Kabanata 15

46 4 0
                                    

Nagdaan na ang ilang linggo at hindi ko na ulit nakita si Luigi , at eto na rin ang araw na ipapakilala na si  Kaj at ang magiging fiance niya

Mamayang gabi pa magaganap yon , kaya ngayong araw nag hanap na ako ng isusuot ko at tinext si Neva upang itanong kung anong kulay susuutin niya

To Maldy Neva :
                Ano kulay ang isusuot mo?

Sent message

Naghintay ako ng ilang minuto pero wala siya reply , baka busy siya

Naisip kong mag suot nalang ako ng red dress at mag  red sandals nalang ako.

Pagsapit ng alas sais ay nag handa na ako para sa pag punta kila Kaj , sinuot ko na ang red dress ko , off shoulder siya na fit , at sinuot ko narin ang sandals ko na kulay pula , nag lagay din ako ng konting make up at naka half pony lang . Saktong natapos na ako ay tinawag na kame ni papa

"Magsilabas na kayo at aalis na tayo " sigaw ni papa

Lumabas na ren sila kuya , naka kulay white na long sleeve si kuya Mar habang nakatupi hanggang siko ang sleeve neto at naka jeans siya , naka tshirt naman si kuya Hex at pinatungan niya ito ng itim na jacket at naka jeans den , kung nagtataka kayo bakit ganun suot ni kuya Hex , yun ay dahil sanay na siya sa ganun

Kinuha ko na ang regalo ko para kay Kaj at lumabas na dahil narinig na naming pina andar na ni papa ang sasakyan

Sumakay na kame at tumungo papunta kila Kaj , pagkarating namin doon ay nakita naming marami ng tao

Nagpalinga linga ako at nakita ko sina Neva at Eli kaya nag paalam ako kila mama para puntahan sila, pagkalapit ko ay tinanong ko agad si Neva

"Bat di ka nag reply sa text ko kanina ?" tanong ko

"Sorry girl wala kase akong load " sagot niya

Tumango lamang ako naupo na

"Hi " sambit ni Eli

"Hi" sagot ko ren

"You look so beautiful " sambit niya

Nahiya naman ako kaya yumuko nalang ako , kitang kita ko kung pano ngumisi si Neva

Naka pink dress si Neva at naka braid yung buhok niya , naka blue long sleeve naman si Eli.

Habang nag kekwentuhan kami doon ay nakita naming palapit saamin si Kaj

"Girlssss" sigaw niya ay yumakap samin.  "Omg girls im so excited " sambit niya

Napangiti naman kame ni Neva at niyakap siya

"Happy 18'th Birthday Gorgeous and congrats " sabi ko at inabot sa kanya ang regalo ko

"Thank you girl " sambit niya habang naluluha

"Saeng-il Chukhahae Kaj , congrats girl magkaka fiance kana " bati naman ni Neva at inabot ang regalo niya para kay Kaj

"Thank you girl " pasalamat ni Kaj at niyakap si Neva

"Ahm Hi Kira , happy birthday at congrats ." Sabi naman ni Eli at inabot ang regalo niya

Ngumiti lamang si Kaj at nag pasalamat

"Sana lahat magkaka fiance na " sabi ni Neva

"Sana lahat " sambit ko naman habang nakangiti

Ngumiti naman si Kaj at Neva tsaka tumingin kay Eli na kanina pa pala nakatingin sakin

"Ikaw kailan mo balak bigyan ng pag asa yan ? " tanong ni Kaj

"Gaga , kung ano ano sinasabi mo " sabi ko sabay palo sa braso niya

"Pakipot " sambit naman ni Neva at nag tawanan silang dalawa habang nag aapir pa , mga loko to nakakahiya

Habang nag uusap usap kame doon ay narinig na naming mag sisimula na kaya nag paalam na si Kaj samin ay niyakap naman namin siya , iginala ko ang mata ko at nakita ko sila papa na nasa kabilang table lang , napansin ako ni kuya Hex kaya ngumiti lang siya at nginitian ko naman siya pabalik

Nag salita na ang nasa harap kaya nakatuon na kame dun

"Bago natin simulan ang party ay gusto ko lamang ipaalala na ito ang ika labing walong kaarawan ng aking unica ija , kaya sabay sabay natin siyang kantahan " sigaw ni Tito Judeus

"HAPPY BIRTHDAY TO YOU , HAPPY BIRTHDAY TO YOU , HAPPY BIRTHDAY ,HAPPY BIRTHDAY , HAPPY BIRTHDAY TO YOU " kanta naming lahat

"So anak make a wish ,and blow your candles " sambit ni tito

Agad namang pumikit si Kaj at pagkatapos ay hinipan na ang candles

"Okey pero bago natin simulan ang party ay gusto ko lamang sabihin sa inyo na ang unica ija ko na si Kira Althea Jade Garcia ay magkakaroon na ng fiance , at netong darating na Setyembre ay ang kanilang kasal , hindi na namin pinatagal dahil gusto na naming matali ang dalawa sa isa't isa " Sambit ni Tito

Nakatutok lamang kame sa harap pero ako anlakas ng tibok ng puso ko , hindi ko alam pero kinakabahan ako

"Ipinakikilala ko sa inyo ang magiging son in law ko , ladies and gentleman Luigi Alejandro Villareal " sambit ni tito

Nakita kong unti unting umakyat si Luigi sa stage at naramdaman ko ang panginginig ng kamay ko

Bakit ? Bakit ansakit sakit ? Bakit sa kaibigan ko pa ? Patulo na ang luha ko pero pinipigilan ko gusto ko pa mapanood kahit ansakit sakit na

Nakita ko kung pano alalayan ni Luigi si Kaj at kitang kita ko rin kung paano niya ito halikan sa noo

Agad akong nagpaalam na pupunta lang ako ng comfort room, hindi ko na kayang makita pa , ansakit sakit , durog na durog na ako.... Pagkapasok ko sa isang cubicle ay dun na nag si tulo ang mga luha ko , ansakit sakit .. nanghihina na ako

Akala ko may pag asa pero wala parin pala , ayaw parin tumigil ng mga luha ko , durog na durog ako

Nagpalipas pa ako doon bago ko naisipang lumabas na para harapin sila , pagkalabas ko nakita kong nandun na sa pwesto namin si Kaj at si Luigi

" Tala halika " sambit ni Neva habang nakangiti

Agad naman akong lumapit ng nakangiti kahit gusto na namang tumulo ng luha ko ay pinigilan ko

"Ahem btw girls this is Luigi Alejandro , and Luigi this is my bestfriends Maldy Neva , and Tala Constancia " pinakilala kame ni Kaj at nakipag kamay kame kay Luigi nung mag tagpo na ang aming mga kamay ay nakoryente ako , ayaw ko siyang bitawan pero ayokong mag taka sila kaya bumitaw din ako agad

Kita kong masayang nag kukwento si Kaj , pero ang hindi nila alam na ang taong magiging asawa ni Kaj ay ang taong lubos kong minamahal

Nakatulala nalang ako buong gabi hanggang sa uwian na , nagpaalam na ako sa kanilang lahat ang lumapit na kila kuya

"Are you okey " tanong ni kuya Hex

Tumango lang ako at ngumiti ng pilit bago lumabas at mauna na sa sasakyan

Dumating narin sila papa at umuwi na rin kame

Blurry Romantic Dream (COMPLETED)Kde žijí příběhy. Začni objevovat