Kabanata 13

46 5 0
                                    

Halos isang linggo na ng makita ko si Luigi pero hindi parin siya maalis sa isip ko

Hindi na rin siya nag papakita sa panaginip ko kaya nalulungkot ako pero iniisip ko nalang na kaya siguro wala na siya sa panaginip ko kase totoo na siya

Linggo ngayon at papunta kame ng simbahan , basta kase linggo ay pumupunta kame don para narin mag bigay ng alay na prutas para sa simbahan

"Dalian niyo at baka mag sisimula na " sigaw ni mama

Isang simpleng dress na kulay puti lamang ang suot ko at naka sandals din ako ng kulay puti  , naka lugay lamang ang medyo kulot kong buhok .

Lumabas na ako sa kwarto at nakita kong ready na din sila kuya , napaka gwapo talaga ng mga kuya ko

"Oh tara na " sigaw ni papa at nag silabasan na kame

Sumakay na kame sa kotse at tumungo na papuntang simbahan , pagkarating namin ay pasimula na ang misa

Agad kaming humanap ng pwesto at umupo , sobrang daming tao

Nagsimula na ang misa at makalipas ang halos isang oras ay natapos na, hinintay muna naming maubos ang tao sa simbahan bago kami nag punta sa harap at nag bless kay father , kinakausap ni papa si father ng biglang may lumapit kay papa at yumakap dito , saktong pagtingin ko sa kasama neto ay nakita ko si

LUIGI ! OO TAMA SI LUIGI NGA

Nakanganga lamang ako habang nakatingin sa kanya ng biglang

"Eto naman ang bunso ko si Tala " pakilala sakin ni papa

Yumuko lamang ako at ngumiti sa kausap ni papa ng ipakilala niya ang kasama niya

"Siya naman ang anak ko , siya si Alejandro " pakilala niya

Teka Alejandro ? Hindi ba Luigi ?  ang kulay dagat niyang mata , ang hubog ng katawan at mukha niya , alam kong si Luigi to

Nakipag kamay siya kay papa , mama , at sa dalawang kuya ko pero hindi niya ako kinamayan , kilala niya ba ako ?

Nakita kong lumabas siya kaya nag paalam ako kila mama na lalabas muna ako , pagkalabas ko ay nakita ko siyang nakaupo sa gilid ng simbahan habang nakatingala , agad akong lumapit sa kanya

"Hi " bati ko

Tumingin lamang siya at agad tumingala ulit

"Ahm matagal kana ba dito ? Ngayon lang kita nakita dito sa simbahan?" tanong ko

Nakatingala parin siya sa taas pero nag salita siya

"Nope , bagong lipat lang kame dito " sagot niya

Ang boses niya walang pinag kaiba kay Luigi , siya nga ang Luigi ko

"Ahm ilan taon kana pala ? " Tanong ko ulit

"21 " sagot niya

"Ahh " sagot ko

Ansaya ko habang katabi ko siya , di man siya masyadong nag sasalita pero masaya ako , napaka saya ko kase katabi ko siya , kase alam kong may pag asa  , kase totoo siya

Tatawagin ko sana siya ulit kaso narinig ko na ang pagtawag ni papa sakin

"Tala anak tara na " sigaw ni papa

Agad naman akong tumango at nag paalam kay Luigi

"Ahm Lui-- i mean Alejandro una na ako ah " paalam ko

Tumango lamang siya at pumihit narin papunta sa kotse nila , pagkalapit ko kila papa ay nakita kong nakatitig sakin sila kuya

"Close kayo ? " Tanong ni kuya Mar

Umiling naman ako habang nakangiti

Ngumiti lamang ako at pumasok na sa kotse , basta napaka gaan ng loob ko kase nakatabi ko na siya , at nakasama , sana mag tuloy tuloy na

Totoo nga yung sinabi ni Neva at Eli na maaring padating siya sa buhay mo

Pagkauwi sa bahay ay ganun parin ang ganap hanggang sa sumapit na ang gabi .

Pagkahiga ko ay nakangiti parin ako habang iniisip ang itsura niya haysst may pasok na pala bukas kailangan ko ng matulog ........

Zzzzzz....

Kringgggggggggggggggggg

Napabalikwas ako ng bangon dahil sa alarm clock , tinignan ko ang oras at 6:00 na , 7:30 pa ang klase ko

Nakangiti akong pumasok sa banyo at naligo na , nag ayos na din ako at lumabas na para makapag umagahan
Humarap na ako sa hapagkain at nag simula ng kumaen , makalipas ang ilang minuto ay natapos na ako , agad akong tumayo at humalik kay mama , papa at kuya Mar , nakita ko namang nauna nang lumabas si kuya Hex

Sumakay na ako sa motor niya at pag karating ko sa school ay pumasok na kame ni kuya , pero bago yon humalik muna ako sa pisngi niya bago ko tinahak ang daan papuntang room , pagkarating ko don ay nakita kong si Neva at Eli palang ang nandun , wala pa si Kaj

"Wala pa si Kaj ? " tanong ko

"Wala pa ang lukaret , baka sinesermonan kaya wala pa , pustahan pag dating nun naka busangot nanaman " sambit ni Neva

Naghintay kami ng ilang minuto at nakita na namin si Kej papasok , nakangiti at napaka blooming

Wow mukang nakagawa na to ng paraan para di matulog ang engage ah

"Wow girl makangiti ka wagas ah , ano kamusta naman ah ?" tanong ni Neva

Agad naman umupo si Kej at biglang ngumiti ng pagkalaki laki tsaka biglang nasigaw

Nagulat naman ang mga kaklase namin sa room pero hindi pinansin iyon ni Kaj

"Anyare ? " Tanong ko

" Ganito kase yon girls so nakita ko na ang lalakeng ipinag kasundo sakin at shemay girl napaka gwapo at super hot , na love at first sight ako kaya pumayag na ako at sinabi ko rin kay daddy na madaliin na ang kasal namin gusto ko na siya itali kyahhhh " sigaw niya

Nakanganga lamang kame ni Neva , tangina seryoso nung una ayaw niya pero ngayon wow gusto na niya ikasal

"Tangina ka , aarte arte kapa gusto mo rin pala , tapos gusto mo na mag pakasal ? tama ba ang rinig ko ? " tanong ni Neva , ako naman eto nakatutok lang

"Uh-huh at wait there's more guys diba ipapakilala kame as mag fiance sa debut ko this august 3 , at girl yung kasal namin sa birthday niya which is this September " sabi niya

Mas lalo kameng napanganga tanginaaaaa nakakagulat

"Omg congrats girl " sabi ni Neva

"Congrats Kira Althea Jade " sambit ko

"Oh kayo ah , gusto ko nandun kayo pag pinakilala na kame as mag fiance kase debut ko ren yon , tsaka gusto ko andun din kayo sa kasal ko ha ? " Sabi niya

Tumango naman kame bago yumakap sa kanya.

Blurry Romantic Dream (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon