PROLOGUE

602 201 161
                                    

Prologue

Paano kung napasok ka sa paaralan na hindi mo naman alam ang dahilan?

At pano kung hindi mo alam na mayroon ka palang tinatagong kakayahan?

Shanselle Crivisha's PoV

Pinasok ako sa paaralan na hindi saklaw ng gobyerno. Hindi ko mawari kung bakit naisipan ni mommy na ipasok ako rito. Isa itong tagong paaralan na makikita mo sa isang isla. Kumbaga malayo ito sa syudad na kinalakihan ko. Pinagbaon nga rin niya ako ng mga damit. Feeling ko nga eh papalayasin na niya ako.

Nakasakay kami ngayon sa bangka kung saan patungo sa paaralang sinasabi nila. Andami kaseng alam ni Mommy.

Inalalayan ako ng bangkero sa pagbaba dahil sa malakas ang alon ng dagat. Ilang oras din ang byahe namin kaya napagod na ako. Actually, inaantok na rin ako. Takot naman kase akong matulog sa bangka, baka kase mahulog ako. Hindi pa man din ako marunong lumangoy. Edi mawawalan na ng magandang anak ang mommy ko.

Naglakad lakad ako nang may nakita akong signboard na may nakalagay na Magia university at nakaturo sa papuntang hilaga ng isla. Buti na lang at nakita ko 'yon kase kung hindi baka mawala na ako rito sa lugar na ito. Nakakatakot pa naman. At isa pa iniwan na ako ng bangkero pagkatapos kong ibigay ang bayad ko. Seriously? Paano na ako makakauwi nito?

I was amaze nang makita ko ang napakalaking gate. It was all gold at nagniningning pa ang kulay nito. Sa bandang taas ay may nakasulat na MAGIA UNIVERSITY which is very colorful like rainbow. Andami ring matitingkad na mga halaman na may mga makukulay na bulaklak na nakapalibot sa gate. Ang sarap sa mata ang mga nakikita ko ngayon. Ang galing talaga ni mommy sa pagpili ng paaralan. From now on I will trust my mother in choosing what's good for me. I love you mom.

Lumapit ako at tinangkang buksan ito. Eh,bakit hindi ko mabuksan? Ginto nga mukhang bulok naman ata. Nakarinig ako ng kaluskus mula sa likuran ko ngunit nang tingnan ko ito ay wala namang tao. Omooo! may momo ba rito? Waaaah! Bakit ba kase ayaw bumukas ng gate na 'to? Paaralan ba 'to? Seryoso? Parang kanina lang ay pinupuri ko pa ito pero ngayon ay inis na inis na ako.

"Anong ginagawa mo rito?" Halos mapatalon ako nang may narinig akong nagsalita mula sa aking likuran. Nakita ko ang isang matanda. Puti na lahat ng buhok nito. Ang mga mata niya ay kulay kahel. Pero imbis na magsaya ako dahil may nakita akong tao rito ay hindi. Nakakatakot naman kase siya, malay ko ba kung patayin ako nito. Waaaaah! Sabi kase ni mommy ay 'don't talk to strangers'.

"Mayroon ka bang ticket?" muli nitong tanong nang mapansing hindi ako sumagot. Agad ko namang kinuha sa bag ko ang ticket na binigay ni mommy bago ako pumunta rito. Nagulat nga ako nang bigyan ako ni mommy ng ticket. Ano 'to manonood lang ng sine ganun? Hayst. Binigay ko sa matanda ang ticket nang hindi man lang nagsasalita.

Nagulat ako nang itapat niya ito sa isang hugis parisukat sa gitna ng tarangkahan. Bigla itong bumukas at nakakasilaw na liwanag ang bumungad sa amin.

"Follow me," sabi nito saka mabilis na naglakad.

Ni isa ay wala akong makitang estudyante. Dalawa lang kaming naglalakad at tahimik na tinatahak ang daan patungo sa I don't know where.

Huminto kami sa isang silid. Bumukas ang pinto ng madetect nito ang mukha ng lalaki. Amazing. Naupo ito sa upuan at may nakapatong sa kanyang lamesa na 'Master Philip Porche'. Pinagmasdan ko ang kabuuan ng silid. Napakaganda nito. Maraming nagkikislapang bagay ang nakikita ko. "Take a seat," sabi nito habang nakangiti sa akin. Gumaan naman ang loob ko sakanya. Feeling ko mabait siya.

"Welcome to Magia university!" Masayang bati nito. Ngumiti naman ako. Napipipi na ata ako rito. "But before you will start in studying here at magia. I need to interview you first so that you can start tomorrow." Tuloy tuloy na sabi niya. Tumango na lang ako bilang pagsagot. Shanselle, where's your mouth?

"What is your name?" tanong niya habang hawak ang isang ballpen at papel na may nakasulat na kung ano ano.

"Shanselle Crivisha Monteverde," sagot ko. Akala ko ay tuluyan na akong naging pipi.

"How old are you now?" Muli niyang tanong.

"I'm already 16 years old," I answered.

"Okay, so what you can do?" taas kilay niyang sabi. What can I do? Did he mean hobbies or what?

"Hmmmm singing?" Patanong pa 'yon kase hindi ako sigurado kung tama ang sinagot ko. Yes, I can sing since birth. Hehehe. Char

Humalakhak naman siya sa sagot ko. What's wrong in singing? Baka hindi niya alam kumanta kaya ganoon.

"I mean power." Pigil ang tawang sabi niya. Power? Ako naman ang natawa ngayon. Pero nakatingin lang siya sa akin na parang naweweirdohan. What kind of power? Armpit power? O com'on mabango ako noh.

"Okay never mind. Maybe you didn't discover it yet. Follow me." Naguguluhan man ako ngunit sumunod na lang ako sakanya. Pumasok kami sa isang maliit na silid na gawa sa salamin.

"Now face the camera and smile. That would be the picture on your ID," sabi niya habang may sinusulat. Hinanap ko ang camera ba sinasabi niya. Inayos ko muna ang aking buhok saka ngumiti roon. Nakakasilaw na liwanag ang lumabas sa camera pero saglit lang ito.

"So, you're officially a student of magia now," sabi nito then he grin.

"If you have any questions, just ask me about it," sabi nito habang busy sa pagsusulat ng ewan ko sa papel na hawak niya.

"O-okay po," tipid na sagot ko.

"Okay this is your ID and your uniform. Ito naman ang susi ng magiging dorm mo," sabi nito sabay abot sa akin ng isang box at may nakapatong na susi.

"Thanks." I was about to leave nang may sinabi ulit siya.

"By the way, hindi kayo makakalabas sa university na ito." Pahabol niya.

"Huh bakit po?" Gulat na tanong ko sa kaniya.

"Dito muna kayo para sanayin ng mabuti at kapag nakuha ka sa top 10 na pinakamalakas ay pwede ka ng makalabas kung gusto mo sa university na ito." So, makukulong kami rito sa paaralang ito? Kaya ba pinadala ako ni mommy ng mga gamit? Pinakamalakas? Baka naman ibig niyang sabihin ay pinakamatalino. Kung patalinuhan lang naman pala, aba hindi ako aatras diyan. I'm an achiever in our school dati kaya. "O-okay po." Ang tanging nasagot ko. Teka bakit ba ako nauutal? Or maybe I'm just nervous.

"Ok so pwede ka nang pumunta sa dorm mo. Ituturo rin ng susi mo kung nasaan ang dorm mo," sabi nito.

"Salamat po ulit," muli kong sabi saka tuluyan nang nilisan ang silid na 'yon.

Itutuloy...

Magia University (On-going)Where stories live. Discover now