Kabanata 14

53 5 0
                                    

Uwian na kaya pinauna kona sila Kaj at Neva kase pupuntahan ko pa si kuya at mag papaalam na mauuna na ako dahil balak ko sanang maglakad pauwi baka sakaling makita ko siya

Pagkarating ko sa library ay nakita ko si kuya don

"Psst kuya " pabulong na tawag ko sa kanya

Napatingin siya sakin at pati narin ang mga kasama niya

"Oh baket ? Ano ginagawa mo dito ? " tanong niya

"Magpapaalam sana ako , kung pwede mauuna na akong umuwi " sabi ko

"Ano teka at ihahatid na kita " sabi niya

Pero agad akong umiling

"Kuya kaya ko na po , tsaka malapit lang naman eh , please " sabi ko

At sa huli pumayag din siya kaya dali dali akong tumakbo at lumabas ng gate

Nag simula na akong maglakad habang nakangiti , halos trenta minuto na akong naglalakad pero wala akong makitang Luigi

Bagsak balikat ako habang nagpatuloy sa paglalakad ng makita ko ang isang lalakeng nakaupo sa isang patag na bundok

Agad akong tumakbo papunta dun para lapitan siya , paglapit ko ay agad akong naupo sa tabi niya , hindi niya siguro ako napansin dahil nakapikit siya

Nakatitig lamang ako sa kanya ng makita ko ang pag mulat ng mata niya , agad akong nag iwas ng tingin at medyo lumayo

"Ahm sorry , nagising ba kita ? " Tanong ko

Umiling lang siya at umayos ng upo

"Ahm pasensya kana ha ? Nakita kase kita kaya lumapit na ako " sambit ko habang nakayuko shet nakakahiya

"Ayos lang , wala din naman akong kasama " sambit niya

Napangiti na lamang ako at nag tanong pa

"Dito kaba madalas tumambay ? " Tanong ko

"Hmm oo den " sagot niya

" May alam akong magandang tambayan , puntahan natin gusto mo ? " Tanong ko

Nakita kong nakakunot lamang ang noo niya habang nakatingin sakin

"Ahh HAHA sabi ko nga hindi na " sabi ko habang nakangiti ng pilit shet nakakahiya talaga

"San ba banda yon ? " Tanong niya

Agad akong napatingin sa kanya at agad sumagot

"Malapit lang siya dito mga limang minuto lang andun na tayo " sagot ko

Agad siyang tumayo at inilahad ang kamay niya sakin , inabot ko naman iyon at tumayo . Nag simula na kameng maglakad at ng makita ko na ang medyo masukal na gubat ay pumasok na kami roon at sinundan ang maliit na pathway

"Teka tama ba tong dinadaanan natin ? " Tanong niya

"Dito ako sa Sibonga nakatira at dito ako lagi tumatambay kaya syempre tama to " sagot ko at nag patuloy sa pag lalakad

Makalipas ang  limang minuto ay narating na namin ang Narem Falls , napaka sarap parin talaga tumambay dito , ang tunog ng falls , ang mga puno , ang mga bulaklak , ang mga ibon , ang malinaw na tubig , at isang maliit na kubo

Napatingin ako kay Luigi at nakita ko ang saya sa mata niya

"Sabi sayo diba ayos dito ? " Tanong ko

Agad naman siyang tumango habang nakangiti , tapos eto naman ako nakatitig sa kanya shet nakakatunaw ang ngiti niya .

"Mahal na mahal kita "

Blurry Romantic Dream (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt