CHAPTER 12

28 31 0
                                    

Darylle's POV

Woooohh!! Exciting ang araw na ito. BASKETBALL IS LIFE!!

"Ser ito na po yung knee socks niyo"

"Ahh sige ilagay mo na lang diyan" kinuha ko yung knee socks at may bigla ako naalala

*FLASHBACK*

"Hoy anong ginagawa mo diyan hindi ba may laban ka?"

"Parang tinatamad na akong maglaro ate"

"Bakit naman? Nung isang araw lang eh excited na excited ka sa laban tapos ngayon biglang ayaw mo na, nyare bro?"

" Eh parang nakakahiya kase"

"Anong nakakahiya? Chance mo na ito para magpasikat sa crush mo, engot!!"

" Eh sa nakakahiya eh!"

"Ano bang nakakahiya eh ayos naman yung suot mo, nanghiram pa nga ng plantsa si nanay sa kapit-bahay para lang hindi gusot-gusot yung suot mo eh tas ikakahiya mo yang sarili mo! Sira ka pala eh!!"

" Eh pano kase lahat sila kumpleto ang suot, bago sapatos may headband pa tapos may knee socks pa sila samantalang ako wala"

"Ayon lang?"

"Anong ayon lang?"

"Ayon lang ang ikinagaganyan mo?"

"Tss oo"

" Ang babaw!"

"Anong mababaw?"

"Ang babaw lang ng dahilan mo para yun lang? Ang dali dali lang ng sulosyon! Edi bumili ka

" Wala akong pambili"

"Hayy, ganito nalang maglaro ka ha dahil kapag hindi mo tinuloy hindi kita kakausapin ng isang buwan"

"Wala nga akong knee socks"

"Basta maglaro ka sasapakin kita eh!! Tumayo ka na diyan at ayusin mo na yang sarili mo, aalis lang ako sandali hintayin mo nalang kami ni Mama sa school mo dapat pagpunta ko doon madadatnan kita!" At pinandilatan niya ako ng mata

" Tss ano pa nga ba wala naman akong panlaban sayo."

"Osya tayo na dyan. Bilis bilis late ka na!!"

Sinunod ko nalang ang gusto ni Ate pumunta na ako sa school. Nakita ko yung mga kasama ko na naghahanda na para sa laban. Ayoko pa sanang lumapit sa kanila kaya lang kahit anong iwas mapapansin ka padin.

"Uyy mga pre nandito na pala si Darylle eh!"pagtawag ni Vio sa mga team mates namin

"Oh nandito na pala ang sinasabi nilang star player hahaha" si Vart

" Himala hindi gusot ang damit mo ngayon?" biglang singit ng mayabang na si Kenny

"Ahh nanghiram kase ng plantsa si Mama sa kapit-bahay kaya ganon"

" Don't care! Sana makapaglaro ka ng maayos bukod sa hindi bago ang sapatos mo ay wala ka pang knee socks sana huwag kang madapa dahil matinding disgrasya"

"Sinong may sabing wala siyang knee socks?" Dinig ko ang boses ni ate nanaglalakad papalapit sa akin.

" Ate?"

"Oh iyan binilhan kita ng knee socks ayaw ko naman na ikumpara mo anv sarili mo sa iba"

"Salamat ate kahit pala lagi mo akong binubwiset eh may 'care' kapa"

"Syempre naman ikaw kaya ang one and only brother ko kaya love kita yieee"

"Eh hindi mo bagay, sige na magsisimila na ang laro mamaya nalang"

Perfectly ImperfectWhere stories live. Discover now