CHAPTER 05

72 47 2
                                    

Darylle's POV

"Ang gwapo ng anak ko ah, ang bango pa" salubong agad sa akin ni mama paglabas ko ng kwarto

"Syempre ma pwede ba namang pumasok ka nang panget at mabaho edi pinagtawanan ka"

" Ang sabihin mo inspired" pang-aasar naman ni ate Danilla na bigla bigla nalang sumusulpo.

" I-inspired ka diyan, h-hindi ah"

" Sige deny pa" si ate

" H-indi nga kase!"

" Ayy sus eh bakit nauutal ka? Namumula kapa hahahaha" natahimik ako bigla, hindi ko nalang siya pinansin at kumain na

"Tignan mo natahimik ka haha kase insipired kang talaga, kapatid mo ako loko kaya kilalang kilala kita"

Hayy wala talaga akong takas sa isang ito

" Aminin mo na kasi, sige ka baka sa kaka-deny mo humaba yang ilong mo maging kamukha mo si Pinocchio"

" Tss oo na!" Inis na sugar ko

"Hahahaha" malakas na tawa niya

Siraulo!!

" Sino ba yang babae at iyan baka pwede mong ipakilala sa amin" si mama

" Tyaka na ma kapag nasabi ko na sakanya yung nararamdaman ko" nakangiti ako habang sinasabi iyon.

"Kailan mo ba balak aminin?"

"Hindi ko alam" sabay kamot pa sa ulo ko.

" Kingina torpe!"

" Huwag mo nang pilitin ang kapatid mo kung hindi pa siya handa" sabi ni mama sa kanya

"Luhh ma ang laki laki na niyan, dapat marunong nang manligaw yan" turo sa akin ni ate

"Grabe ka naman sakin! Ikaw din naman!!" Sigaw ko

"Anong ako?Hindi ako torpe uyy, tyaka wala akong gusto!"

Perfectly ImperfectWhere stories live. Discover now