CHAPTER 09

56 41 0
                                    

Darylle's POV

🎶She's got a smile that it seems to me
Reminds me of childhood memories
Where everything was as fresh as the bright blue sky
Now and then when I see her face
She takes me away to that special place
And if I stare too long, I'd probably break down and cry🎶

Aishhh ang aga-aga ang lakas ng tugtog!!

🎶Whoa, oh, oh
Sweet child o' mine
Whoa, oh, oh, oh
Sweet love of mine🎶

Langya rakista pa yata!!

" Rosa pakipatay nga ng tugtog mo!!" Matapos kong isigaw iyan ay lalong lumakas yung tugtog

🎶Whoa, oh, oh
Sweet child o' mine
Whoa, oh, oh, oh
Sweet love of mine!!!!🎶

"Rosaaaaaa!!!!! Patayin mo sabi yung tugtog!!"

"E kung ayaw ko?"

"Anak ng anong ayaw mo? Ako ang boss dito kaya dapat ako sundin mo bama gusto mong mawalan ng trabaho?" Sabi ko habang nakatalukbong parin sa kumot

" Huh? Mawalan ng trabaho! Mukha mo!!"

Aba hanep na katulong ito wala pa man nararating grabe na makasagot ah!

" Aba'y loko!" Sigaw ko

"Gagi!

Langhiyang katulong 'to minumura ako

"Ang lakas lakas na ng tugtog hindi ka pa rin bumabangon!" Teka parang iba na yata ang boses ni Rosa ngayon.

"Yah!! Stand up there entertain me as your visitor!"

Sinasabi ko na nga ba eh!!

" Aishh bakit ba pasok ka ng pasok sa kwarto ko? Bastos!!"

"Wow ah! Ako bastos? Tssk asa ka, hindi ko pagpapantasyahan yang payatot mong katawan, hindi kita papatulan no 'di tayo talo" pagtataray niya

Tss arte kala mo naman maganda

" Bahala ka nga dyan inaantok pa ako!"

"Hey! Asikasuhin mo nga ako, remember I am your visitor here" maarteng tugon niya

"Bwisita! Bwisita ka dito hindi ka bisita kay umalis ka na nga!"

"Kapag pinaalis mo ako parang pinaalis mo narin si "Papang" nahinto ako sa sinabi niya

Si Papang? Kasama niya si Papang ibig sabihin nandito na siya sa Pilipinas

"Anong sabi mo?" Tanong ko pero tinawanan niya lang ako

"I don't need to repeat my words Darylle, alam ko naman na narinig mo ako kaya kung sayo bumangon ka na diyan dahil kanina pa siya naghihintay sa baba. Alam kong alam mo na ang pinaka ayaw niya sa lahat ay yung naghihintay ng matagal." Sabi niya at lumabas na sa pintuan

Fudge!! Puro pagtulog kase ang inaatupag kaya yana taranta inaabot mo tange!!

Dali-dali akong tumayo at inayos ang sarili ko dahil kilala ko si Papang ayaw na ayaw niya ay ang pinaghihintay ng matagal, siguradong kapag nainip iyon ay sermon na naman ang aabutin ko. Kakarating nga lang tas masesermunan agad diba...

Dahan dahan akong bumababa ng hagdanan para hindi niya ako mahalatang kinakabahan at halatang natataranta sa pagdating niya.

"Huwag ka nang magdahan-dahan diyan dahil nakita na kitang bumaba"

Sa ngayon ay mas lalo akong nanginig. E kasi naman nakakatakot yan kahit mahinahon lang siyang magsalita ay kadalasan ay may malalalim na kahulugan ang bawat salitang lumalabas sa bibig niya.

Perfectly ImperfectWhere stories live. Discover now