WIMTM 7 ~ J. ROSIE

339 11 0
                                    

CHAPTER 7

~*~

ALI'S POV


Kanselado ang klase namin ngayong araw. Hindi ako sigurado kung bakit pero ang sabi sa announcement... nasugod daw sa hospital si Mr. Marcelo, ang matanda naming professor sa thesis. Naisip ko mabuti naman at wala kaming pasok dahil magkakaroon na ako ng time para magedit pa ulit o irevise ang thesis ko at syempre makapag pahinga at makapag linis ng bahay. Pero kawawa rin si Mr. Marcelo.

Bakit kasi ang tanda na niya pero nagtuturo parin siya. Halos puti na nga lahat ang buhok niya. Dapat kasi sakanya, nagpapahinga nalang sa bahay at sinusulit ang natitira niyang buhay kasama ang pamilya niya.

Sa totoo lang ay natanong ko na siya tungkol sa bagay na iyon kasama si Carla noong tulungan namin siya bumaba ng hagdanan dahil mukhang nahihirapan siya.

"Sir bakit ho ba kayo nagtuturo pa?" Tanong ni Carla habang inaalalayan namin siya sa pagbaba ng hagdanan dahil nasira ang elevator at under maintenance pa ito.

Pero napangiti lang si Mr. Marcelo at umiling-iling at sandali siyang huminto sa paglalakad.

"Gaano na ho ba kayo katagal nagtuturo?" Dagdag ko naman na tanong.

"50 years na akong nagtuturo." Nakangiting sambit niya at tumingin sa aming dalawa, "Alam niyo mga iha, alam kong matanda na ako. Hindi lang dahil sa pera kung bakit ako nagtuturo. Ito ang bokasyon ko at hanggat kaya ko magturo, magtuturo ako."

At dahil sa sinagot niya sa amin, hindi na kami nakasagot ni Carla noong araw rin na iyon.

Naisip ko...siguro ganoon nga kapag masyado mong mahal ang ginagawa mo. Kahit pa sa magiging huling sandali ni Mr. Marcelo, gusto parin niya ibigay ang lahat ng makakaya niya, ang sarili niya para magturo.

Hinangaan ko siya dahil doon at isa pa ay nakita ko rin ang sarili ko kay Mr. Marcelo. Ganoon rin ako pagdating sa pagmamahal...pagdating sa pagmamahal kay Dylan. Hindi mapapagod at pilit na mamahalin siya kahit pa sa magiging huling sandali ng buhay ko.

Pero sandali! Ang aga-aga itong si Dylan nanaman ang pumasok sa isip ko. Ang aga-aga mukhang masasaktan nanaman ako. Kainis!

Nagtali ako ng buhok at tsaka inayos ang kobre kama at mga unan. Oo, mag-isa lang akong natulog ngayon tulad ng dati. Mag-isa sa kwarto namin ni Dylan dahil umuwi nga siya pero mukhang sa office room niya siya ulit nagstay.

Nag morning shower na muna ako at nagpalit ng white loose sleeveless at nagsuot ng sports short. Ito ang outfit ko sa tuwing naglilinis ako ng bahay para komportable akong makagalaw.

Pero bago maglinis, nagluto muna ako ng breakfast. Egg-tuna omelet at fried rice samahan mo na rin ng bacon. Nag prepared ako sa table ng pagkain para kay Dylan at tsaka tinakpan ito para pag nagising na siya, kakainin nalang niya. (Iyon ay kung kakain siya ng niluto ko.)

"Ugh! Ang alikabok na pala..."

Nag-aagiw ako ng kisame at nabahing ako dahil sa alikabok. Pilit akong tumiting-kayad para maabot ang mataas na ceiling habang hawak ang mahabang pang-agiw. Pero nahihirapan parin ako. Kaya naman naisipan kong kunin ang metal staircase at doon ako umakyat.

"When I Marry The Monster" [BOOK 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon