Chapter 9

246 27 1
                                    


I rolled my eyes while watching Calcius swim with my friends. Tuwang-tuwa ang gago sa kakaharot. Bwisit.

Inis na ibinaba ko ang tropical sunglasse ko sa mata at humiga. Nakakasira ng araw. Nakakainis. Bwisit talaga.

Kanina pa sila naglalaro doon sa dagat at hindi ako kasali dahil hindi naman ako marunong lumangoy. Hindi naman siya natawa o ngiti pero mukhang enjoy na enjoy siya. Nababadtrip ako kapag nakikita ang mukha niya. Bwisit talaga siya.

Makalipas ang ilang minuto ay tumayo na ako para pumasok sa rest house. Wala naman akong gagawin dito. Nabasa naman na ako kanina dahil naligo ako sa mababaw lang. Saglit lang din dahil nagsimula na silang maglaro at hindi ako makarelate dahil hindi ako marunong lumangoy. Nakakainis. Bakit ba kasi hindi ako nag-aral lumangoy dati pa? Badtrip.

Mabigat ang bawat hakbang ko papuntang kwarto. Matutulog na lang ako. Wala naman akong gagawin.

Pabagsak akong humiga sa malaking kama matapos linisin ang sarili. Nakaramdam ako ng pagod kahit wala namang ginawa. Napagod siguro ako kakanood sa kanila.

Umikot ang mata ko at napangiwi sa sarili.

Kumuha nalang ako ng libro sa maletang dala at nagpasyang magbasa para antukin. Ilang minuto lang rin ay bumigat na ang talukap ng mga mata ko. Papikit na sana ako ng marinig ko may pumunta sa seradura ng pintuan sa kwarto namin.

Hindi iyon nakalock dahil hindi lang naman ako ang may kwarto rito. Pumikit nalang ulit ako dahil alam ko namang si Kira iyan. Siguro napagod na rin.

Inayos ko ang kumot sa katawan habang nakapikit parin at sinakop ang higaan.

"Why did you go back here?" someone coldly asked.

Ngumiwi lang ako ang dumapa para hindi siya makita. Maiinis lang ako lalo sa mukha niya. Binalot ang buong katawan ng kumot ng padabog.

"What is your problem now, Arizona?"

"Umalis ka nga dito. Hindi mo 'to kwarto. Tresspassing ka!" singhal ko. Tunog kulob pa dahil nakalapat ang mukha ko sa unan.

"Why so grumpy?"

"Mother mo grumpy," I murmured to myself.

Pinilit ko nalang ang sarili na makatulog at hindi siya pinansin. Rinig ko ang pagbuntong hininga niya. Lumubog ang gilid ng kama kaya napasinghap ako.

Pilit niyang tinatanggal ang kumot na nakabalot sa akin. Nang matanggal niya iyon ay ibinaon ko ang mukha sa unan. Ano bang problema niya? Matutulog lang naman ako dito nangiistorbo pa siya.

Napangiwi ako ng walang hirap niya akong binaligtad para maharap sa kanya.

"I want to sleep! Go away!" I hissed like a child. Inaantok na talaga ako! Nakakabwisit siya!

"Sleep later."

I glared at him. "Why? I want to sleep ngayon! Ngayon! Now!"

"Later," malamig niyang sabi.

Umikot ang mata ko sa inis. "Bakit ba? Anong problema mo at nangdidisturbe ka ng taong nagrerest! Nakakabwisit ka!"

"Bakit umalis ka doon?" tanong njya habang seryosong nakatingin sa akin.

"Bawal ba umalis doon?" inis kong balik sa kanya.

"You should've told me."

"Bakit ko sasabihin sa'yo? Matutulog lang kailangan ka pang mainform? Ano ka? Father ko?" singhal ko.

Tumaas ang isang kilay niya at ngumisi. "Sleep now, you're so grumpy."

I rolled my eyes at him and turned my back. Naghuhurumentado ang puso ko sa lapit namin sa isa't-isa.

Camp Alaya Series #2: Finding my Angel (Completed)Where stories live. Discover now