CHAPTER 13

29 26 1
                                    

𝕎𝔸ℝℕ𝕀ℕ𝔾: 𝐌𝐞𝐝𝐲𝐨 𝐦𝐚𝐫𝐚𝐦𝐢 𝐩𝐨𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐝 𝐰𝐨𝐫𝐝𝐬 𝐝𝐢𝐭𝐨 𝐤𝐚𝐲𝐚 𝐩𝐚𝐬𝐞𝐧𝐬𝐲𝐚 𝐧𝐚. 𝐏𝐞𝐫𝐨 𝐤𝐚𝐡𝐢𝐭 𝐠𝐚𝐧𝐨𝐧 𝐦𝐚𝐧 𝐬𝐚𝐧𝐚 𝐦𝐚𝐠𝐮𝐬𝐭𝐮𝐡𝐚𝐧 𝐧𝐢𝐲𝐨 𝐩𝐚𝐫𝐢𝐧.

𝐏.𝐒 𝐇𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐩𝐨 𝐭𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚 𝐩𝐚𝐥𝐚𝐦𝐮𝐫𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐮𝐭𝐡𝐨𝐫 𝐚
𝐬𝐚 𝐭𝐨𝐭𝐨𝐨𝐧𝐠 𝐛𝐮𝐡𝐚𝐲 𝐡𝐞𝐡𝐞 𝐝𝐢𝐭𝐨 𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐨 𝐭𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚.

𝐄𝐍𝐉𝐎𝐘 𝐑𝐄𝐀𝐃𝐈𝐍𝐆!!!🥰🥰❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️

Zakairra's POV

"Bwiste na babae na iyon ang sarap sapakin epal ang kingina eh!" Halata sa mukha ni Aria ang inis.

Eh sino ba naman kasing hindi maiinis yung ang saya saya mo tapos may biglang susulpot na demyonitang mangkukulam na mukhang aswang na alien na ewan ko basta panget tas parang tangang magtatanong ang bruhilda.

"Ewan ko ba dyan sa babaeng iyan nasasapian yata ng isang daang masasamang kaluluwa sa katawan kaya ganyang ang atittude! My ghad ah nakaka-stress couz!!" Si Aria

"Insecure lang iyan huwag mo nang pansinin"

" Eh sino ba namang hindi papansin sa gagang iyon aber, bigwasan ko kaya yung mukha niya ng makita niya ang hinahanap niya"

"Hayaan mo na, stop thinking of her,it is not good for the brain at baka ikabaliw mo pa manood nalang tayo ng laban at mag-uumpisa na"

"Palibhasa ikaw may inaabangan ka samantalang ako wala"

"Eh diba may crush ka siya panoorin mo"

" Wala siya dito, sa pagkakaalam ko eh hindi siya part ng team"

"Sino ba kasi iyon?"

" Huwag mo munang alamin at baka agawin mo pa siya sa akin"

"Asa ka! Malay ko ba kung kamukha mo siya, mukhang alien hehe charrr..."

"Hoy sinong mukhang alien? Gusto mong suntok?"

"Kaya mo?"

"Oo"

"Sigurado ka kaya mo?"

"Hoy huwag mong ipang-aangas sakin iyang Kenny mo ha, hindi porket may gusto sayo yon eh gaganyanin mo na ako baka nakakalimutan mo mas matanda ako sayo at dapat na ginagalang mo"

" Oo matanda ka nga pero apat na buwan lang kaya huwag ka nga!!"

" Ikaw-" aasta na sana siyang babatukan niya ako pero biglang nag-umpisa ang laban"

"Blehhhhh" pang-aasar ko sa kanya.

Tinigil na namin ang asaran namin at nanood nalang ng basketball. Naka'y Kenny lang ang atensyon ko at wala nang ibang tinignan pa kung hindi siya. Siya lang naman talaga ang pinunta ko dito no buti nalang talaga at sakto sa vacant time namin ang laro nila kaya nakapunta ako kung hindi magtatampo sakin ang Kenny ko.

Maganda ang laban ng dalawang Department masasabi ko na magaling din ang mga kalaban nila pero syempre para sakin mas maging si Kenny, MVP yata yan.

High school palang ay hilig na ni Kenny ang basketball kaya naman makikita mo na bihasa na siya sa paglalaro nito.

Hayyy Kenny bakit ba ang gwapo mo?!!

"Couz laway mo"

"Huh?" Tanong ko at pinunas-punasan ang bibig ko pero wala naman akong makapang basa

Perfectly Imperfectحيث تعيش القصص. اكتشف الآن