CHAPTER 19

10.3K 459 45
                                    

[Aika]

HABANG lumilipas ang mga oras ko kasama ang pamilya ng Papa ko unti-unti ko na silang natatanggap sa buhay ko. Siguro dahil alam kong sinusubukan din nilang tanggapin ang Mama ko dahil sa'kin. Humingi sa'kin ng tawad ang lola ko dahil siya raw ang na-udyok sa Papa ko na iwan ang Mama ko noo dahil ang Papa ko pala ay papunta ng ibang bansa upang doon magtrabaho. Kasalan daw ni lola ang lahat kaya nagka-hiwalay sila Mama at Papa, hinanap daw nila kami nang umuwi si Papa pero umalis na si Mama sa dati nitong tinitirahan hanggang sa may nakakita raw kay Mama na nagtitinda sa Palengke. Doon na raw sila nagkaroon ng communication kay Mama.

"Aika, hindi ka pa ba matutulog?" tanong ni Tita Lorie sa'kin. 

Pasado alas-onse na kasi ng gabi at nasa sala pa ako at nanonood ng tv, hinihintay ko kasing dumating si Mama at Papa.

"Mamaya na lang po, Tita, hindi rin ako makakatulog dahil excited na akong makita si Mama," sagot ko.

"Sige, maiwan na kita diyan, gisingin mo na lang ako kapag dumating na sila," ani Tita Lorie.

Ngumiti ako sa kanya. "Okay, Tita, good night."

"Good night, Aika," pagkatapos umalis na ito at umakyat sa second floor nandoon kasi ang kuwarto niya.

Muli kong tinuon ang pansin ko sa panonood ng tv upang malibang ako sa oras, ngunit matatapos na ang late night show hindi pa rin dumarating si Mama at Papa, kating-kati na ang mga kamay ko na i-text si Mama pero baka pagalitan lang niya ako dahil hindi pa ako natutulog. Gusto kong surpresahin siya kahit magalit pa siya sa'kin. Ilang saglit pa nakarinig ako ng tunog ng sasakyan mula sa labas ng bahay, tumakbo ako sa may pinto at bahagya kong sinilip kung sina Mama nga at Papa ang dumating. Nang makita ko ang kotse ni Papa binuksan ko na ang pinto at tumakbo palabas para salubungin si Mama.

"Mama!" tawag ko sa pangalan niya nang makita ko siyang palabas sa kotse.

Nakangiti si Mama. "Aika," sabay yakap ni Mama sa'kin. Dinala naman ni Papa ang gamit ni Mama.

"Bakit gising ka pa?" sabi ni Mama.

"Hinintay ko kayo, na-miss na kita,"

Ginulo niya ang buhok ko. "Aysus! Parang bata."

"Pumasok na tayo sa loob para makapagpahinga na kayo," sabi ni Papa.

Tumango ako kay Papa at pagkatapos sinama ko si Mama sa kuwarto ko, saglit na nag-usap si Mama at Papa, nakikinig lang ako sa kanila, pagkatapos umalis na rin si Papa upang makapagpahinga.

"Matulog na kayo bukas dahil may welcome party sa inyong dalawa," sabi ni Papa.

Nginitian siya ni Mama ako naman ay yumakap kay Papa. "Thank you, and goodnight Papa,"

"Good night, anak," 

Humiga ako sa kama habang kayakap ko si Mama. 

"Ang lamig naman dito sa kuwarto mo anak, nakakaantok," sabi ni Mama.

Kinuha ko ang kumot at inilagay ko sa katawan niya. "Mama, na-miss na kita,"

Tumingin sa'kin si Mama. "Miss rin kita pero mayroong nakakamiss sa'yo sa manila," sabay ngiti ni Mama.

Kumunot-noo ako. "Sino po?"

"Si Ryuuji, hindi na umalis ng bahay, tanong nang tanong kung nasaan ka," panunukso ni Mama.

Sumimangot ako. "Niloloko n'yo naman ako e, bakit naman siya pupunta sa bahay?"

"Bakit nga ba?" Balik na tanong ni Mama.

"Hindi ko alam sa kanya," Tumagilid ako ng higa kay Mama. Baka kasi makita niyang namumula ang mukha ko, bigla ko naman naalala ang text niya sa'kin.

THE BADBOY'S FIRST KISSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon