CHAPTER 8: Girly
"Evie c'mon lets swim!"
Hindi ko alam kung pang ilang yaya na saakin nito ni callious at hindi ko rin alam kung pang ilang roll eyes ko na sakanya ngayong araw. Pagkatapos kasi namin sa ARTCAFE at nag decorate para sa proposal ni chriss bukas ay dumiretso na kami sa LAS CABANAS BEACH dahil nandun naman sila pagkatapos nila sa BIG LAGOON.
"EVIE ANG REFRESHING NG TUBIG!" I raised my middle finger to carlos. Aba alam naman nilang sobrang naiingit nako sakanila tinotodo pa nila.
Nakaupo lang ako sa may buhangin habang nanunuod sakanila. Nag picture narin ako at sila yung background habang naka taas yung middle finger ko tapos tinag ko sila. Kala nyo ah!
"Can I seat?" tumango ako kay drake at tumabi siya saakin. Hinayaan ko lang siya sa tabi ko at inabala ko na yung sarili ko sa pagmumuni-muni at pag to-torture kay callious at carlos sa isip ko.
"Classmates kayo ng dalawa mong pinsan?" hinarap ko yung katabi ko at ngumiti sakanya ng malapad.
"This is so new! You started the conversation first!" galak kong sabi at tinuro ko pa siya. Tumawa lang siya. "Sadly yes." Sagot ko.
"Hmm. So okay ka naman sa villa nyo?" tanong ulit niya.
"Wow nag le-level up ka na talaga!" tumawa lang ulit sya. "okay naman atleast hindi ako masasaway dito ni mommy at dad. Supportive mga pinsan ko at si mami at papi pati narin si kuya kaya okay nadin!" and that's true. Supportive talaga ang mga tao sa villa at hindi sila nango-ngontrol. Kaya siguro dun nadin mga nakatira yung mga pinsan ko pati si kuya.
"That's good to hear."tumango ako at nanahimik na kaming dalawa.
Nag paabot kami hanggang alas-sais bago bumalik sa hotel. Dumiretso agad kami sa restaurant ng hotel para mag hapunan palang daw nila may gabihan pa mamaya. Umorder na ako ng heavy meal para dire-diretso nalang ako matutulog dahil alam kong tatamarin na ako mamayang dinner bumaba.
"Hindi ka na kakain mamaya ano?" tanong ni allen at tumango ako.
"Evie yung jacket ko ah!" Tukoy ni jairus sa soot kong jacket niya. Syempre sasauli ko to, hindi ko pa kaya nasasauli yung Balenciaga niyang jacket at wala narin akong balak isauli talaga yun sakanya.
Nakapag-usap narin kami ni chriss in private at pinakita ko sakanya yung picture sa artcafe nung nalagyan na namin ng decoration at approved na approved sakanya. Sinabi ko narin yung gagawin at time kung anong oras dapat kami nandun. Papunta na kasi yung parents ni Celine at ang parents ni chriss na sina tita Carlita at tito Lino na syempre parents din ni callious dahil magkapatid sila.
"Bar tayo mamaya?" Kusang nawala yung antok ko at biglang nabuhayan yung dugo ko sa sinabi ni allen.
"GO AKO!" sigaw ko at ngiting ngiti pa. tinaasan lang ako ng kilay ni kuya. "Hindi na pala ako inaantok!" tumango nalang siya. Aba! Lagi ata ako pinapayagan ni kuya ngayon.
"So ako lang atsaka si evie?" tanong ulit ni allen. Nagsitaasan naman ng kamay si lena at ang boyfriend niyang si willson. Tapos halos lahat ay nag si taasan nan g kamay maliban nalang kay Jay at ate Merlina pati narin si chriss at celine.
"Okay so puro single tayo duon. Alam ko namang mag sosolo tong kapatid ko at boyfriend niya." Tukoy ni allen kay lena at willson na sumang-ayon naman.
"Tara hunting tayo!" yaya saakin ni jane. "Tutal tayo lang girls."
"Pustahan mas marami kay jane." Sinimangutan ko si kuya evan. Whatta supportive brother! "20 thousand pusta k okay jane." Nag high five si jane at kuya.
