CHAPTER 10

45 37 4
                                    

"Anak umalis ka na!! Umalis ka na!!!" Sigaw ni mama

Pilit pinaaalis ni Mama si Ate sa tabi niya pero ayaw nito. Nandoon ako sa isang sulok umiiyak habang nasasaksihan ang hindi kaaya-ayang kaganapan.

Narinig kong muli ang putok ng baril at doon ay tuluyan ng humandusay sa sahig.

"Mama!! Mama!! Mama!!Maaaaaaaaaaaaa!!!"

"Darylle? Darylle gising gising binabangungot ka"

"MAAAAAA!!" Habol ang hininga kong bumangon matapos kong marinig at maramdaman ang boses at tapik sa akin ni LC.

"Si Mama tulungan natin si Mama!"

"Darylle kumalma ka"

"Si Mama at yung kapatid ko nanganganib sila sa harap nung lalaking nakaitim"

"Darylle panaginip lang iyon"

" Hindi si mama!! Tulungan natin si Mama!!" Naramdaman ko ang luha sa mukha ko

" Darylle kalma"

" Paano ako kakalma eh si Mama!!"

"Panaginip lang nga iyon ano ba!!"

"Hindi eh tinitignan niya ako habang umiiyak"

"Ito unumin mo muna yang gamot pampakalma" iniabot niya iyon at ininom ko naman.

"Hay sa wakas kumalma ka narin"

"Anong nangyare?"

"Nababaliw ka!!" Sigaw niya

"Bakit ka sumisigaw?!" Sigaw ko rin sa kanya

" Sa wakas bumalik kana sa reyalidad at hindi ka na parang bata na umiiyak diyan"

"Anong nangyare?"

"Mabilis ang epekto ng gamot kaya agad kang kumalma"

"Nagtatanong ako kung anong nangyare? Pinagsasasabi mo baliw!!"

"Nakatulog ka"

"Hindi ko alam na nakatulog pala ako"

"Actually umaga na"

"Huh? Hindi ba't magkakasama lang tayo nina Papang at may pinuntahan tayong parang lumang bahay"

"Oo at kahapon pa iyon"

"Ibig sabihin kahapon pa ako tulog?"

"Oo"

" Bakit hindi ko yata alam na nakatulog ako?"

"Ganito kase iyan, nandoon tayo sa lumang bahay kahapon. Ipinapakita iyon sayo ni Papang tapos bigla ka nalang nahilo at hinimatay. D-dinala ka nalang namin dito at ito ngayon ka palang nagising"

"Bakit ako hinimatay?"

"A-aba malay ko, gutom ka lang s-siguro" nauutal na sabi niya

"Bakit ka nauutal?"

" Ahh ehh napaso kase yung dila ko sa kape kanina kaya ayaw masakit"

"So? Anong connect?"

"Letche ka bakit ba ang dami mong tanong?"

"Eh ano nga kaseng nangyare?"

"Sinabi ko na diba!"

"Oo"

"Oh ayun naman pala"

"Yun lang?" Tanong ko

"Sana hindi nalang kita pinainom ng gamot kung alam ko lang na ganyan ka kakulit" bulong niya

Perfectly ImperfectWhere stories live. Discover now