CHAPTER 5

134 66 36
                                    

Chapter 5
Hedrone

Shanselle Crivisha's PoV

"After class you will be meeting your group" ano namang group ang pinagsasabi niya. Kausap ko ngayon si Master Philip. Tinawag niya kase ako kanina after ng Sports namin dahil may importante raw siyang sasabihin sa akin.

"Ano pong group ang sinasabi niyo master Philip?" tanong ko sa kaniya. Baka naman may group activity kami. Malay ko ba.

"You will know later" sabi nito at tumalikod na. Wow ha iyon lang ba ang sasabihin niya. Akala ko ba kung importante? "Don't forget after class at cafeteria. Be there" pag papaalala niya sa akin na para bang makakalimutan ko. Hindi pa naman ako ulyanin hmp.

Naglakad na siya palayo at heto ako naiwan ulit na nag-iisa. Okay lang sanay naman na ako. Ayt hahahha. Naglakad na rin ako papunta sa next class which is skills. Here we go again. Parang na trauma na ako sa subject na iyan pero papasok pa rin ako dahil kailangan. Be strong Shanselle.

Binilisan ko na ang pagpunta roon dahil baka mahuli ako at lagot ako kay master Herb. Parang nangangain pa naman iyon ng tao. Char baka may makabasa ng iniisip ko. Lagot ako pag nagkataon. Malay ko ba kung hindi lang si Clarisha ang nakakabasa ng isip dito, baka may iba pang nakakagawa no'n.

Pagkarating ko roon ay wala pa naman si master Herb kaya ligtas pa ako. Nakita ko naman na roon sina Flerida at Clarisha kaya lumapit na ako at umupo sa tabi nila. Nasa gitna nila ako feeling ko kino comfort nila ako dahil ayaw ko na kaninang pumasok sa class na ito. Baka kase next ay mamatay na ako.

Ilang minuto lang ang lumipas ay dumating na rin si master Herb. Pumunta na siya sa gitna. Ang seryoso talaga ng awra niya. Nakakatakot. Nakakatakot ding makipagtitigan sakanya.

"Andito nanaman tayo para mag sanay sa inyong mga kakayahan" panimula niya. "Kailangan niyong maipakita ang tunay niyong lakas sa pamamagitan ng actibidad natin ngayon" ninenerbyos nanaman ako ngayon dahil mayroon nanamang bagong gagawin.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung anong gagawin ko dahil wala naman akong powers.

"You should defeat the enemy" nakangising sabi niya. Nagsitayuan ang aking mga balahibo dahil sa ginawa niya. Hindi ko alam pero nakakatakot ang ngisi niyang iyon. Napatingin naman ako sa katabi ko at parang ganun din ang naramdaman nila.

"The enemy is very strong. He can crush you into pieces. But don't worry, if you can evade his attack" what!? So this time pwede na kaming mamatay. I mean ako? Kase ako lang 'yong walang kakayahan dito. Parang nag sisisi na tuloy ako na pumasok pa ako.

Lahat kami ay napatigil sa sinabi niya. Kinikilabutan din siguro sila kahit na meron silang powers.

"I would like you to welcome. HEDRONE!!!" sigaw niya. Lumabas naman ang isang nilalang na..... Sobrang liit. What!? Hahahahha so siya lang pala. Isa siyang bata. Napakainosente ng kaniyang mukha. Tapos ipapalaban lang siya. Akala ko pa naman 'yong mala halimaw na, na nangangain ng tao ang ipapakila niya sa amin.

Nagbulungan naman ang iba at ang iba naman ay parang natatawa. Pano ba naman kase. Isang bata lang ang makakalaban nila. Mukhang wala pa ata siyang kaalam alam sa mundo eh. Siguro nasa five years old na siya. Napakakyut nga niya eh, ang sarap pisilin ang kaniyang mga pisngi na matataba. Tapos ipapalaban lang siya.

"O com'on don't belittled his ability" nakangisi pa rin niyang sabi. Parang nagugustuhan niya ang eksena ngayon. Pati bata idadamay niya. "Little but terrible" pagpapatuloy niya.

Napangisi naman ang bata. Gosh nakakatakot ang kaniyang ngisi. Parang may mali. Innocent evil...

"Be ready... If your name flash in the magic glass... You will be the one to fight this little kid" sambit nito. Lahat naman kami ay napatingin sa salaming malapad.

Magia University (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon