Kabanata 6

58 6 0
                                    

...............

Naglalakad ako sa isang dagat , puno ng bituin ang madilim na ulap , napaka sarap ng simoy ng hangin

Naupo ako sa isang tipak ng bato ng biglang may tumabi sakin

"Bat ka nag iisa " sambit ng katabi ko

"Hindi ako nag iisa , kase kasama na kita " sagot ko habang nakangiti

"Napaka sarap silayan ang mga ngiti mo Tala , sana dumating ang panahon na ako ang maging dahilan niyan " sambit niya

Ngumiti lamang ako habang nakatingin sa dagat , hindi na ako tumitingin sa mukha kase alam kong isang malabong imahe lamang ang makikita

"Luigi nagmahal ka na ba ? "biglaang tanong ko

Hindi ko man kita ang mukha niya pero alam kong nagulat siya sa tanong ko pero nag salita din siya

"Oo nagmahal na ako , napakasarap mag mahal na kahit wala kang kasiguraduhan kung mahal ka ng taong mahal mo , ang napapaninindigan ko naman ay alam kong mahal ko siya , i want to spend my whole life with her " sambit niya

Nagtataka ako , gusto ko itanong kung sino ang babaeng yon pero natatakot ako dahil baka ibang pangalan ang mabanggit niya , pero na cucurious talaga ako

"Sino ba siya ? " walang alinlangan na tanong ko

" Kilala mo siya pero ayoko munang sabihin sayo" sambit niya

Ewan ko pero pakiramdam ko ako yon ? Assuming ba ako ? Pakisabi assuming ba ako ?

Tumayo siya at paalis na sana pero humabol ako , sinabayan ko siya sa paglalakad sa mga buhangin , mahangin at napa sarap ng pag dampi nito sa balat

"Ikaw nag mahal kana ba ? " tanong niya

Nagulat ako sa tanong niya pero agad rin akong nakabawi bago tumingin sa kanya huminga ako ng malalim at nag salita

"Oo den , nag mahal na ren ako. Yung lalakeng yon laging sumusulpot kahit nasaan ako , napapasaya niya ako palagi kahit panandalian lamang ang pagkikita namin , sa maiksing panahon na nakilala ko siya pakiramdam kong hulog na hulog na ako , gusto kong umamin kaso natatakot akong baka mawala siya , hindi ko kakayanin yon " sambit ko

Humarap sakin si Luigi at pinahid ang luha ko

" Alam mo Tala walang mawawala sayo kung aamin ka , malay mo mag stay siya sa buhay mo , trust yourself . Hindi tama na itago mo yan paano kung huli na pala ang lahat , pano kung kailan wala na siya saka mo lang marerealize na sana umamin kana , hindi mo hawak ang puso at nararamdaman ng bawat tao kaya wag kang negative , wag mo pangunahan ang mga nalalaman mo sa mga pwedeng mangyare " sambit niya

Napaisip ako sa sinabi niya , ano ? Aamin na ba ako ? Mahal ko si Luigi , oo sabihin na nating konting panahon palang kame nag kakasama pero iba na ang nararamdaman ko , mahal ko siya

"So ibig mong sabihin dapat umamin na ako ? " tanong ko

"Oo habang maaga pa , kase baka kung kailan umamin kana , huli na pala " sagot niya

" Pero wala pa akong lakas ng loob " sagot ko habang nag iisip

"Kung wala ka pang lakas ng loob pwede mo munang pag isipan yan pero wag mo masyadong patagalin " sagot niya

Ngumiti lamang ako at nag patuloy na sa paglalakad , nagtaka ako kung bakit walang sumusunod sakin at pag tingin ko sa likod , wala na siya umalis nanaman siya ........

Napamulat ako habang may luha nanaman sa aking mga mata , napapagod ako, wasak na wasak ako , ayaw ko umamin kase baka pag tulog ko wala na siya sa panaginip ko , natatakot ako

Tinignan ko ang orasana at nakita kong alas singko na ng madalint araw , naramdaman ko ang pagkalam ng sikmura ko

"Shet di pala ako nakakain kagabi " sambit ko

Paglabas ko ng kwarto nakita ko si Manang na nag luluto

"Oh Tala kamusta ang pakiramdam mo " tanong niya

"Ayos lang naman po ako manang " sagot ko "Nga po pala manang bat di ako ginising nila mama kagabi ? " tanong ko

"Ah sinabi kase ni Hex na matamlay ka daw kahapon at parang pagod na pagod ka kaya hinayaan ka na lamang nilang mag pahinga " sagot niya

Tumango lamang ako at naupo

"Ano gusto mo kainin " tanong ni manang

"Hmm kanin po " sagot ko

Nakita kong nag hain na siya ng sinangag , bacon , tocinno , at nag lapag ng gatas at tubig sa harap ko , sinimulan ko ng kainin to kase gutom na gutom na talaga ako

Patapos na ako kumaen ng lumabas na rin ng kwarto si dad at mom , kasabay nun ang pag labas ni kuya Hex

"Oh anak kamusta pakiramdam mo " tanong ni papa at humalik sa noo ko

"Ayos lang po ako " sagot ko

"Pasensya na di ka na namin ginising kagabi , nasabi kase ni kuya Hex mo na matamlay ka daw kahapon ? Ano bang problema ? Tsaka pagod kaba kahapon ? " Tanong ni mama

"Ayos lang ako ma , medyo pagod lang po kahapon " sagot ko nalang

At tinapos na ang pagkain para narin makapat handa para sa pag pasok

Pumasok na ako sa banyo para maligo , habang tumutulo ang tubig sa ulo ki papunta sa mukha ko ay pumasok nanaman sa isip ko si Luigi

"Alam mo Tala walang mawawala sayo , malay mo mag stay siya sa buhay mo , trust yourself . Hindi tama na itago mo yan paano kung huli na pala ang lahat , pano kung kailan wala na siya ay saka mo lang marerealize na sana umamin kana , hindi mo hawak ang puso at nararamdaman ng bawat tao kaya wag kang negative, wag mo pangunahan ang mga nalalaman mo sa pwedeng mangyare "

"So ibig sabihin dapat umamin na ako ? "

"Oo habang maaga pa , kase baka kung kailan umamin kana , huli na pala "

Napamulat ako dahil narinig ko nanaman ang usapan namin ni Luigi , kailangan ko nabang umamin sa kanya ? Pero hindi ko pa kaya ? Konting panahon pa sana

Tinapos ko na ang pag ligo at lumabas na , makalipas ang trenta minuto kong pag aayos dahil tulala pa ako kaya matagalan ay narinig ko na ang sigaw ni kuya

Lumabas na ako sa kwarto at humalik kay mama , papa , at kay kuya Mar bago lumabas ng bahay , sumakay sa motor ni kuya , at pumasok na papuntang school

Blurry Romantic Dream (COMPLETED)Where stories live. Discover now