Kabanata 5

70 5 0
                                    

Nag aayos na ako para makapasok sa eskwela ,diko parin makalimutan ang napanaginipan ko sa tuwing naiisip ko yon , naninikip dibdib ko

Lumabas na ako sa kwarto para mag punta sa kusina para na rin makapag umagahan , wala akong gana pero kailangan ko kumaen

Nagpalaman lang ako ng tinapay at uminom ng gatas

"Oh bat yan lang ba kakainin mo ? " tanong ni kuya Mar

"Oo kuya wala kase akong gana " sambit ko

"May sakit ka ba ? Kanina ka pa matamlay ? " tanong naman ni kuya Hex sabay hawak sa noo ko

"Wala kuya ayos lang po ako " sambit ko at ngumiti ng pilit

Tumango lamang siya at pagkatapos namin kumaen ay humalik na ako kila mama , papa at kuya Mar bago ako lumabas at sumakay sa motor ni kuya Hex

"Bunso ayos ka lang ba talaga ? Wag kana kaya pumasok ?" sambit ni kuya Hex

Pero ngumiti lamang ako at sinabing ayos lang ako

Pagkarating namin sa school sinabi ko sa kanya na wag na niya ako ihatid , at pumayag naman siya

Nasa harap na ako ng room ng makita ko sila Kaj at Neva , pumasok na ako at tumabi sa kanila

"Oh tulala ka na nga kahapon , pati ba naman ngayon ? " tanong ni Neva

"Oo nga girl ano nakita mo na ba ang mukha niya ? " tanong ni Kaj

Dahan dahan ko silang tinignan at umiling , kitang kita ko ang pag bagsak ng balikat nila , naninikip ang dibdib ko

Ano ba talagang nangyayare sakin ? May sakit ba ako ? Bakit ganun ang panaginip ko ? Imagination ba yon ?

Tulala ako buong klase , pangalawang araw palang pero wala talaga akong naiintindihan , naninikip ang dibdib ko  gusto ko ng umuwi at matulog , gusto ko siyang makita at hilingin na sana makita ko na ang mukha niya

Sa sobrang pagkatulala ko hindi ko namalayan na tapos na rin ang second subject at recess na , wala sana akong balak mag recess kaya dumeretso ako sa hardin sa likod ng building kaso binilan pala ako nila Neva

"Oh girl kumaen ka ng magising ang utak mo " sambit niya

"Ano ba kase yan girl pwede ba mag focus ka , stop thinking of him " sambit naman ni Kaj sabay subo ng pag kain niya

Uminom lamang ako sa binili nilang juice at nakatulala parin

"Hindi ko alam pero yung napanaginipan ko kagabi , hinalikan niya ako " sambit ko at unti unti tumulo ang luha ko

"Pakiramdam ko baliw na ako " sambit ko ulit

Niyakap lamang ako ni Neva at Kej at dinaluhan sa aking pag iyak

Nung napagod ako kakaiyak ay tumayo na kame at pumunta sa susunod na klase , medyo gumaan gaan na ang pakiramdam ko kaya naintindihan ko na ang tinuturo sa harap

Nung lunch break na lumabas na kame para pumunta sa canteen at mananghalian

"Pa order po ate Nancy ?" sambit ko

"Anong order " tanong ni ate Nancy

" Isang kanin po tsaka isang order ng sisig , tsaka po isang pinapple juice " pag sabi ko sa order ko at inabot ang bayad

Pumunta na ako sa pwesto namin at hintay ko ang dalawa , pagkaupo nila sa upuan ay nag simula na kame kumaen

"So girl ano ?" tanong ni Kaj

Kitang kita ko kung pano panlakihan ng mata ni Neva si Kaj

"Ahh hehe kain na tayo " sambit ni Kej na ngumiti ng pilit

Hinayaan ko nalang sila at nag pinag patuloy na ang pagkain ko , pagkatapos namin kumaen ay nag lakad na kame papunta sa susunod na klase namin

Pagkapasok namin nakita naming iilan palang ang kaklase naming nasa loob ng room , maaga pa . Umupo na ako sa upuan ko at dumukdok

Hindi ko namalayan na bigla akong naka idlip

.......................

Nasa harap ako ng isang shop at nakatingin sa isang dress

"Gusto mo ba yan ? " may nagtanong sa tabi ko

"Oh Luigi ikaw pala yan " sagot ko habang nakangiti.   "Oo gusto ko sana yan kaso wala akong pera "

"Hmm teka lang Tala may pupuntahan lang ako dun ka muna sa bench  " sabi niya

Nagtataka man ay pumunta parin ako dun para hintayin siya

Makalipas ang halos sampong minuto ay nakita ko siyang palapit na sakin at may dala dalang paper bag

"Ano yan ? " tanong ko

Nagulat ako nung bigla niya itong inabot saakin

"Ano to ? " tanong ko

"Buksan mo para malaman mo " sagot niya

Unti unti ko tong binuksan at nagulat ako sa nakita ko , omg yung dress

"Teka san mo nakuha ang pinambili mo dito " tanong ko habang nanlalaki ang mata

"Pera ko syempre " sagot niya

Sa sobrang saya ko bigla ko siyang niyakap , mahigpit na yakap at niyakap niya rin ako pabalik

"Gusto ko sa unang date natin isuot mo yan ha ? " Sabi niya

Tumango naman ako habang nakasilip parin sa laman ng paper bag , Hindi maalis ang ngiti ko dahil sa sobrang saya

Tumingin ako sa kanya at nakita kong nakatingin siya sa ulap habang nakangiti

"Maraming salamat dito Luigi " pasasalamat ko

"Basta ikaw " sagot niya

Nakangiti lang ako habang nakatingin sa kanya kaso ganun parin hindi ko parin makita ang mukha niya , blurred parin haysst

Bigla siyang humarap sakin , nakita kong palapit siya ng palapit sakin ng biglang........

"Hoyyyyyyyyyyy Tala gising na andiyan na si ma'am " sigaw ni Neva

Agad akong napamulat at tumingin sa harap , badtrip bitin nanaman ang panaginip ko

Buong klase akong walang gana hanggang sa mag uwian

Ganun parin ang ganap nag hintay kay kuya Hex sa labas ng gate , nauna paring sinundo ang dalawa kong kasama at mag hihintay pa ako ng sampo hanggang bente minuto bago dumating si kuya

Pagkarating namin sa bahay dumeretso ako agad sa kwarto wala akong kagana gana , ayokong lumabas , gusto ko lang matulog

Gustong gusto ko ng matulog ulit , gusto ko na makita si Luigi kahit sa panaginip lang gusto ko siya makita

Sana makita ko na siya , sana masilayan ko na ang mukha niya

At hindi na ako makapag hintay na hanapin siya kung sakali mang makita ko na ang mukha niya

Habang tulala ako naramdaman ko nanaman ang pag sikip ng dibdib ko parang pinapahiwatig nito ang kawalan ng pag asa na masilayan ko siya

Blurry Romantic Dream (COMPLETED)Where stories live. Discover now