CHAPTER 7

108 40 23
                                    

Chapter 7
Chess

Someone's PoV

"Nakahanap na pala sila ng bago" napangisi naman ako sa sinabi niya. Ilang buwan na rin ang nakalipas simula nang mawala si Shane. That girl is too annoying.

"Akala nila matatapatan ng babaeng 'yon si Shane? HAHAHA nagkakamali sila" hindi ko alam kung ano ang nakita nila sa batang iyon at siya ang ipinalit nila. Ni wala ngang kayang gawin ang batang iyon. Oo ganoon din si Shane dati pero malakas naman siya kahit walang kapangyarihan. Kumpara sa isang batang iyon.

"Nababaliw na ata si Philip. Hindi na siguro nila alam kung paano tayo patutumbahin" natatawang sabi niya. Natawa na lang din ako dahil sa sinabi niya. Kaawa awang Philip.

"Kahit kailan ay hindi nila tayo maibabagsak" nilagok ko ang isang alak ng deretso.

"You're right Master!" tumawa naman siya ng napakalakas. Hinding hindi nila kami mapapabagsak. Isa silang mahina, walang kwenta, at kaawa awang grupo. Walang wala sila sa aming kapangyarihan.

Kahit kailan talaga ay hindi na alam ng Philip na iyon na pumili ng malakas na ipapasok sa kaniyang grupo. Puros mahihina.

Tignan lang natin kung kaya nila akong pabagsakin...







Shanselle's PoV


Ilang buwan na ang nakakalipas simula nang pumasok ako sa unibersidad na ito. Oo, kasali na ako sa grupo ngunit hindi naman nila ako binigo na tutulungan  nila ako sa pagpapalabas ng kapangyarihang tinataglay ko. Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin ito lumalabas. Napapaisip na lang tuloy ako kung may kapangyarihan ba talaga ako o nagsisinungaling lang sila sa akin.

Isa lang naman kase akong hamak na normal na tao na walang tinataglay na kapangyarihan tulad nila. Minsan ay sumuko na rin ako pero palagi nila akong kinukumbinsi na ipagpatuloy lang at dapat daw ay magtiyaga ako. Hindi ko na nga alam kung paniniwalaan ko pa ba sila.

Papunta na ako ngayon sa Sports subject namin. Nauna na ang dalawa dahil may pinuntahan pa ako.

Pumunta pa kase ako sa library para hanapin ulit ang libro ngunit wala na raw ito roon. Panigurado ay tinago na ito para hindi na makuha pa. May tinatago talaga sila at kailangan ko itong malaman. Pero kailangan ko rin munang palabasin ang kapangyarihan ko raw na sabi nila. Hayss...

Naabutan ko na roon ang apat na nakaupo kaya lumapit na rin ako sa kanila. Hindi pa naman nagsisimula, sadyang maaga lang kami pumasok.

Oo, apat... Kasama 'yong dalawang unggoy. Kahit kelan ay hindi ko na inisip na magiging magkasundo kami ng Marky na iyan. Magkagrupo kami pero hindi kami nagpapansinan. Napaka seryoso kase niya at napakahangin ng dating. Iyong isang unggoy naman ay minsan nakakasundo ko. Oo, tama nga ako, may something sa kanila ni Clarisha. Halata na ngang may gusto sila sa isa't isa pero ayaw pa rin nilang aminin. Kala mo naman kung hindi namin napapansin ang mga nakawan ng tingin nilang dalawa.

"Class, we have a problem" malungkot na wika ni Prof. Heddie. Napatingin naman kaming lahat sa kaniya. Nagsimula na kase ang klase at pinag usapan ng lahat ng Professor ang magiging laro sa araw na ito.

"Our game for today is chess. But the problem is... Our player will not able to play today because he's sick and he didn't come in our class," malungkot na pagpapaliwanag ni Prof. "At wala na rin akong alam na may alam na maglaro sa inyo. Magaling pa man din ang makakalaban natin kaya kailangan natin si Heron," pagpapatuloy niya.

I know how to play a chess. Player kaya ako sa chess sa aming school dati. Pero ngayon siguro magiging iba. Hindi normal lahat ng laro nila rito hindi katulad sa labas. Iba sila rito at hindi ko alam kung ano pa ang kaya nilang gawin.

Magia University (On-going)Место, где живут истории. Откройте их для себя