CHAPTER 6

107 55 22
                                    

Chapter 6
Fifth member

Shanselle's PoV


"Anong ginagawa niyo rito?" tanong ko kina Clarisha at Flerida. Wait... Sila ba ang sinasabi ni Master P, na group mates ko? "We're your group mates, Shan... Hindi ka ba masaya?" malungkot na tugon ni Flerida. Grabe! May paawa effect pa siyang nalalaman.

"Hindi naman sa ganun... Pero alam niyo?" tanong ko ulit sa kanila. Tumango naman sila sa akin. So, nagsinungaling sila sa akin, the whole day. How can they do that?

"Para surprise! Tsaka isa pa hintayin na natin 'yong dalawa pang kagroup natin. Para naman makompleto na tayo," sagot naman ni Clarisha. May iba pa?

Bigla namang dumating ang dalawang lalaki. What? Bakit pati siya ay magiging kasama namin. Kung minamalas nga naman. 'Yong isa naman ay parang familiar. Tama, kaklase namin siya sa skills at player namin ng basketball sa sports.

"Hi guys" kumaway pa siya samin. Napatingin naman siya sa akin at saka ngumisi. Kumukulo na naman ang dugo ko. "Hello" sagot naman ng dalawa. Duh! ayoko kayang sumagot, bahala siya.

"Hello, ikaw pala 'yong makakasama namin," nakangiting bati naman sa akin ng isang lalaki na hindi ko na maalala kung sino. Gwapo rin ito at Moreno. Kulay Lila ang kaniyang mga mata. Katulad ng mga Mata ni mommy. "Hi!" tipid na sagot ko saka ngumiti na rin ng peke. Napatingin naman siya kay Clarisha. "H-hi Clarisha" nahihiyang bati niya rito. "Hello" nahihiya namang sagot ni Clarisha. Oops, parang may something sa dalawang 'to ah.

"Sorry I'm late. May inasikaso kase kaming emergency" biglang sulpot ni Master Philip. Makikita na para siyang pagod. "Oh! kompleto na pala kayo. Let's start?" sumigla bigla ang kaniyang mukha nang makitang kompleto na kami.

"Students of Magia has a group. The name of each group are based from the horoscope. You are the Pises group," pagpapaliwanag ni Master Philip pero wala parin akong maintindihan. Hindi ko alam kung bakit simula nang ipasok ako sa paaralang ito ay naging slow na ako.

"Ano pong ibig niyong sabihin?" naguguluhang tanong ko.

"You are now part of the group. Pili lang ang pwedeng isali sa grupo. Ang mga Masters ang pipili ng mga magiging miyembro depende sa lakas ng mga ito. Kaya napili kitang isali sa pises group dahil may naramdaman akong kakaiba nang makita kita," pagpapaliwanag niya. Huh? Walang pumapasok sa isip ko.

"Hindi ko po kayo maintindihan" napakamot na lang siya sa sinabi ko. Bakit kase hindi nila ipaintindi para naman maintindihan ko ang nais nilang ipaintindi. O ang gulo ko na rin. Balakayo diyan mang intindi.

"Each group has five members only at pili ang mga ito" hayss pano ko ba iintindihin ang mga sinasabi niya. Hindi naman sumasabat ang apat. "Shane Isabel is the fifth member of pises group and also got the highest rank in Magia," bigla namang lumungkot ang mukha niya ganoon din ang apat.

"Pero nang dahil sa kasamaan ay nawala siya. Hindi na namin alam kung nasaan siya at kung buhay pa ba siya o patay na. Walang may alam," nakakalungkot pala ang nangyare sa kasamahan nila. "Kaya naman biglang bumagsak ang Pises group nang dahil sa pagkawala ni Shane. Alam naming mabait siya at hindi niya kayang gawin ang mga iyon. Matapang siyang bata at handang ipaglaban ang kapakanan ng iba... At ang nakakalungkot pa ay nang dahil sa akin bumagsak ang grupo. Wala akong nagawa para bumangon ulit at ipakita ang lakas ng Pises group." mangiyak ngiyak niyang sabi. Nakakaawa ang itsura ni Master Philip ngayon. Parang andami niyang pinagdadaanang problema.

"Wala po kayong kasalanan Master. Kami po ang may kasalanan dahil hindi namin siya naipagtanggol nang gabing iyon." umiiyak na wika ni Flerida.

"Pinabayaan po namin siya," sambit naman ng lalaking kulay Lila ang Mata.

Magia University (On-going)Where stories live. Discover now