Kabanata 11

48 5 0
                                    

Dahan dahan akong lumabas ng kwarto para bumaba , pagka labas ko ng hotel pumunta ako sa tabi ng dagat at nakita ko ang tipak ng bato doon kung saan ko siya nakatabi

Pero hindi ako umupo sa bato , umupo lamang ako sa buhangin at dumukdok , diko mapigilan ang pagpatak ng aking mga luha

Gustong gusto ko na siyang makita , sana totoo siya , sana makita ko siya , sana mag tagpo ang landas namin , sana makasama ko siya

Sambit ko sa sarili ko habang walang pasidlan ang pagpatak ng mga luha ko , halos isang oras na ako dun ng maramdaman kong unti unting binalot ng dilim ang paligid ko , wala akong makita

................

Nakita ko sa malayo may naglalakad . Ang likod niya pamilyar , ang imahe niya pamilyar

Bigla akong tumayo sa may buhangin at hinabol siya , pagkahabol ko ay niyakap ko siya patalikod , at naramdaman ko ang unti unti niyang pag harap sakin

Totoo nga , malaya ko ng nakikita ang mukha niya , hindi na malabo  , siya nga to

"Luigi miss na miss kita " sambit ko habang lumuluha sa harap niya

Pinahid niya ang luha ko at hinalikan ako sa noo

"Namiss din kita Tala " sambit niya habang nakangiti

Naluha lamang ako sa harap niya dahil sa sobra kong pagkasabik

" Bakit ngayon ka lang" sambit ko habang nakatitig sa kanya , naiilang man ako ay pinilit ko paring hindi alisin ang tingin ko sa kanya dahil natatakot akong baka mawala siya

"Pasensya kana , hindi kita masasagot " sambit niya

Nanghinayang man ay hindi ko nalang inintindi at hinawakan ko na lamang ang kamay niya , wala akong balak bitawan siya . Wala akong pakeelam kahit makulong ako sa panginip basta makasama ko lang siya

"Luigi kung may mag sasabi ba sayong mahal ka niya , matatanggap mo ba ? " tanong ko

Ngumiti siya bago bumaling ng tingin sakin

"Of course , why not ?  Im so lucky if ever  na may babaaeng aamin sakin , tatanggapin ko ang pag ibig niya ng buong buo " sambit niya

Napangiti naman ako , siguro nga ito na ang tamang panahon para aminin ko sa kanya ang nararamdaman ko

Blurry Romantic Dream (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora