



       "Mommy I want to sleep with daddy!"




        Hindi ko alam kung nakailang iling na ako sa napaka kulit na si Saint. Nandito kami ngayon sa isang restaurant bago umuwi sa penthouse ni Jairus, nagugutom na daw kasi ang tatlong makulit na bata kaya nagyayang kumain.



      "Bakit hindi sumama ang mga pinsan mo?" Tanong ni Maverick. Napa simangot nalang ako, syempre nag give Space sila kahit temp na temp sila sumama kasi makakalibre sila ng dinner sayo.




      "Carlos is going back to sipalay tomorrow kaya umuwi na ng maaga, si callious ay may bagong kliyente at si Allen wala namang sinabi." Sagot ko. Ewan ko ba! Mukang ayaw pa ni Allen mag open up. Feeling ko hindi ako makakatulog sa kakaisip sa anak niya at kung sino yung nabuntis niya.




      "Mommy doon po muna kami sa kids zone, usap po muna kayo ni daddy." Humahagikgik na sabi ni Laurent kaya gulat ko siyang tiningnan.




       "Wow first time mo ata Laurent?" Sinimangutan niya lang ako at hinila na ang dalawa pa niyang kapatid. Natatawa ko nalang silang Tinanaw habang naglalakad papunta sa mini kids zone nitong restaurant.




        "Why? He doesn't Like to play?" Tanong ni Maverick at tumango ako. Umangat naman ang gilid ng kanyang labi. "So he likes to study? Reading books?" Tanong pa niya at tumango ako.



        "Laurent is a quiet person, ayaw niyang makipag laro at harutan sa mga kapatid niya cause its too childish for him. Yves and Saint always got in trouble lalo na sa School, napaka bibo at kulit." Sumilay na ang ngiti sakanyang labi habang nakikinig sa sinasabi ko.




       "Tell me more Evie." Napabuntong hininga muna ako bago tumango.



       "Laurent is always top in His Class while Yves and Saint are just conted with their passing grades." Napanguso ako at kumunot ang noo ng maalala ang report card nila nung grade 1 sila. "Alam mo ba, nung grade 1 nila ay tuwang tuwa pa si Yves at Saint na puro 75 ang grado nila, at lease daw ay nakapasa naman daw sila." Napailing at ngiti nalang din ako dahil pagkatapos ko silang pagalitang dalawa noong araw na iyon ay nag sorry din sila at gagawin na daw nila yung best nila sa School.



      "Laurent went proudly inside my room para ipakita ang grades niya, buti nalang ay kahit papaano may matalino sa mga anak ko—natin." Mas lalo siyang ngumiti at ngayon ay naka titig na siya saakin.



     Medyo na conscious naman ako kaya pinagpatuloy ko nalang din yung pag ku-kwento sakanya.



       Well detailed ang pagka kwento ko ng tungkol sa tatlo, natatawa siya kapag kinukuwento ko ang kabalastugan na ginagawa ni Yves at Saint sa School.



      "Mana pala sayo." Hinampas ko ang kamay niyang naka patong sa lamesa kaya mas lalo siyang natawa.




       Nang nakay Laurent naman ang usapan namin ay medyo naging seryoso siya pero napapangiti rin, puro kase ang pag aaral ni Laurent ang kinuwento ko, eh yun lang naman din ang ma kwekwento ko sakanya dahil yun lang ang alam gawin ni Laurent.




      "Dumating na nga ako sa point na ako pa naghikayat kay Laurent na gumawa ng kabalastugan sa eskwelahan, si drake din sinabihan niya na din si Laurent." Napawi ang ngiti sakanyang muka at tiningnan niya ako maigi.



      Bumuntong hininga siya saglit. "You and drake. Are you in a relationship?" He asked. Itinaas ko ang kaliwang kilay ko at nag kibit ng balikat.



MY ONCE UPON A TIMEWhere stories live. Discover now