Kabanata 12

46 5 0
                                    

Pag kagising ko kaumagahan ay nakita kong nakaayos na ang mga gamit ko , dahil inayos na ito nila Neva at Kaj

Pumasok na ako sa banyo para maligo at mag ayos at para narin makababa para sa umagahan

Makalipas ang trenta minuto ay bumaba na ako at nakita kong andun na sila lahat bukod kay Eli at Sakin , pagkarating ko doon ay nakita kong tinatawag ako nila Neva

"Oh eto kumaen kana " abot nila sakin ng pagkain

"Salamat " sagot ko at nag simula ng kumaen ng biglang magtanong si Kaj

"Girl bakit pala wala ka sa kama mo kagabi ha ? " tanong niya

Nakita ko rin ang nagtatanong na mukha ni Neva

"Nagpahangin lang ako " sagot ko

Tumango lamang sila

"Nga pala kamusta na ang paa mo " tanong ni Neva

"Medyo okey naman na siya medyo kumikirot lang " sagot ko

"Ipa check up mo yan pag uwi natin ha ? " sambit ulit ni Neva

Tumango lamang ako at tinapos na ang pagkain

"Anong oras tayo aalis ? " Tanong ko

" Mamayang 9:30  pa daw kase nagpapahinga pa yung driver " sagot ni Kaj

Tumango lang ako at tumunganga

"Tara muna mag libot habang maaga pa " aya ni Kaj

Aayaw sana ako ng bigla na nila akong hinila at nag paalam kay Ma'am , kaya nagpati anod nalang ako

Habang naglalakad kame ay may nakita kameng tianggehan ng biglang sumigaw si Neva

"Uy may tianggehan tara bumili "sigaw niya

Agad naman kameng sumunod ni Kaj at nakita namin ang iba't ibang klaseng souviner na paninda dito

"Anong sainyo neng ? " tanong ng tindera

"Ahm magkano po yung ganito ? " tanong ni Neva

"60 lamang iyan ineng " sambit ng tindera at ngumiti

"Pabili po ako ng tatlo " sabi ni Neva at ibinigay na ang bayad "Keep the change po "

Binigyan niya kame ng tig isa ni Kaj , ang itsura ng bracelet ay para siyang crystal na bilog at may palawit na kabibe na kulay pink

"Diba bagay satin " sigaw ni Neva at niyakap kame kaya ayun group hug ampeg namin

Naglibot libot pa kame at bumili bili na rin bago namin naisipan na bumalik na dahil 9:24 na

Pag balik namin sa hotel ay kinuha na namin ang mga gamit namin at tsaka bumaba , pagkababa namin ay nakita na naming nandun na sila lahat

"Okey sumakay na kayo sa bus " sigaw ni ma'am

At bago kame sumakay ay nag selfie muna kame kasama si Eli at Dave bago kame sumakay

Magkatabi kame ni Eli kaya medyo awkward dahil sa nangyare kagabi , medyo tahimik kase siya kaya pakiramdam ko naiilang din siya

Halos isa't kalahating oras na kame sa byahe ng makita kong tulog sina Kaj at Neva habang nakayakap sa malaking unan at nakakumot den

Nakakumot den ako at may unan den pero ayaw ako dalawin ng antok , sasandal sana ako sa bintana kaso masyadong maalog kaya nauuntog ako , pero nagulat ako ng hinawakan ni Eli ang ulo ako at isinandal sa balikat niya

Ngumiti lamang ako at unti unti ko ng pinikit ang mga mata ko...



"Tala gising na andito na tayo " yugyog sakin ni Eli

Dahan dahan kong iminulat ang mata ko at nasa school na nga kame , humikab lamang ako at kinuha na ang mga gamit ko para bumaba , pagkababa ko ay nakita ko sila Kej at Neva na nagtatawanan kaya lumapit ako

"Bat di niyo ako ginising ? " tanong ko

Nakita ko ang unti unting pagsilay ng ngiti sa labi nila kaya nagtaka ako

"Hindi kana namin ginising kase napaka komportable mo habang nakasandal kay Elimango eh " sambit ni Neva sabay sundot sa tagiliran ko

Agad naman akong umilag at kumunot ang noo

"Napaka ma issue niyo " sambit ko at tumingin sa paligid

Nakita kong paunti na kame ng paunti kase nasundo na ang karamihan sa amin , nakita nanamin ang sundo ni Neva at Eli kaya nauna na silang mag paalam sakin pagkaalis nila ay tumingin ako sa phone ko at tinext si papa

To Papa :
         Pa asan kana po ? 

Sent message

Hinintay ko siya mag reply pero feeling ko may ginagawa siya , maghihintay na lamang ako hanggang trenta minuto at kapag wala pa ay mag tatrycicle na lang ako

Habang kinakalikot ko ang cellphone ko ay narinig kong nag papapadyak si Kaj

"Anyare sayo ? Para kang kiti kiti " sambit ko

"Kase girl yung anak ng kumpare ni dad nasa bahay na , buti nalang nakaalis na si manong Bert bago pa siya dumating " sambit niya

"Edi i welcome mo nalang ang OA neto" sambit ko

"Girl hindi mo kase alam yung feeling na konting taon nalang at di kana free , di man lang nila ako hinayaang pumili " sambit niya habang nakataas ang kilay

Makalipas lamang ang limang minuto ay nandiyan na ang sundo ni Kaj

"Ano girl sabay kana sakin , hatid kana namin " aya niya

"Nako hindi na baka kase biglang dumating si papa " sambit ko

"O siya go na ako girl ingat bye " paalam niya bago sumakay ay nag flying kiss pa , kumaway lamang ako

Makalipas din ang tatlong minuto ay natanaw ko na ang sasakyan namin

Ibinaba neto ang bintana at akala ko si dad ang susundo sakin pero si kuya Mar pala

Agad akong sumakay ng kotse at humalik sa pisngi ni kuya

"So kamusta ang beach " tanong ni kuya

"Ayos lang naman po kuya masaya " sambit ko

Tumango lang siya at pina andar na , nakita kong papunta ng palengke ang daang tinatahak namin

"San tayo punta kuya " tanong ko

"May bibilin lang ako " sagot niya tsaka ipinark ang kotse at bumaba

"Hintayin mo lang ako dito " paalala niya , tumango lamang ako at umalis na siya

Habang nakatingin ako sa bintana agad naagaw ng pansin ko ang isang lalakeng nakatayo at may kausap sa telepeno

Inaninag ko pa ng mabuti ng napag tanto kong ........

Teka si Luigi !  Nakatulala lamang ako. Ng makita kong ibinaba na niya ang telepono at pasakay na sa kotse niya ay agad akong bumaba ng sasakyan at hinabol siya kaso umandar na

Sumisigaw ako habang hinahabol ang sasakyan niya kaso nadapa ako , patayo na sana ako para humabol ulit kaso nakita kong anlayo na niya

Wala ng tigil ang pag tulo ng luha ko , totoo siya , si Luigi , ang mahal ko totoo siya

Agad na akong tumayo para bumalik sa sasakyan , hindi alintana ang sakit sa tuhod at braso ko dahil sa pagkakadapa

Nakangiti lamang ako habang lumuluha

Totoo si Luigi , Totoo ang mahal ko.

Blurry Romantic Dream (COMPLETED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ