CHAPTER 15: PREPARATION

39 22 3
                                    

Darylle's POV

Magaling pa pala akong sumayaw eh akala ko kasing tigas na ng bato yung katawan ko.

Vacant naman tapos walang tao sa roon kaya ito nagsasayaw ako. Eh kingina kase nakakainip itong araw na to dapat pala hindi nalang ako pumasok natulog nalang ako wala naman palang gagawin. Kung wala lang talagang training itinulog ko nalang lahat.

"Hanep ah ang galing mo palang sumayaw eh pwede ka sa dance troupe"

Langyang Johnny na ito bigla nalang sumusulpot

"Tss hindi ako magaling"

"Alam mo naghahanap ng bagong member ang dance troupe ngayon dahil balita ko nag-quit yung isa kulang sila"

" Anong pake ko doon edi maghanap sila ng bago problema na nila yon"

"Sali ka na, maganda pa naman ang head nila"

"Eh ano ngayon kung maganda siya?"

"Pare naman, chance mo na para magkajowa hahahaha"

"Anong gagawin ko sa jowa?"

"Lalake ka ba talaga?" Bigla siyang lumapit sakin at inakbayan ako

"Tang*ina malamang, eh ikaw lalaki ka ba talaga?"

"Oo gusto mo magkasubukan pa tayo, palakihan oh"

"Anong palakihan gago!?"

"Oh ano takot ka atang ilabas ahhaha duwag ka pala eh"

"Hoy lalaki parin ako kahit hindi ko ilabas no"

"Sus ang tunay na lalaki hindi takot ilabas ang sandata, unless bakla ka"

"Gung-gong nang-aasar ka ba?"

"Oh bakit napipikon ka? Ayaw mo naman ilabas eh duwag"

"Gago 'wag si junjun"

"Anong junjun?"

"Sabi mo sandata?! Tae ano pa bang sandata ang nakakapagmalaki sa pagkatao ng lalaki edi si junjun! Wala sa laki ang importante buo si junjun!" Tinawanan lang ako ng kingina!

"Anak ng tokwa anong junjun? Naka drugs ka ba?" Tanong ni Johnny

"Sabi mo palakihan eh! Ano pa bang tinutukoy mo kung hindi si junjun!!"

" Gago muscle ang tinutukoy ko hindi yan" tinuro niya ang baba ko

"Ahh muscle ba linawin mo kase ahhaha" nameke ako ng tawa

"Grabe ganda pangalan ng alaga mo pre junjun hahahaha"

"Oy bakit sayo ba walang pangalan?"

"Meron Juan"

"Juan?"

"Juan and only"

"Huh?" Pagtataka ko

"Joke iyon tumawa ka kung hindi babatukan kita!"

"Ha  ha ha ha, grabe nakakatawa"

"Salamat sa pag-appreciate iyan talaga ang pinaka mabentang joke ko, tara na nga"

What the effin, hell, heck, seriously funny iyon?! Mga tao talaga ngayon oo ewan ko kung saan nagmumula ang kabobohan!

May libro kaya kung paano nagsimula ang kabobohan ng tao, ang history ng mga corny na jokes, pakisabi nga sakin at basahin ko ng malaman natin ang solusyon sa malaking problema ng bansa at ng mundong ito!

Perfectly ImperfectWhere stories live. Discover now