CHAPTER 2

278 162 112
                                    

Chapter 2
Skills

Shanselle Crivisha's PoV


Natapos na ang sports subject namin. Ang nanalo ay yellow hawks at sa ikalawang labanan naman ay ang Orange Spiders.

Kasama ko ngayon sina Clarisha at Flerida papunta sa last subject namin. Finally, last subject na and after this ay makakapagpahinga na ako.








Nakarating kami sa 6th floor ng third building kung saan doon magkaklase sa subject naming Skills. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung ano ang gagawin namin sa asignaturang iyon.

Binuksan ng isang lalaki na hindi ko kilala ang pinto. Dalawang pinto lang ang mayroon dito sa 6th floor pero sa ikalawang pinto ang aming klase. Wala ring nakapaskil na senyales sa unang pinto na nagsasabing ito ay subject room. Walang mga bintana ang mga silid-aralan dito at hindi ko alam kung bakit. Bigla ring bumilis ang tibok ng puso ko sa hindi malamang dahilan.

Pagkabukas na pagkabukas pa lang ng pinto ay sariwang hangin na ang bumungad sa amin. Ipinikit ko ang aking mga mata nang maramdaman ang malamig na hangin na humahaplos sa aking mga balat.

"Tara na Shanselle?" sabi ni Flerida nang mapansing hindi ako gumagalaw sa kinaroroonan ko dahil hanggang ngayon ay nakapikit pa rin ako.

Iminulat ko ang aking mga mata at laking gulat ko nang makita ang nasa loob. Hindi ito isang pangkaraniwang silid-aralan kundi isa itong gubat.

"Hey Shanselle, are you okay?" natatawang sabi ni Clarisha. Tumango na lang ako.

"Alam mo marami ka pang matutuklasan habang tumatagal ka rito sa Magia. Andami kaseng nakatagong hindi mo inaasahan. Pero mas magandang matuklasan mo iyon sa pamamagitan ng iyong mga mata, kaysa marinig mo iyon sa bibig ng iba," nakangiti namang sabi Flerida. "Mas maganda kase iyong bigla ka na lang magugulat sa nakikita mo kaysa sa hindi kana magulat dahil alam mo na ang totoo. 'Diba mas exciting iyon?" pagpapatuloy niya. Ngumiti nalang ako sa kanya.

"Halina kayo. Baka mamaya ay magalit sa atin si Master," sabi naman ni Clarisha habang nakatayo na sa pinto. Napansin ko rin na kaming tatlo na lang ang nandito sa labas.

Pumasok kami sa dalawang kahoy na pinto. Namamangha ako sa nakikita ko ngayon. Nagtataasang mga puno ang nadadaanan namin ngayon. Dumadaan din kami ngayon sa laryo para makarating sa aming paroroonan. Para kaming nasa labas dahil kita ang maliwanag na araw dito. Pero papaano nagkasya ang ganito kalaking espasyo? Nakapagtataka...

Sa isang minuto ng paglalakad ay nakarating kami sa maluwang na espasyo kung saan walang puno. Nakapalibot na rin ang aming mga kaklase habang nakaupo sa lupa.

Nakita ko rin ang isang lalaki na nakatayo ngayon sa gitna. May katandaan na ito dahil mapapansin ang ilan niyang buhok na pumuputi na, ganoon din ang kanyang balbas.

Napatingin siya sa direksyon namin. Napaka seryoso ng kanyang awra. Bigla namang yumuko ang dalawang kasama ko. Tinignan ko ang matanda at tumingin din siya sa direksyon ko at bahagyang ngumiti. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at nakakaramdam ako ngayon ng kaba.

Siniko naman ako ni Clarisha saka senenyasan na yumuko. Napayuko nalang din ako bilang paggalang sa tinatawag nilang master.

Naupo na rin kami ngayon sa banda kung saan may espasyo.

"Okay, let's start our activity. Ang activity natin ngayon ay tinatawag kong, Fight your enemy. Bubunot ako ng dalawang tao rito sa kahon at sila ang maglalaban" sabi niya. Huh? Laban? Seriously? Napatawa naman si Clarisha sa tabi ko. Kung hindi lang siguro ito nakakabasa ng isip, baka napagkamalan ko na siyang baliw dahil bigla bigla siyang tatawa..tsk...

Magia University (On-going)Where stories live. Discover now