Chapter 37: House
"Tulog na ang mga apo ko, mauna narin kami Evie. Kayo na muna bahala dito ni Maverick sa bahay."
Kunot noo kong hinarap si Mommy at Daddy na pababa ng hagdanan. May dala-dala silang maleta at mga naka bihis na.
"Kayo lang muna ang maiiwan dito. Sinabihan ko si Maverick na samahan kayo dito at willing naman siya kaya panatag na kami ng mommy mo." Sabi naman ni daddy. Naka pang summer outfit silang dalawa, si mommy ay naka off shoulder na floral dress at may sunglasses pa with pieces Norma straw hat while daddy is wearing a floral polo shirt at shorts.
"Bakit parang summer na summer kayo ni daddy, Mom?" I asked. Yung mga bagahe nila ay nasa sasakyan na at parang maglalayas sila sa dami ng dala nila.
"Its summer duh! Mag ba bakasyon lang kami nak! You know masyadong na stressed kami sa sunod sunod na bussines meeting." Ngiting ngiting sagot ni mommy at kumapit na sa braso ni daddy.
"Saan po ba kayo?" Nag Cross arms ako at nag taas ng kilay. Parang ako ang magulang dito ngayon, para akong hadlang na ina na pinagbabawalan ang anak na mag jowa. Jusko i Love my parents talaga!
"Hawaii lang naman." Sagot ni daddy kaya nanlaki ang mata ko. Hawaii lang? LANG?!
"Oh kalma anak tusukin ko yang mata mo. Anyways kasama namin sila Stacey but hindi ka na namin isasama sabi ko Busy ka kaya bye." Mom said after kissing me on my cheeks.
"Atsaka pinauwi ko muna si Maverick, pinakuha ko ng gamit. Taga dito nalang naman na siya kaya saglit lang yun at babalik na din."
Sinundan ko lang ang palayong bulto ng magulang ko, naghihikgikan pa sila at parehas ng naka suot ng sunglasses na akala mo ay may araw pa sa labas eh mag a-alas singko na naman.
"Taga rito na rin si Maverick?" Tanong ko sa sarili. Nag kibit nalang ako ng balikat at pumunta nalang sa sala ng bahay namin.Umupo ako sa sofa at binuksan ang malaking TV na nagiging display nalang din dahil Mukang hindi nagagamit nila mommy. Wala rin ang mga kasambahay namin dahil pinag bakasyon daw muna nila Mom. Weird eh?
As usual pag bukas ko ng TV ay mga pamilyar na muka agad ang nakita ko, commercial ni Jenny, ni Loren at ni Jane. Yung iba pang mga commercial ay mga pamilyar din saakin ang mga endorser. Halos lahat ata sa circle of friends ko ay kung hindi artista ay model endorser din.
Nang ma bored ay sinilip ko ang kwarto na pina sadyang gawin ni mommy para sa mga anak ko. Its a big room with 3 separate house style bed kaya May privacy parin silang tatlo dahil hindi kita ang loob nito kahit na magkakasama sila sa iisang kwarto.
Pumasok ako sa loob at sinilip sila isa-isa sa bintana na desenyo nitong House Style bed nila at mahihimbing na ang tulog nila. Pano ba naman todo laro sila kanina sa likod ng bahay, may swimming Pool kasi kami doon at may basketball ring na para kay kuya evan.
"Evie..." Agad kong nilingon iyong nagsalita na si Maverick. Sinenyasan ko siya na wag maingay kaya tumango agad siya.
"Dun ka nalang sa guestroom na pinag tuluyan mo dati." Lumapit ako sakanya at sinenyasan siyang sumunod saakin.
