CHAPTER 1

380 183 129
                                    

Chapter 1
First day

Shanselle Crivisha's PoV

Papunta na ako ngayon sa dorm ko para makapagpahinga. Mayroong compass ang susing hawak ko na tinuturo kung saan ang dapat kong puntahan. High-tech pala ang mga gamit dito. Feeling ko tuloy ma eenjoy ko ang pag-aaral dito.

Na aamaze ako sa mga nakikita ko ngayon.  Mga naglalakihang building ang nakikita ko. Ang desenyo nito ay parang isang palasyo. Mahal siguro ang tuition dito. Para akong nasa ibang bansa. Ang sariwa rin ng hangin dito. Tahimik at malaki ang lugar. Pero kung isa itong paaralan, nasaan ang mga estudyante? Bakit ni isa ay wala akong makita?







Nakarating ako sa isang malaking mansion. Dito kase ang tinuturo ng susi ko. Naglakad ako papunta sa pinto nang bigla itong bumukas. Oo nga pala, automatic din ang mga bagay dito. Pumasok ako sa loob at nagulat ako nang madami akong nakitang mga babae. Halos lahat sila ay napunta sa akin ang atensyon. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko, nang may lumapit sa akin na dalawang babae. Bumalik sila sa kanilang ginagawa samantalang ang dalawa ay palapit sa akin habang malawak ang ngiti.

"So you're the newbie... Sabi ko na nga ba at babae ang bagong dating eh" sabi sa akin ng isang babaeng halos ka height ko lang. Maganda rin siya dahil sa matangos na ilong, magandang hugis ng mukha niya, at maputi. Blonde rin ang kaniyang buhok na maganda ang pakakakulot. Nakakaattract din ang pula niyang mata na mas lalong nagpaganda sa kanya.

Napasimangot naman ang kasama niya na may dilaw na mata, maganda rin. Morena at deretsong deretso ang buhok. "O I thought lalake ang bagong dating. But it's okay" napangiti naman siya sakin ng bahagya. Nginitian ko na lang siya pabalik.

"Hmmm, can I go to my room now? Napagod kase ako sa byahe" sabi ko dahil pagod na pagod na talaga ako at kailangan ko nang magpahinga. Tumango naman silang dalawa. Nagsimula na akong umakyat sa hagdan hanggang sa nakarating ako sa harap ng kwarto ko na tinuturo ng susi ko.  Ang room number ko ay 203.

Pagkabukas na pagkabukas ko palang ng pinto ay inilapag ko na ang mga gamit ko saka humilata sa malambot na kama. Siguro mamaya ko na lang aayusin ang mga gamit ko.
















Nagising ako nang may biglang may tumunog na bell. Agad kong tinignan ang relo ko para tignan ang oras. Maliwanag na rin sa labas. 5 o'clock na ng umaga. Hindi na pala ako nagising kagabi dahil siguro sa pagod.

Naramdaman kong kumukulo na ang tiyan ko. Hindi pa kase ako naglunch at dinner kahapon. Agad akong tumayo at binuksan ang pinto nang biglang bumungad sakin ang dalawang babae kahapon.

"Good morning" sabay nilang sabi habang malawak ang ngiti. Ang weird ng dalawang 'to. "Morning" sagot ko saka tipid na ngumiti.

"Sabay kana samin pababa para sa breakfast" nakangiting wika ng pula ang mata. Tumango na lamang ako dahil ang totoo ay hindi ko pa alam kung saan pupunta.

Marami narin ang naglalakad papunta. Sumusunod lang ako sa dalawa na kapag nawala sila sa paningin ko ay maliligaw ako. Wala rin akong makita ni isang lalaki rito. Baka naman school for girls lang ito. Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa dining room. Nakalagay kase sa taas ng pinto ang 'Dining Room' na mga letra.

Pumasok kaming lahat doon at saka naghanap ng sarili sariling upuan. Maganda rin dito at maluwang. Para itong isang mamahaling restaurant.

Patuloy lang ang pagsunod ko sa dalawa. Naupo kami sa pinakadulo dahil mas maganda raw doon na pwesto. Wala akong nagawa kundi sumunod lang sakanila hanggang sa makarating sa sinasabi nilang pwesto. Naupo kami roon. May nakahanda naring pagkain sa lamesa kaya ang gagawin nalang namin ay kumain.

Magia University (On-going)Where stories live. Discover now