Kunot ang noo niya at halata ang inis sa mukha habang nakatitig sa akin. Nanlalambot ang tuhod ko dahil sa intensidad ng mga tingin niya pero tinatakpan ko iyon sa pamamagitan ng pagngiti ng matamis. Iba na rin ang kabog ng dibdib ko. Para akong nakukulangan sa nalalanghap na hangin dahil sa lalaking nakatayo sa harap ko.We're not close. Literally. Madalas ay sa text at tawag lang kami nagkakausap at bibihira pa iyon sa isang buwan. I mean, hindi madalas dahil ako naman palagi ang unang nagtetext at tumatawag.
"Why?" tanong niya.
I bit my lower lip to suppressed my laugh. "Malay mo may lumabas na yelo sa kamay mo tapos ako naman iyon apoy."
He went poker - face. Ang kaninang ngisi ay nawala.
"Apoy na tutunaw sa matigas mong..." tinapik ko gamit ang hintuturo ang pisngi, kunwaring nagiisip. Tumingin ako sa gitnang bahagi niya at itinaas muli ang tingin sa mata niya. Halos mapaatras ako sa tingin niya. Malalim at para akong hinuhugot pababa.
His mouth twitched. "What?"
"Puso kasi," natatawang sabi ko. "Bakit ka nandito?"
"That's ours," he said while pointed at rhe rest house we're staying. My forehead creased. I'm sure confusion is all over my face.
Sa kanila? Akala ko sa family ni Hayme 'to? Nagtresspass ba kami?
"Hindi ko naman inaangkin," saad ko sa mahinang tono. Napalingon siya sa akin. Amusement is seen in his eyes. He roll his tounge over his lips and lifted an eyebrow.
Hala. Mayabang rin 'to. Pasimpleng flex ng kilay. Makapal din ang akin 'no.
"Joker. Jaime is my cousin." Aniya bago pumasok sa bahay.
I mimicked his dialouge while making faces behind him. Pakiramdam ko alam niya iyon kaya nilingon niya ako. Pasimple kong inilibot ang tingin at pinagsiklop ang mga kamay.
His squinted his eyes before avoiding my eyes.
"Ibig sabihin dito karin mag-i-stay?" takang tanong ko. Simpleng tango lang sinagot niya. Hmp. Daldal sa text tapos sa personal akala mo pipe.
"Orphange ka ba?" tanong ko sa gitna ng katahimikan. Umupo siya sa mahabang sofa at sumunod ako doon.
"Hoy! Orphanage ka ba?" ulit ko nang hindi niya ako sagutin. Tinaas niya lang ang kilay habang nakatingin sa akin. Tumagilid ako ng upo para tumapat sa kanya at ngumisi.
"I wanna give you kids," pigil ang tawa kong sabi.
His expression hardened. Sus. Pakipot pa. Kinilig naman.
"You're so pakipot. Madaldal ka naman sa text pero sa personal hindi. Siguro bad breathe ka 'no?"
He shook his head in amusement and slightly smirk. Napangiti ako roon. Kailan ko kaya siya makikitang ngumiti. I want to see him smile, kahit once lang.
Napasinghap ako ng pindutin niya ang dimple ko at nanggigigil na kinurot ang pisngi ko. I groaned in pain. I glared at him and slap his hand.
"Epal ka naman! It's masakit!" inis na sabi ko. Padabog na umayos ako ng upo at sumiksik sa dulo para malayo sa kanya. Mahirap na, baka matorture ang pisngi ko.
Hindi na siya nagsalita at kinalikot nalang ang phone niya. Baka katext ang girlfriend.
"O, sino 'yang iniuwi mong papi? Suko ka na sa kakachase sa anghel mo?" rinig kong sabi ni Kira na pababa na ngayon.
I glared at her and pointed Calcius using my mouth. Her eyes widened and jaw has dropped.
"Gago. Mahalpok ka. Inuwi mo kaagad?"
YOU ARE READING
Camp Alaya Series #2: Finding my Angel (Completed)
General FictionCamp Alaya Series #2 Angel Arizona Zaveri has this perspective of finding her own angel. But after realising things, will she still find that angel she was always looking for? Date Started : May 25, 2020 Date Finished : June 10, 2020