CHAPTER 16: Welcome Party Part 1

29 20 3
                                    

Darylle's Pov

"Naks naman ready na ready na oh! Gwapo mo sa suot mo pre para kang baklang prinsipe ahahahah!" binatukan ko siya

"Aray ko naman!" pagrereklamo niya

" Taray anong ganap?" bigla namang nagpakita si Ricky

" Oh Ricky buhay ka pa pala, himala nagpakita ka ah ilan linggo ka nang absent nyare?" tanong ni Johnny

"Mahabang kwento pass muna sa chika. sya nga pala anong ganap bakit ganyan suot mo Darylle mukha kang baklang prinsipe"

" Tang*ina!!" napamura nalang ako sa inis at natatawa pa talaga yung dalawa.

Hindi ko nga alam kung bakit ako napapayag sa bwiset na sayaw na ito eh kung alam ko lang na ganito ka fit yung isusuot edi sana haystttttt ewaannnnnnnnnnnnnn!!!!!

Teka bakit nga ba kase ako pumayag ha!

*FLASHBACK*

Eh bakit ba ganyan makatitig itong babae na ito..

*LUNOK*LUNOK*LUNOK*

"To be my partner" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

Nanatili akong nakatingin sa mga mata niya. Hayyy mga matang walang kasing ganda, mga matang kapag tinitigan mo ay matutulala ka, mga matang noon ay tinititigan ko sa tuwina, mga matang matagal ko nang hindi nakikita. Wala parin nagbago sa kanya, maganda parin siya, sikat, mayaman pero.............................

Hindi parin maganda ang pag-uugali niya, wala parin siyang kasing manhid.

"Uyy" nabalik lang ako sa katinuan nung tinapik ako ni Johnny.

"Natulala ka yata pre haahaha?Ganda kase ng kaharap mo eh"

"Eh"

"So is it ok for you to be my partner?"napatingin na naman ako sa kanya

Ayan ka na naman eh. Huwag kang mahuhulog sa mapang-akit niyang mga mata.

"Hey" then she smiled

Wahhh ang ganda ng ngiti niya, ayan na naman yung mga dimples niyang napaka-lalim.....Ehhhhhhhhhhhhh

Erase erase putcha!!!

Huwag kang papayag naku Darylle sasapakin talaga kita kapag pumayag ka!!

"Yes"

"Talaga? Yieee salamat talaga" at bigla niya kong yinakap..

*DUGDUGDUG*DUGDUGDUG*DUGDUGDUG*

*LUNOK*LUNOK*LUNOK*LUNOK*

"Ahh hehe sorry nadala lang ako sa tuwa, so paano ba yan practice na tayo. See you later thank you talaga" sabay kindat

"Nayy nakuha sa yakap"

"HSSHSHSSH"

"Kunware pa ito eh!"

"Hindi ako nakuha sa yakap"

"Pero aminin natulala ka, yakapin ka ba naman ng isang Zakairra Dela Vega ang anak ng isa sa mga head ng school na ito hindi ka maloloka pre, kung ako iyon jusko wala pang tanong oo agad!!"

"Eh?"

"Hahahahaha kinkilig siya ihhh! Speechless!!"

"Hsshshhshssh" iniwan ko nalang siya napakadaldal kalalaking tao ang ingay eh!

Bakit ako napa-oo noon? Haystttttt!!!Bakit ba kase nagsasalita mag-isa yung bibig ko eh hindi dapat sagot ko pero bakit naging oo....

Why self? Why? Aishh!!

Du hast das Ende der veröffentlichten Teile erreicht.

⏰ Letzte Aktualisierung: Oct 26, 2020 ⏰

Füge diese Geschichte zu deiner Bibliothek hinzu, um über neue Kapitel informiert zu werden!

Perfectly ImperfectWo Geschichten leben. Entdecke jetzt